Close
 


Working Mom: Pangangamusta sa anak I Gud Morning Kapatid
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#GuMKWorkingMom | Kapag nanay ka na, gusto mo palagi kang updated sa mga nangyayari sa iyong anak. Kaya naman mahalagang maglaan tayo ng oras para kumustahin sila. #GudMorningKapatid #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Music 🎵
00:06.6
Simple man daw ang salitang kumusta,
00:12.9
pero malaki ang epekto nito sa emosyon ng ating mga anak.
00:16.5
Mahalaga ang maramdaman nila na kahit anumang mangyari
00:19.5
ay may mapapagsabihan sila ng kanilang problema.
00:22.7
Kaya maraming naantig sa nag-viral na video ni Mommy Rizel
00:25.5
sa kung paano niya kinamusta ang naging araw ng kanyang anak na si Zane.
00:30.0
Sinundo ko siya sa school.
00:32.2
So, patatapos lang ng card giving at announcement ng mga rank,
00:39.0
tapos nakita ko, siyempre, sinend sa JC namin na wala siya sa rank.
00:44.8
So, naisip ko na pagkasundo sa kanya,
00:48.4
itreat ko siya sa favorite fast food niya.
00:52.7
Tapos, kamustahin siya kung anong nangyari sa kanya.
00:58.3
Routine na raw ni Mommy Rizel ang kumustahin ang kanyang anak tuwing sinusundo niya ito sa school.
01:06.0
Tintayin ko siyang mag-open sa akin na kung ano ba yung nangyari sa kanya sa school.
01:11.4
So, ayun nga, nasabi niya,
01:13.1
mabagal ako magsulat, mama, tapos wala ako sa rank.
01:18.9
Yun, parang as a mother, gusto ko lang siyang bigyan ng assurance na okay lang sa akin kahit wala ka sa rank,
01:27.1
wala kang on.
01:28.3
Or, bonus lang naman lahat ng unit.
01:30.6
Gusto ko lang siya bigyan ng assurance na walang problema sa akin.
01:34.5
With or without honor or rank, proud ako sa hiyo.
01:39.3
Sinisigurado naman ni Mommy Rizel na palagi silang may bonding moment ni Zane para nakakapagkwentuhan silang dalawa.
01:46.9
Meron kaming mother and child me time.
01:51.1
Yun yung parang time namin na makapag-usap kami at makapag-bonding.
01:58.3
Dahil sa madalas sa pangumusta ni Mommy Rizel, mas naging open ang anak niya sa kanya.
02:03.9
Nawawala yung takot sa kanya.
02:06.1
Nawawala yung sa pag-iisip niya na baka pagalitan ako ni mama, hindi ko na lang sasabihin.
02:11.9
Pinapaunawa ko sa kanya na kahit magalit ako, mahal ko pa rin siya.
02:17.0
Dinidisiplina ko lang siya.
02:19.7
Hindi rin daw pinipressure ni Mommy Rizel si Zane sa pag-aaral at sa iba pang gusto nitong gawin.
02:25.2
Palagi pa nga sinasabi sa kanya, mag-enjoy ka.
02:28.3
Tsaka ang importante sa akin, nag-aaral ka mabuti.
02:33.7
Kabalik na rin naman daw nang naranasan ni Mommy Rizel ang ganitong klase ng pagpapalaki noong siya ay bata pa.
02:40.4
Yung ginagawa ko kay Zane ngayon na pangangamusta, yun yung hinahanap ko sa magulang ko.
02:47.2
Kaya ngayon talaga promise ko sa sarili ko na kapag ako nagkaanak, gagawin ko yung best ko para alam mo yun,
02:56.4
yung maging close kami at maging open.
02:58.3
Kaya kahit hindi raw makuwento ang ating mga anak, maiging unahan na natin silang kumustahin.
03:06.7
As a parent, nararamdaman natin kung meron ba silang problema, kung meron ba dapat silang ikuwento sa atin.
03:15.1
So dapat kahit hindi silang nagkukwento, maging mindset natin na palagi natin silang kamustahin.
03:22.5
Bigyan natin sila ng assurance na okay lang sa atin.
03:26.2
Pero as a mother, as a parent, ang pag-correct sa kanila hindi yung aawain mo sila, papagalitan mo sila, papaluin mo sila.
03:36.5
Correct natin sila in a nice way.
03:38.7
Para sa susunod na magkamali sila, hindi sila takot na magkwento, hindi sila takot na mag-open up sa atin.
03:49.9
Mga kapatid, Mawid David po.
03:52.2
Simula ng inyong araw na may alam at may pakialam sa mga may init.
03:56.2
At umaaksyong balita sa bansa.
03:58.2
Para maging una sa balitaan, mag-subscribe at mag-follow sa social media pages ng News 5.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.