Close
 


LOLO'S SECRET | MAX | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 26:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
00:11.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:24.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, Papagdudud Stories 🎵
00:37.0
Hindi lang natin alam, pero maraming bagay sa mundo ang mahirap talagang ipaliwanag.
00:45.9
May mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay na unexpected at hindi mo akalain mangyayari pala
00:54.0
sa totoong buhay.
00:56.7
Papagdudud, tawagin mo na lamang ako sa pangalang Max.
01:00.8
31 years old na ako sa ngayon at tubong infanta Quezon.
01:05.2
Pero nakatera ako ngayon dito sa Lagro Fairview, Quezon City.
01:10.0
Suki ako ng inyong programa.
01:12.6
At madalas ko din pong madaana ng Papagdudud Litson Manok dito sa amin sa Lagro.
01:19.2
Marami na akong napakinggan na mga kwento na inyong ibinakasal.
01:24.0
At nakaka-relate ako.
01:26.8
Pero wala nang mas re-relate pa sa akin sa mga kwentong horror na itinatampok mo.
01:33.5
Dahil ako mismo ay nakaranas noon.
01:36.6
Ilang dekada na ang nakakalipas.
01:40.4
Papagdudud, 9 years old po ako.
01:43.1
Nung mangyari ang sinasabi kong kababalaghan na naranasan ko.
01:48.5
Natatandaan ko na simple lamang ang buhay namin noon.
01:51.9
Hindi naman kami mayaman.
01:54.0
Pero masaya kami at kahit papaano ay nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
02:00.6
Doon pa kami nakatira noon sa Infanta, Quezon.
02:04.5
At mag-isa ang papa ko na bumubuhay noon sa amin.
02:08.9
Nagwa-work siya bilang isang factory worker.
02:12.2
Samantala ay lima kaming magkakapatid at ako ang nag-iisang lalaki.
02:17.8
Masasabi kong blessed ako dahil bukod sa matalino ako at consistent top 1 student noon.
02:22.8
Ay nababalik.
02:24.0
Kinabihayaan din po ako ng angking kakisigan.
02:28.1
9 years old pala mga ko noon pero sari-saning admiration na
02:32.2
ang natatanggap ko mula sa aking mga kaklaseng babae.
02:37.2
Maski sa mga nakakatandang babae.
02:41.2
Palagi nila akong sinasabihan na subukan ko raw na mag-artista at yak na sisikat daw ako.
02:47.6
Pero hindi yun ang priority ng mga magulang ko, Papa Dudut.
02:53.1
At kahit na mahihintay,
02:54.0
nang hirap kami ay wala sa plano ni Papa na pagtrabahuhin ako para sa pamilya namin.
03:02.1
Ngunit may dumating noon na pagsubok sa aming pamilya.
03:07.1
Naaksidente si Papa sa pinagtatrabahuhan niya at kinailangan niyang magpagamot noon sa ospital.
03:13.9
Sa Maynila dahil doon lamang ang may sapat na pasilidad para sa agaran niyang pagpapagaling.
03:21.6
Dahil doon ay nagpa siya si Mama na ipagpapagaling.
03:24.0
Ipaalaga muna kami sa mga kamag-anak namin abang si na Mama at Papa ay luluwas papunta ng Metro Manila.
03:32.0
Tatlo sa mga kapatid ko ay napunta kay Tita Mining na isang dalagang matanda.
03:38.4
Habang ang panganay, namin si Atin Naila ay napunta sa pangangalaga ni Tita Josie na isang principal ng school na pinapasuka namin.
03:48.9
Habang ako ay nag-iisang lalaki ay napunta naman sa pangangalaga ng aking lolo.
03:54.0
Sa aking mother's side.
03:56.8
Aaminin kong medyo ayaw ko magstay noon kay lolo dahil sa napaka-istrikto nito.
04:04.0
Tahimik pero madaling magalit lalo na kapag maingay ang kanyang paligid.
04:09.5
Pero wala akong choice noon dahil siya lamang ang pwedeng mag-alaga sa akin noon.
04:14.7
Habang wala ang mga magulang ko.
04:18.2
Papadudot nung una ay nakakaramdam pa ako ng takot kay lolo
04:22.5
kasi hindi ko siya masyadong nakasama.
