Close
 


News ExplainED: Balikatan 2024 | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#NewsExplainED | Bakit napakakontrobersyal nitong paparating na Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika? #FrontlineTonight #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Bakit parang napaka-kontrobersyal nitong paparating na balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika?
00:05.6
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lin Jiang,
00:08.5
ang panghihimasok ng dayuhan daw sa isyo ng siguridad ng isang bansa
00:11.9
ay lalalamang magre-resulta sa greater insecurity para sa Pilipinas.
00:18.1
Pero kung tutulusin, ito na pong ika-tatlumput siyam na balikatan exercises sa pagitan ng US at ng Pilipinas.
00:25.0
Kaya't hindi na po bago ang mismong balikatan.
00:27.4
Sa international treaties kasi, ang 12 nautical miles mula sa ating baseline
00:32.6
ang tinatawag na territorial sea ng isang bansa.
00:36.9
Ibig sabihin po, yan talaga ay pag-aari natin, 12 nautical miles.
00:41.5
Sa matagal na panahon, hanggang dyan lamang po ang balikatan exercises.
00:45.1
Hindi po nalalayo sa Luzon o sa Palawan.
00:47.8
Sa unang pagkakataon, ang balikatan ay i-extend hanggang sa 200 nautical mile exclusive economic zone natin o EEZ.
00:55.8
Ngayon,
00:56.6
parating nating naririnig yung EEZ na yan, pero marami ang hindi pa rin nakakaintindi nito.
01:02.1
Ang EEZ po ay hindi pag-aari ng isang bansa.
01:06.5
Yan po ay nasa international waters na.
01:09.7
Pero ayon sa UNCLOS, ang bansang may sakop ng EEZ na yan ay siya lamang may karapatan na gamitin ng mga yamang dagat dyan.
01:18.2
Kaya nga po, exclusive economic zone ang tawag.
01:20.9
Eksklusibo lamang sa isang bansa.
01:23.5
Kaya sovereign rights po ang pinag-uusapan dyan.
01:26.6
Hindi po sovereign team.
01:28.4
Sa balikatan 2024, magkakaroon ng joint maritime exercises ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard,
01:35.1
US Navy, US Coast Guard, at pati nalang ng French Navy dyan po sa ating EEZ.
01:40.6
Yan po yung kulay pula sa mapang ito.
01:44.2
Pero kung titignan mo po ang mapa, kasama sa era na yan,
01:47.6
ang inaangkin ng China na kanyaraw teritoryo, ang natatawag niyang 9-dash line.
01:52.5
Nalang ito po sa itaas, itong kulay dilaw.
01:55.9
Ang Scarborough.
01:56.6
Ang Scarborough Shoal, kung saan hinaharangan ng Chinese Coast Guard ang mga Philippine fishing boats.
02:01.5
Nasakop na po yan ng China.
02:03.8
At na ito naman, sa badnang baba, pasok pa rin sa EEZ,
02:07.0
ang Ayungin Shoal, kung nasaan ang BRP Sierra Mate.
02:11.7
Dito yung parating may kiskisan dahil tinataboy ng Chinese Coast Guard
02:15.8
ang ating mga barko sa kanilang resupply missions sa BRP Sierra Mate.
02:20.9
Lahat po yan, pasok sa ating exclusive economic zone or EEZ.
02:25.0
Sa bahaging yan,
02:26.2
ang ating EEZ na inaangkin ngayon ng China,
02:29.3
diyan po maaring maglayag at magsasagawa ng Balikatan ang tatlong bansang yan.
02:34.8
Ang tanong ngayon, kung ano ang gagawin ng China?
02:38.1
Halimbawa, sila ba'y mag-water cannon muli?
02:41.4
Isa pang bagay, ang pagsama ng French Navy sa Balikatan exercises.
02:46.4
Una pong pagkakataon yan.
02:47.9
At hindi lang yan, baka sa susunod na taon,
02:50.3
kasama rin po ang Japanese Self-Defense Forces sa Balikatan.
02:54.3
Ang Australia.
02:56.2
Magpapadala rin ng ground forces para sumama sa ground component ng Balikatan.
03:00.7
Hindi lamang po yan, maraming bansa ang magpapadala ng mga official military observers sa Balikatan.
03:05.4
Kasama na po ang Germany, Brunei, Great Britain, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand, at pati na rin po ang Vietnam.
03:15.7
Bahagi rin ng Balikatan ang isang exercise para i-recapture ang isang isla ng Pilipinas na kunwari po ay nasakop na ng kalaban.
03:22.9
At ang culmination ay gaya nung nakarang taon,
03:26.2
sa Balikatan 2023.
03:28.4
Ang tawag po dito ay Sink X o Sinking Exercise,
03:32.0
kung saan palulubugin ng dalawang pwersa ang isang mock enemy ship.
03:36.2
Nung nakaralang 2023 Balikatan,
03:38.2
dito po ang pinalubog,
03:40.3
ang decommissioned Navy Corvette na BRP Pangasinan.
03:44.5
At ito ang video na inilabas ng Navy
03:46.9
sa pagpapasabog ng BRP Pangasinan
03:49.1
gamit ang mga bagong F-35 fighter jets ng US.
03:52.9
Yun lang sa Balikatan 2024,
03:54.7
ang papalubugin nila ngayon ay yung kaisa-isang decommissioned Philippine Navy ship na made in China.
04:02.7
Ang BRP Lake Kaliraya ay isang dating Navy tanker,
04:06.7
pero bago po iyon, isa itong barko ng Philippine National Oil Company Shipping and Transport Corporation
04:12.2
na binuo sa Taizu Zhongxing Shipyard sa China.
04:15.7
Binigay ito sa Philippine Navy taong 2014,
04:18.7
pero hindi rin nagtagal dahil maraming mechanical at electrical problems.
04:22.7
Coincidence lamang daw po naman,
04:24.0
na made in China itong papalubugin ngayon.
04:27.0
Gawin pa man, hindi masaya ang China sa paparating na Balikatan 2024.