Close
 


'My Puhunan: Kaya Mo!': Pampalamig, patok sa UST
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayong mainit ang panahon, magandang i-negosyo ang pagbebenta ng malalamig na pagkain. Kaya naman ang magpartner na sina Caress Apostol at Diana Aaron, malaki ang pasasalamat sa panghimagas nilang binabalik-balikan. Hit sa kanilang food cart na nakapuwesto sa paligid ng University of Sto. Thomas ang tinatawag nilang "thick choco". Sa isang cup na may crushed ice, inilalagay sa ibabaw ang thick choco na maaaring lagyan ng gusto mong toppings, gaya ng cookies at iba pa. Sa naging panayam sa kanila ni Migs Bustos para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!", ang negosyong ito ang nagpatibay sa relasyon nina Caress at Diana. "So, nu'ng nag-meet kami, naisip namin na hindi kami puwedeng lugmok eh. Kumbaga, doon din natest 'yung relationship namin kung hanggang saan ba 'yung kaya naming ibigay sa isa't isa," kuwento ni Caress. Magtatatlong taon nang patok hindi lang sa mga estudyante maging sa mga napapadaan sa kanilang puwesto ang thick choco nina Caress at Diana na sinimulan nila gamit ang P20,000 na puhunan.
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 09:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
5, 6, 7, 8, 9, 10
00:30.0
Masubukan din yun.
00:34.8
Hello!
00:35.9
Hi, sir!
00:36.6
Hello!
00:37.7
Sige, siyempre.
00:39.0
Multitasking ha.
00:39.8
Interviewing ko kayo habang mag-serve ng costumera.
00:42.5
Sige, kares, mag-start ako.
Show More Subtitles »