04:26.2
Pero sa paglipas ng araw,
04:29.0
unti-unting nawala ang takot ko sa kanya dahil sa nararamdaman ko naman ang kanyang pagmamahal sa akin.
04:37.4
Samantala isang maulan na hapon ay nagpa siya akong manood ng TV.
04:41.9
Pagbukas ko ay bumungad sa akin ng isang pelikulang horror movie, Papadudot.
04:47.1
Tungkol sa isang babaeng pinatay.
04:49.6
Pero nagpa siyang bumalik sa mundong ibabaw pa.
04:52.5
Para maghiganti sa mga taong pumatay sa kanya.
04:56.4
Kahit na nakakatakot ang palabas.
04:59.9
Hindi ako nakaramdam ng anumang kabah.
05:02.8
Ewan ko ba pero kahit na 9 years old pa lamang ako noon ay hindi ako matatakotin pagdating sa mga multo.
05:10.7
Pero habang nag-i-enjoy ako sa panonood ay biglang dumating si lolo at pinatay niya ang TV.
05:17.2
Bagamat nagreklamo ako sa kanya.
05:19.7
Pero wala din akong nagawa noon.
05:22.5
At sa halip ay napilitan akong sundin ang utos niya sa akin ng mga oras na yon, ang matulog ng hapon.
05:32.1
Tatlong oras din akong nakatulog noong hapong yon at nagising na lamang ako nang lagpas alasing ko nang marinig kong bukas ulit ang TV.
05:42.1
Nanonood na kasi ng balita si lolo.
05:45.4
Pagkatapos ng balita ay nagluto na ng hapunan si lolo.
05:49.1
Tuyo, kamatis, tuyo na may kalamansin.
05:52.5
At mainit na kanin ang hapunan namin.
05:56.8
Usually tahimik lamang si lolo kapag kumakain.
06:01.4
Pero noong mga sandaling yon ay bigla kong naalala yung napanood kong horror movie kaninang hapon.
06:08.4
Lolo, totoo po bang sinasabi nilang kapag may ginawa kang masama sa isang tao ay magihiganti ito kapag namatay na?
06:17.0
Tanong ko sa kanya.
06:19.3
Napatingin naman sa akin si lolo.
06:21.3
Halatang nabigla siya sa aking tanong.
06:25.2
Pareho ang aming mga mata kulay tsokolate na nakakaakit naman talaga.
06:32.0
Mistiso rin ito at matangos ang ilong.
06:35.1
Maganda rin ang pustura ng matanda noong kabataan pa nito.
06:39.6
Ayon pa sa mga kakilala namin ay kay lolo ako nagmana ng itsura.
06:45.1
Samantala akala ko noon ay hindi sasagutin ni lolo ang aking tanong.
06:50.1
Pero nagkamalik.
06:51.3
Tama ang tinuran mo Max.
06:55.0
Tiyak na maghihiganti sila.
06:57.5
Ipaparanas nila sa iyo ang lupit na pinaparanas mo sa kanila.
07:01.9
Tila ba ay wala sa sariling sagot niya sa akin?
07:06.2
Papadudod sa murang edad ay naiintindihan ko na kaagad ang ibig ipagkahulugan ng lolo ko.
07:12.2
Kaya sumumpa ako noon na hindi gagawa ng kasamaan sa kung sino man.
07:16.9
Sa kabilang banda may isang lugar sa bahay ni lolo ang ayaw niyang
07:21.2
papuntahan sa akin.
07:23.6
Ito ay ang kwarto sa second floor.
07:26.8
Ang sabi sa akin ni lolo ay tambakan lang daw niya ito ng kanyang mga gamit.
07:32.1
Madilim din daw sa loob ng kwarto dahil walang ilaw at walang bintana.
07:36.7
At saka matagal na rin daw na hindi nabubuksa ni lolo ang kwartong yon.
07:41.9
Pero tuwing gabi ay nakakarinig ako ng mga yabag at kalusko sa loob ng kwartong yon.
07:47.6
Noong una papadudod ay hindi ko yon pinapansin.
07:51.2
Pero sa paglipas ng mga araw simula noong tumira ako doon ay palakas ng palakas ang mga kaluskos.
