Close
 


Sino Ang May Ari Ng Antactica
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #antarctica #geopolitics #history
Moobly TV
  Mute  
Run time: 11:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Sino ang may-ari ng Antarctica?
00:02.9
Karaniwan sa mga kontinent sa mundo ay may mga bansang nakatira at gobyernong namumuno.
00:08.4
Isang kontinent lang hanggang ngayon ang walang bansang natatag at walang permanenteng nakatira pero may mga batas na dapat mong sundin.
00:16.7
Siyempre, ang tinutukoy ko ay ang Antarctica.
00:20.1
Kaya ang tanong, kung walang gobyernong namumuno dito, paano ito nagkaroon ng batas na dapat sundin?
00:25.6
Sino nga ba ang may-ari ng Antarctica at bakit mahalagang malaman kung sino ang may-ari nito?
00:32.2
Ang Antarctica ang pinakamalamig na kontinent sa buong mundo na matatagpuan sa South Pole.
00:38.0
Ayon sa datos, ang East Antarctica Plateau ay umaabot sa lamig na minus 94 degrees Celsius.
00:44.8
Sa sobrang lamig dito, ito lang ang nag-iisang kontinent sa mundo na walang permanenteng nakatira.
00:50.6
Dito rin matatagpuan ang pinakamalaking ice sheet sa buong Earth.
00:54.4
Nasa 3 million square kilometers ang laki nito tuwing summer at umaabot pa nga sa 19 million square kilometers pagsapit ng winter.
01:03.3
Dahil sa kakaibang geography at conditions ng Antarctica, maraming bansa ang naging interesado dito.
01:09.4
Noong World War II, binalak ng US na iklaim ang Antarctica.
01:13.2
Mula 1946 hanggang 1947, isinagawa ng US ang Operation High Jump, ang pinakamalaking military expedition ng bansa.
01:21.7
Nagpadala sila ng labing tatlong barko.
01:24.4
Sakay ang 4,700 military personnel at ilang mga aerial devices sa Antarctica.
01:30.6
Binalak ng US na itrain ang mga sundalo nito at itesting ang kanilang mga military devices sa napakalamig na conditions.
01:38.7
Matapos ang isang taon, nag-propose ang US na isali ang Antarctica sa ilalim ng guardianship ng United Nations
01:45.4
bilang isang trust territory na pinamamahalaan ng Argentina, Australia, Chile, France, US, UK at New Zealand.
01:54.4
Pero, may ibang mga bansa na hindi pumayag.
01:57.4
Noong 1950, nag-iba ang interes ng US sa Antarctica.
02:01.4
Ito ay pagkatapos magpahayag ang Soviet Union na hindi sila papayag sa isang agreement tungkol sa Antarctica nang hindi sila kasali.
02:09.4
Dito mas nabahala ang US, lalo na at sa mga panahong iyon ay may cold war sila ng mga Soviets at natakot sila sa conflict tungkol sa Antarctica,
02:19.4
na magiging rason kung bakit tuluyang magsisimula ang isang all-out war.
02:23.6
Noong 1953, binuksan muli ng Argentina ang Deception Island, isang isla na matatagpuan sa South Shetland Islands na malapit sa Antarctica upang mas mabantayan nito.
02:35.6
Noong February 15 sa taong iyon, nagkaroon ng engkwentro ang Brits at Argentines nang mag-landing ang 32 Royal Marines sa isla.
02:44.6
Dala ang Sten machine guns, rifles at mga tear gas at hinuli ang dalawang Argentine sailors.
02:51.6
Giniba rin ng mga Brits ang kampo ng Argentina doon, pati na rin ang kampo ng Chile, na nasa kalapit na lugar.
02:58.6
Noong 1955, nag-file ng kaso ang United Kingdom laban sa Argentina at Chile tungkol sa karapatan ng mga bansang ito sa Antarctic at sub-Antarctic areas.
03:08.6
May ilan pang gustong umangkin sa Antarctica, pero hindi nagtagal ay napagtanto rin nila na ang patuloy nilang pag-aaway ukol dito ang magiging rason ng pagkasira ng isa sa pinakakaibang lugar sa mundo.
03:20.6
Kaya naman, noong 1959, pumasok sa isang kasunduan o treaty ang labindalawang bansa, Argentina, Australia, Belgium, Chile, France, Japan, New Zealand, Norway, South Africa, Soviet Union, UK at ang U.S. para siguraduhing ma-preserve ang Antarctica.
03:40.6
Sa kanilang kasunduan, nangako ang mga bansang ito na magiging mapayapa sila pagdating sa usapin sa Antarctica.
03:46.6
Ginawa nila ang treaty para maagapan ng mga activities na pwedeng makasira sa napakamasela na ekosistem ng lugar.
