Close
 


Tama si RONDO LAKERS IBALIK ang DATING "GAME PLAN" vs NUGGETS | CELTICS SWENERTE sa PLAYOFFS | CURRY
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mga IDOL, ang pag uusapan nga natin ngayon ay tungkol namansa payo ni Rajon Rondo. Facebook Page - http://www.facebook.com/officialBasketballFAM/ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ What is Fair Use? Fair Use is a legal doctrine that says you can reuse copyright-protected material under certain circumstances withour getting permission from the copyright owner. This video is edited under Fair Use law of YouTube. No Copyright Infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, background music, etc. Background Music: beatbyneVs - Monster https://youtu.be/dNHQ6ijiONY Spotify: https://sptfy.com/4Mn4 For Business Inquiry: jhayllano123@gmail.com
JHAYZONE TV
  Mute  
Run time: 03:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maliban nga po mga idol kay Stephen Curry, wala nang iba pang player ang Golden State Warriors na bumuhat sa kanila sa play-in tournament laban sa Sacramento Kings.
00:10.3
Kaya yan nga ang rason bakit maaga na naman silang nagbakasyon na ay kinadismaya ngayon ng mga fans at analysts.
00:17.2
Kaya malinaw na sinasayang na ng Golden State Warriors ang prime years ni Stephen Curry.
00:23.6
Kaya hindi na naiwasan pa ngayon na pag-usapan ang posibilidad na paglipat nito.
00:28.6
At base nga po mga idol sa pinakahuling inalabas na balita, kung sakasakali man nga po na umalis si Stephen Curry sa Golden State Warriors,
00:37.3
ang kupunan nga daw po ng San Antonio Spurs ang may pinakamalaking tsansa na sunod nitong paglaruan at salihan since andito si Victor WembaƱama na maaari niyang maging bagong katandem.
00:49.5
Maliban nga po sa San Antonio Spurs, kasama rin naman dito ang Los Angeles Lakers dahil kay Lebron James.
00:56.8
Samantala, bago po man magsimula.
00:58.8
Ang first round ng Los Angeles Lakers at Denver Nuggets, inumpisahan na ng Lakers ang kanilang team practice kung saan lahat nga ng kanilang mga malalaro dito gigil na mag-insayo sa kanilang ginagawang shooting drills.
01:13.3
Ayon nga po sa naging pahayag ni Coach Darvin Hama, iba't ibang klaseng game plan ang sinubukan nilang gawin ngayon since alam nga po niya na maraming senaryo ang pwedeng mangyari sa kanilang magiging laban sa Denver Nuggets.
01:26.5
Maging ang dating player ng Lakers na si Rayjun Rondo, sinusubukan na rin naman tulungan dito ang Lakers para manalo.
01:33.8
Ayon nga po sa naging pahayag nito sa media, para nga po matalo nila ang Nuggets, kailangan nila na magkaroon ng big lineup.
01:41.6
Kagaya ng ginawa ng Lakers noong taong 2020 kung saan tinalo nga nila dito sa West Finals gamit ang kanilang tatlong sentro na sina Anthony Davis, Dwight Howard at JaVale McKee.
01:53.8
Bukod nga po dyan, kailangan rin naman nga itong...
01:56.5
...atakihin ang depensa nito upang sa ganun hindi siya maging komportable sa kanilang game katulad na lamang nang nangyari taong 2020.
02:05.7
Sa ganyang paraan, maaari pa nilang mapabagal ang dinadala nitong opensa sa Denver na pwedeng maging oportunidad para manalo ang Lakers sa kanilang serye.
02:16.2
Sa kabilang banda, kailangan pa nga po mga idol ng Boston Celtics na maghintay ng isa pang araw bago nila malaman kung ano ang kanilang makakatapat...
02:26.3
...at mananalo sa gaganaping play-in tournament ng Miami Heat at Chicago Bulls.
02:31.4
Pero kahit sino man ang manalo sa dalawang ito, magiging liyamado pa rin ang Boston Celtics sa kanilang magiging serye sa first round.
02:39.9
Sa katunayan, pareho nga pong undermanned ang lineup ng Miami Heat at Chicago Bulls sa pagkawala at pagtatamo ng injury ng kanilang mga superstar.
02:48.5
Sa parting nga po ng Miami Heat, kinumpirma ngayong araw na mawawala si Jimmy Butler ng ilang linggo bunsod ng pagtatamo ng injury...
02:56.3
...sa kanyang tuhod laban sa Philadelphia 76ers.
03:00.0
Habang pagdating naman sa Chicago Bulls, nagkaroon na rin naman nga po ng season ending injury ang superstar nila na si Zach LaVine na siyang rason bakit hindi na ito makakapaglaro pa sa playoffs.
03:12.1
Kaya kahit sino man ang kalabanin ng Boston Celtics sa first round, maswerte pa rin sila.
03:18.2
So that's it mga idol, ang ating bagong video.
03:21.8
Once again, this is your JZoneTV.
03:26.3
Like at syempre magsubscribe.
03:28.2
Pindutin ang notification bell sa akin channel para lagi kayo maging updated sa mga videos na pinapalabas ko.
03:34.4
Isang malaking shoutout sa lahat mga idol. Maraming maraming salamat po.