07:58.6
Hanggang sa maging yabag na ito.
08:01.2
At saka nangyayari ito tuwing alas 12 ng madaling araw hanggang alas 3 ng gabi.
08:06.7
At dahil katabi lang ng kwarto ko yung misteryosong kwarto ay nagigising ako sa tuwing mag-iingay ang mga ito.
08:16.1
Hanggang sa isang umaga ay bigla na lamang akong nagising.
08:20.1
Dahil sa mga malalim.
08:21.2
At dahil sa mga malalakas ng mga pagpukpok sa pader.
08:24.4
Tinignan ko ang oras noon sa nakasabit na wall clock at eksaktong 3am na.
08:30.3
Dahil sa ingay nito ay hindi ako makatulog at nagpa siya akong lumabas ng kwarto para alamin kung ano ang ginagawa ni lolo sa kwarto.
08:40.5
Agad na sinalubong ako ng madilim na hallway ng aming bahay.
08:44.9
Dahan-dahan ako naglakad patungo sa kwarto ni lolo.
08:48.1
At dahil sa hindi naglalak ng pintas.
08:51.2
Dito si lolo.
08:52.6
Mabilis kong nabuksa ng kanyang kwarto.
08:55.6
At nagulat ako nang makita kong natutulog si lolo sa kama niya.
09:00.2
Nagtaka ako kung sino yung pumupukpok sa pader sa misteryosong kwarto.
09:05.9
Mabilis akong lumabas ng kwarto ni lolo at dahan-dahan kong nilapitan ang misteryosong kwarto.
09:14.1
Naririnig ko mga ingay ng pupuk sa loob.
09:17.7
At dahil sa curiosity ay idinikit ko pa ang aking tento.
09:21.2
May nga sa nakasarang pintuhan.
09:24.0
Biglang tumigil ang ingay.
09:26.7
Pero laking gulat ko nang biglang may humawak na malamig na kamay sa aking balikat.
09:32.3
Max?
09:33.5
Anong ginagawa mo?
09:35.2
Bakit hindi ka pa natutulog?
09:37.3
Galit na tanong ni lolo sa akin.
09:40.1
Lolo, ginulat niyo naman po ako.
09:42.1
Ang sabi ko.
09:43.8
Ano ba yung pinapakinggan mo dyan?
09:45.8
Usisa ni lolo sa akin.
09:48.6
May narinig po kasi ako nagpupukpok sa pader.
09:51.2
Kasi dinig na dinig ko po sa kwarto ko.
09:54.1
Hindi po ako makakatulog.
09:56.2
Akala ko nga po kayo yung nagpupukpok.
09:58.9
Paliwanag ko.
10:00.7
Sige na at bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na.
10:03.9
Alas tres ng madaling araw naglalaro ka pa.
10:07.7
Yun ang sita niya sa akin sa halip na paniwalaan ng aking sinasabi.
10:13.1
Wala naman akong nagawa noon kundi ang sumunod na lamang sa lolo ko at sinubukan kong matulog muli.
10:18.7
Sa awa naman ng Diyos.
10:20.0
Tuluyan nang nawala yung pagpukpo kaya nakatulog din ako.
10:26.6
Nagising na ako nang mag-aalas otso na ng umaga.
10:30.9
Samantala dahil ako yung tipo ng batang hindi matatakutin,
10:35.3
ay sinubukan ko ulit puntahan ang pinto ng misteryosong kwarto habang nasa baba si lolo.
10:42.4
Nagwawalis ng bakuran.
10:44.8
Nakarnig ulit ako ng mga yabag papunta sa pinto sa kabilang side.
10:49.3
Tapos eh bigla ito.
10:50.0
At itong tumigil.
10:51.5
Dahil sa aking curiosity ay naisipan kong kumatok ng tatlong beses.
10:55.8
Mabilis at malakas.
10:58.3
Pero laking gulat ko nang biglang kumatok pabalik ang kung sino mang tao ang nasa loob ng kwarto.
11:05.6
Napatras ako at naalarma sa aking mga narinig.
11:09.7
Hindi kaya hindi lamang kaming dalawa ni lolo ang nakatira sa bahay niya?