03:53.6
Kabilang na dito ang pagbabawal sa mining, nuclear exploding at bawal rin ang military operations.
04:00.6
Lahat ng mga country sa treaty ay may karapatan na magtayo ng research stations sa lugar na siyang tutulong sa mga scientific researches ng iba't ibang bansa.
04:09.6
Sa katunayan, sa Antarctica ay na-establish ang 55 research stations dahil sa treaty.
04:16.6
Gayunpaman, kahit may treaty na, may mga conflicts pa rin tungkol sa kung sino ang may-ari ng Antarctica o sa ibang parte nito.
04:25.6
At naging creative ang ibang mga bansa sa pag-angkin ng kanilang parte.
04:29.6
Nung 1977, nang magkaroon ng conflict ang Argentina dahil nag-overlap ang inaangkin nitong parte ng Antarctica sa parte ng Britain at Chile,
04:38.6
nagpadala ito ng babaeng buntis upang doon ito sa Antarctica manganak.
04:43.6
Sumakay ng isang aircraft si Sylvia Morel de Pineda.
04:46.6
Habang 7 months siyang buntis upang doon siya manganak sa Esperanza Base ng Argentina sa Antarctica.
04:53.6
Sa pamamagitan nito, inakala ng Argentina na mas malakas ang claim nila sa Antarctica dahil sa concept ng Jus Soli,
05:01.6
kung saan makukuha ng isang newborn ang citizenship nito mula sa lugar kung saan siya pinanganak.
05:07.6
Gayunpaman, kahit ito ang claim ng Argentina, hindi ito kinikilala ng United Nations.
05:14.6
Sa madaling salita,
05:16.6
ang Antarctic Treaty ang dahilan kung bakit walang gobyerno ang Antarctica.
05:20.6
Sa ngayon ay nananatili pa rin ang Antarctica bilang ang nag-iisang continent na walang gobyerno.
05:26.6
Wala itong gobyerno dahil pinamumunuan nito ng maraming bansa na nangakong aalagaan nito.
05:32.6
May mga conflicts man, patuloy pa rin nagtutulungan ang mga bansang miyembro ng treaty upang ma-preserve ang ganda at kakaibang features ng Antarctica.
05:41.6
Karaniwan sa nagpupunta doon ay mga scientists na pinag-aaralan ang kakaibang features ng Antarctica.
05:44.6
Karaniwan sa nagpupunta doon ay mga scientists na pinag-aaralan ang kakaibang features ng Antarctica.
05:45.6
Karaniwan sa nagpupunta doon ay mga scientists na pinag-aaralan ang kakaibang features ng Antarctica.
05:48.6
Upang makatulong ito sa iba't ibang scientific researches.
05:52.6
Sa katunayan, maraming nakakalat na science research station sa Antarctica mula sa mga bansa na nag-aalaga dito.
06:00.6
Ayon sa mga scientists, ang Antarctica ay isang desert.
06:04.6
Nakakalito diba? Dahil pag narinig mo ang salitang desert, agad mong naiisip na mainit at maraming sand.
06:11.6
Samantalang ang Antarctica ay kasalungat sa mga bagay na ito.
06:14.6
Malamig at natatabunan ng ice sheets.
06:17.6
Paano naging desert ito?
06:19.6
Lingid sa kaalaman ng marami, ang desert ay isang lugar na hindi masyadong inuulan.
06:24.6
Sa katunayan, ang average rainfall sa South Pole sa loob ng 30 years ay nasa 0.4 inches lamang habang ang average rainfall sa buong mundo ay umaabot sa 39 inches.
06:35.6
Ito ang rason kung bakit nakaklassify ang Antarctica bilang isang polar desert.
06:41.6
Maliba dyan.
06:42.6
Kapag pumunta ka at pumayo sa Antarctica, kahit saan ka pa nakaharap, ay North na ang makikita mo sa compass.
06:49.6
Oo, kahit saang banda, ito ay dahil ang South Pole ang pinaka-South na bahagi ng ating daigdig.
06:55.6
Kaya naman, kahit saan ka titingin mula doon, ang compass ay tuturo sa North.
07:01.6
Pero ang tanong, pwede ka nga bang magpunta sa Antarctica bilang isang ordinaryong tao lamang?
07:06.6
Ang maikling sagot ay oo.
07:09.6
Mga scientists at authorized personnel man ang karanihan,
07:11.6
pwede rin makabisita ang mga normal na tao doon.
07:16.6
Sa katunayan, hindi nga kailangan ng visa para magpunta doon.
07:20.6
Pero, kailangan mong magpaalam upang makatapak ka sa White Continent.
07:24.6
O ang parte na natatabunan ng ice sheets.
07:28.6
Sa US, kailangan pa nila magfill up ng isang special form na kailangang i-approve ng Office of Ocean and Polar Affairs.