11:13.8
Dahil dito ay nagpa siya akong magsalita na.
11:16.6
Sino ka?
11:17.8
Anong ginagawa mo dyan sa kwarto?
11:20.0
Tanong ko sa supposedly tao sa loob ng kwarto.
11:23.7
Pero walang sumagot.
11:25.6
At nang marinig kong tinawag na ako ni lolo mula sa baba ay nagpa siya akong iwanan na lamang ang misteryosong kwartong yon.
11:34.0
Ngunit kinagabihan, habang nagbabasa ako ng Harry Potter book sa aking kwarto,
11:39.9
ay may narinig akong katok mula sa labas ng bintana.
11:43.6
Nasa ikalawang palapag ako ng bahay kaya sino ang kakatok mula doon?
11:47.8
Isinawalang bahala ko na lamang yon papadudot ngunit ang tatlong katok ay nasa doon pa ng malakas at hindi na mabilang na mga katok.
11:56.8
Bala ko na sanang huwag pansinin yon ngunit nabahala ako na baka masira ang bintana dahil sa lakas noon.
12:04.8
At mang tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng may marinig akong pagbukas sarado ng isang bintana.
12:12.8
Malakas ang naging tunog noon dahilan para mapatayot ako.
12:17.8
Atras ako.
12:19.6
Kung sino ka man huwag ka mambubulabog ngayon, nagbabasa ako.
12:23.9
Hindi ako masyadong magaling makipag-usap kanino man, introvert kasi ako papadudot.
12:29.5
Samantala ay nilapitan ko ang nakaawang na bintana at mang isasarado ko na ito nang may mapansin ako.
12:37.4
Merong iilang hibla ng mga buhok ang naroon, sobrang haba pa ng mga ito.
12:42.8
Bigla ay tinabla na ako ng takot, kanino nang galing ang mga buhok na yon?
12:47.8
Hindi naman, mahaba haba ang buhok namin ni lolo.
12:51.8
At saka dalawang lalaki lang ang naroon sa bahay.
12:55.8
Isang matanda at isang nine years old.
12:58.8
Ang mga hibla ng buhok ay parang nanggaling sa isang taong may edad 20 pataas.
13:04.8
Kumuha naman ako ng walis at itinapon ang mga buhok na nakita ko sa bintana at saka ako binalikan ang binabasa kong libro.
13:13.8
Pero papadudot, nanindig ang mga balan.
13:17.8
Naghibo ko sa mga nakita ko.
13:19.8
Nagkalat ang mahabang mga buhok sa ibabaw ng aking mesa.
13:23.8
Halos matabunan na yon ang librong binabasa ko kanina.
13:27.8
Napatras ako nang bigla na lamang umihip ang hangin at nilipad noon ang iilang hibla ng buhok papunta sa mukha ko.
13:35.8
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi masuka.
13:39.8
Ang amoy noon ay parang nabubulok na hayop.
13:42.8
Tinungo ko ang banyo at naghugas ng aking mukha.
13:46.8
Kinalma ko ang sarili ko at inisip ko na lamang na walang magagawa ang takot ko.
13:51.8
Wala ito Max, sabi ko na lamang sa aking sarili habang pinapakalma ko ang aking dibdib sa sobrang kaba.
14:00.8
Pinilit ko ang sarili kong matulog ng gabing yon.
14:04.8
Nakatulog man ay nalimpungata naman ako ng madaling araw.
14:08.8
Sobrang lamig ng paligid at tila ba ay napapaligiran ako ng yelo.
14:14.8
Nanigas ako nang bigla nang lumobo ang kumot ko.
14:19.8
Umulma roon ang isang figura ng tao.
14:22.8
Unti-unti yung dumagaan sa katawan ko.
14:25.8
Mabilis kong inalis ang kumot sa aking katawan at wala akong nakita.
14:29.8
Pagaktak na rin ang pawis ko.
14:31.8
Nanlalamig ang buo kong katawan at naninindig ang aking mga balahibo.
14:36.8
Marami akong gustong itanong sa lolo ko.
14:39.8
Kanina kasi ay pinapaalalahanan na naman ako nito tungkol sa paligid.
14:42.8
Na huwag pumasok sa kahit na aling kwarto maliban sa kwarto ko noon pamaan papadudot.
14:50.8
At hindi ko alam kung bakit.
14:52.8
Napalingon ako sa gawing pinto ng may marinig akong malalakas na mga yabag ng isang tao.
14:58.8
Napalonok ako ng ilang beses.
15:01.8
Pilit na tinatataga ng sarili.
15:04.8
Bigla ay nawalang yabag at napalitan nyo ng kato.
15:07.8
Lolo?
15:09.8
Tanong ko nang lumampas sa tatlo.
15:11.8
Bumuntong hininga ako.
15:15.8
Hinaaming ko ay halos atakihin na nga ako sa mga nangyayari.
15:19.8
Oo nga at lalaki ako pero may takot talaga ako sa mga ganitong bagay.
15:24.8
At saka normal lang na matakot ako sa edad kong siyam na taong gulang.
15:28.8
Ano pong kailangan ninyo?
15:30.8
Pilit kong binigyan ang buhay ang tinig ko.
15:33.8
Ngunit walang sumagot sa akin papadudot.
15:37.8
Nanginginig at nanlalamig na tinungo ako.
15:39.8
Tinitigan ko muna ng ilang minuto ang doorknob bago ko ito pihitin at dahan-dahang binuksan ang pinto.
15:50.8
Ramdam na ramdam ko ang malamig at malakas na hanging dumampi sa mukha ko.
15:55.8
Walang tao.
15:57.8
Walang anino.
15:59.8
Inilibot ko ang tingin sa pasilyong ngunit wala talaga.
16:03.8
Sinarado ko ang pinto sa likuran at dahan-dahang naglakad.
16:07.8
Ramdam ko ang pagglobo at pagbigat ng ulo ko.
16:10.8
Halos patiyad akong naglakad, naghiingat na huwag makagawa ng kahit na anumang ingay.
16:17.8
Dinala ko ng aking mga paa sa harap ng misteryosong kwarto.
16:22.8
Nagulat ako ng makita kong bahagyang nakawangang pinto at lumabas mula roon ang liwanag, himala at hindi sinarado ni Lolo ang kwarto.
16:31.8
Hanggang sa naisip ko na baka nasa loob ng kwarto si Lolo.
16:35.8
Pumugot muna ako ng lakas ng loob bago kubuksan ang pintuan.
16:40.8
Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin.
16:44.8
Walang masyadong kagamitan ang naroon, maliba na lamang sa isang malaking kahon na gawa sa makapal na kahoy ang nakita ko sa gilid.
16:52.8
Puno ng alikabok at bahay gagambang na turang silid.
16:57.8
At higit sa lahat ay wala roon si Lolo.
17:00.8
Nilakasan ko na lamang ang loob ko na pumasok papadudut.
17:04.8
Sa isip ko ay hindi naman siguro malalaman ng Lolo ko ang ginawa kong paglabag sa kautosan na ito o papadudut.
17:12.8
Naglakad ako papalapit sa kahon.
17:14.8
Alam kong sa oras na buksan ko ang kahon ay maaaring magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan ko o papadudut.
17:23.8
Maaari din namang wala akong makuha mula roon.
17:26.8
Napaiktad ako ng bingla na lamang malakas na sumarado ang pinto.
17:32.8
Hindi ko na yon pinansin at dali-dali kong binuksan ang kahon.
17:37.8
Amoy patay na hayop ang umaaling-aung-aung sa kabuuan ng kwarto.
17:43.8
Bumungad sa akin ang katawan ng isang babae nanunuyot na ang mga balat nito at lumalabas na ang mga buto.
17:51.8
Para siyang mami kung saan ay literal na butot balat na ito.
17:55.8
Para lamang itong natutulog at nakasot ito ng isang puting bestida.
18:00.8
Ang tila-alo nitong buhok ay maayos na nakalugay papadudut.
18:05.8
At kahit na mummified na ito ay kita pa rin ng mataas at malantik ang mga pilikmata niya.
18:11.8
Bulok na ang mga labi nito kaya kitang kita ko ang mga ngipin niya ang kulay itim at brown.
18:17.8
At wala na rin po itong ilong.