07:35.6
Hmm, pero paano ka nga ba makakapunta doon?
07:39.6
Ang pinakakaraniwang ginagawang pagbisita ng bansa ay magpunta sa pinakadulo ng South America at magsail papunta sa Antarctica.
07:48.6
Kailangan mong magpunta sa Ushuaia, Argentina at sumakay ng sailboat papunta doon.
07:54.6
May iba ring options. Pwede kang magsail mula sa South Island, New Zealand pero apat lang na trips ang pwede mong masakyan sa buong taon.
08:02.6
Pwede ka rin sumakay ng charter planes mula sa Punta Arenas, Chile o mula sa Cape Town, South Africa.
08:08.6
Yun nga lang, kung magkarating ka man doon, maliban sa lamig, malilito ka sa oras, lingid sa kaalaman ng marami, walang timezone sa Antarctica.
08:18.6
Oo, walang Antarctic timezone na pwedeng sundin ang mga bumibisita doon.
08:23.6
Sa katunayan, lahat ng mga pumupunta sa Antarctica ay ginagamit ng timezone mula sa kanilang bansa.
08:29.6
Ito ang rason kung bakit nahihirapan na mag-share ng data ang mga scientists mula sa iba't ibang bansa dahil iba't ibang oras ang kanilang ginagamit.
08:38.6
Maliban dyan, may ilan pang mga guidelines na kailangan mong sundin kapag nasa Antarctica ka.
08:44.6
Mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak, pagpapakain o anumang mga bagay na pwedeng makapagpabago sa mga hayop doon.
08:51.6
Hindi ka rin pwedeng magingay sa Antarctica at kung maaari ay iwasan mo ang anumang flash photography.
08:58.6
Hindi ka pwedeng magdala ng kahit anumang bagay na nandoon papunta sa inyo, kahit isang pirasong bato, dahil pwede kang pagbayarin ng $10,000.
09:07.6
Higit sa lahat, limited lang ang areas na pwede mong bisitahin doon at kung lalabag ka sa rule na ito, pwede kang makulong.
09:15.6
Oo, walang gobyerno ang Antarctica, pero pwede kang parusahan ng mga bansang nasa treaty at nangangalaga dito.
09:23.6
Kaya ang tanong, sino nga ba ang may-ari ng Antarctica? Sa totoo lang, ang sagot ay hindi ganun kasimple.
09:30.6
Nakasaad sa treaty na ang Antarctica ay isang common heritage. Ibig sabihin, ang buong mundo ang may karapatang maka-benefit,
09:36.6
mula sa Antarctica, at hindi lang ang mga nakasign sa treaty.
09:41.6
Gayunpaman, hindi ibig sabihin ito ay binibitawan na ng ibang mga bansa ang kanilang pag-claim ng kanilang parte sa Antarctica.
09:48.6
Ganunpaman, may mga basis nga sa Antarctica na hindi lang mula sa nagkiklaim nito, kundi pati na rin ang ibang mga bansa tulad ng China.
09:57.6
Siyempre, dahil nakasaad sa treaty na lahat ng bansa ay may karapatan dito.
10:02.6
Pero bakit nga ba mahalaga para sa mga bansa na malaman kung sino ang may-ari ng bansa?
10:06.6
Maliban sa kakaibang environment nito na pwedeng pag-aralan para sa scientific advancements,
10:12.6
may ilang ekspertong naniniwala na posibleng may malaking oil supply sa ilalim ng Antarctica.
10:18.6
Ito ay dahil may ebidensya ng oil supply mula sa mga kalapit nito.
10:22.6
Gaya ng sabi ko, mahigpit na ipinagbabawal ang mining doon, pero kapag nag-iba ang ihip ng hangin,
10:28.6
siyempre, ang may-ari ang magkakaroon ng karapatan na makuha ang resources na ito.
10:33.6
Pero higit pa dyan, nasa Antarctica din ang mga mga bansa.
10:35.6
Nasa Antarctica din ang 70% ng fresh water ng ating planeta.
10:39.6
Ang fresh water na ito ay pwedeng gamitin supply na drinking water,
10:43.6
pwedeng makatulong sa pagpapalaki ng mga pananim, manufacture, energy at transport.
10:49.6
Sa ngayon, walang iisang bansa ang may-ari ng Antarctica.
10:52.6
At para ito sa lahat, ang pag-claim ng ilang bansa ay walang kwenta.
10:56.6
Subalit kapag dumating ang taong 2048, kung kailan mag-iexpire na ang treaty ay maaaring mag-iba ang ihip ng hangin
11:04.6
para sa mga nakiklaim dito.
11:06.6
Ano sa tingin mo ang mangyayari pag nag-iexpire na ang Antarctic Treaty?
11:10.6
Para pa rin kaya ito sa lahat o magkakaroon na ng mga bansang may-ari dito?