18:20.8
Mahinang binatukan ko ang sarili ko at baka sakaling nananaginip lamang ako pero nang masaktan ako.
18:26.8
Alam kong hindi ako nananaginip papadudut.
18:29.8
Pero napatras ako nang unti-unti ay dumilat ito.
18:35.8
Walang puting bahagi ang mga mata nito.
18:38.8
At dahan-dahan itong bumangon sa kahon na kanyang hinihigaan.
18:42.8
Gustong kumaripas ng takbo ko ngunit hindi kumagawa.
18:46.8
Tila ba ay naparalisa ako at hindi makagalaw ni makasigaw.
18:52.8
Ang itim na itim na mga mata nito ay diretsyong nakatitig lamang sa akin.
18:57.8
Masaya ba?
18:58.8
Masaya ba ang ikulong ako rito sa kahon dahil ang sasakim mong pag-ibig Maxwell?
19:04.8
Sabi ng bangkay ng babae sa akin.
19:07.8
Nagtaka ako dahil parang hindi para sa akin ang kanyang sinabi.
19:12.8
Buong buhay akong nagdusa.
19:14.8
Nakakulong.
19:15.8
Walang kalayaan.
19:17.8
Ngayon ay ipapatikim ko sa iyo ang sarili mong gawa.
19:20.8
Huwi ka pa sa akin ang bangkay na nabuhay.
19:23.8
Hindi ako makapagsalita.
19:26.8
Maxwell ang pangalan ng lolo ko.
19:29.8
Doon ay sinubukan kong tumakbo papunta sa pintuan pero hindi ko yon mabuksan.
19:33.8
Hanggang sa napasigaw na lamang ako nang biglang nasa likod ko na pala ang bangkay na nabuhay.
19:40.8
Naramdaman ko ang malamig ngunit mabaho niyang kamay.
19:44.8
Isasama na kita sa loob ng kahon Maxwell.
19:48.8
Ang sabi pa ng bangkay sa akin.
19:50.8
Napasigaw at nahihinaman ako sa sobrang takot at pagkatapos ay biglang nagdibig.
19:56.8
Ang aking paningin.
19:58.8
Bigla na lamang akong nagising sa aking bangungot papadudot.
20:03.8
Oo, papadudot bangungot lang pala ang lahat dahil natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa kama ko.
20:10.8
Katabi yung Harry Potter book na binabasa ko kagabi bago matulog.
20:16.8
Dahil doon ay agad akong bumangon para puntahan si lolo at para kumprontahin na rin siya sa aking panaginip.
20:23.8
Lolo?
20:24.8
Alam kong may patindahan.
20:25.8
Alam kong may patay na babae doon sa katabing kwarto ko.
20:28.8
Naibulalas ko sa kanya.
20:31.8
Pero sa halip na maggalit siya sa akin ay nawalan siya ng kibo.
20:35.8
Alatang nagulat siya sa aking mga sinabi.
20:38.8
Na naginip po ko kagabi na merong patay na babae doon sa kwarto.
20:43.8
Nakahiga po siya doon sa malaking kahon.
20:45.8
Sino po siya lolo?
20:47.8
Bakit po siya naroon sa kwarto na yon?
20:50.8
Sa puntong yon ay nagsalita na si lolo.
20:53.8
Medyo galit ito.
20:55.8
Pumasok ka na doon sa kwarto.
20:57.8
Kumpronta niya sa akin.
20:59.8
Lolo ano?
21:01.8
Meron po bang bangkay ng babae doon sa misteryosong kwarto ninyo?
21:05.8
Insist ko sa kanya na sagutin niya ang tanong ko.
21:09.8
Magsalika.
21:11.8
Ipapakita ko sa iyo ang loob ng kwarto.
21:14.8
Wika niya at pagkatapos noon ay sabay kaming pumasok ng misteryosong kwarto.
21:19.8
At naging balako sa aking nakita dahil totoo nga ang aking panaginip.
21:22.8
May nakita nga akong malaking kahon at nang buksan niya ay tumambad ang mummified na bangkay ng isang babae.
21:30.8
Siya si Lorena.
21:32.8
Siya ang unang asawa ko.
21:34.8
Pero isang taon pa lamang kaming kasal noon ay naghiwalay kami dahil naging kalaguyo ko ang lola mo.
21:40.8
Hindi matanggap ni Lorena ang pagtataksil ko sa kanya.
21:44.8
Kaya nagpakamatay siya dito mismo sa kwartong ito.
21:48.8
Inilibing siya sa Chaong Quezon pagkatapos.
21:51.8
Hindi nagtagal ay pinakasalan ko ang kabit ko.
21:54.8
Yun nga ang lola mo.
21:56.8
At tumagal kami ng 45 years bilang mag-asawa.
22:00.8
Pero aaminin ko sa iyo Max.
22:02.8
Na narealize ko na hindi ko mahal ang lola mo.
22:05.8
Na si Lorena pa rin ang iniibig ko.
22:08.8
Nabuhay ako noon sa pag-uusig ng aking konsensya.
22:12.8
Hanggang sa mamatay ang lola mo.
22:15.8
At dahil mas mahal ko si Lorena ay pinahukay ko ang kanyang mga labi sa Chaong.
22:19.8
At dito ko dinala sa aking bahay.
22:22.8
Simula noon ay dito na nakalibing si Lorena.
22:25.8
Buong paglalahad ni lolo sa akin.
22:29.8
Samantala ay naiyak naman ako sa ikinuwento ni lolo sa akin.
22:33.8
Pasensya ka na apo kung minulto ka ni Lorena.
22:36.8
Ang totoo niyan ay nagbabalak na akong ibalik ang bangkay ni Lorena sa sementeryong pinaglibingan niya dati.
22:41.8
Para hindi ka na matakot.
22:43.8
Uwi ka pa ni lolo sa akin.
22:46.8
Patawarin mo ako apo.
22:48.8
Huwag ka nang umiyak.
22:50.8
Paghaalo pa niya sa akin.
22:52.8
At yun nga papadudot makalipas lamang ang tatlong araw ay muling nilibing ni lolo ang katawan ni Lorena sa sementeryo.
22:59.8
Simula noon ay umayos na ulit ang bahay namin.
23:02.8
Muling gumanda na ang ora ng paligid at wala na akong napapakinggan ng mga ingay, kalabog at kaluskos sa dating misteryosong kwarto.
23:12.8
Sa kabilang banda makalipas pa ng isang buwan.
23:16.8
Ay muli na akong kinuha ng mga magulang ko mula sa lolo Maxwell ko.
23:22.8
At three days pagkalis ko ay natagpuan na lamang patay ang aking lolo sa kanyang kwarto.
23:29.8
Ang cause of death ay katandaan.
23:32.8
Pagkalibing ni lolo ay namanan ang aking ina ang property na iyon.
23:36.8
At yun nga nang makaipon sila ay pinagiba nila ang bahay ni lolo at tinayuan ito ng apat na units ng apartment.
23:45.8
Bahala kasi ni mama na paupahan iyon para pandagdag din sa buwanang kita nila papadudod.
23:52.8
Ito ang aking naging experience.
23:55.8
Totoo ito na nangyari sakin.
23:58.8
Bagamat nakapag move on na ako ay aaminin kong hinding hindi ko iyon makakalimutan papadudod.
24:05.8
Hanggang dito na lamang ang aking kwento.
24:08.8
Maraming salamat and God bless po sa inyo at sa buo buo ng inyong programa.
24:13.8
Labos na gumagalang Max.
24:43.8
May lungkot at saya sa papadudod stories.
24:52.8
Laging may karamay ka.
25:00.8
Mga problemang kaibigan.
25:07.8
Dito ay pakikinggan ka.
25:13.8
Sa papadudod stories.
25:17.8
Kami ay iyong kasama.
25:25.8
Dito sa papadudod stories.
25:29.8
Ikaw ay hindi nag-iisa.
25:38.8
Dito sa papadudod stories.
25:42.8
May nagmamahal sa iyo.
25:51.8
Papadudod stories.
25:57.8
Papadudod stories.
26:03.8
Papadudod stories.
26:11.8
Hello mga ka-online. Ako po ang inyong si Papadudod.
26:14.8
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
26:18.8
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood inyo.
26:23.8
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.