Close
 


Bahagi ng open parking sa NAIA T3, nasunog; ilang sasakyan, nasunog
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineExpress | Isang sunog ang sumiklab sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport #NAIA Terminal 3 sa Pasay kanina, April 22. Sa ilang video, makikita ang malaking usok mula sa isang bahagi ng terminal. Kaugnay niyan, nakapanayam ng #FrontlineExpress si Rezmond Germino, Chief ng Public Information Unit ng Bureau of Fire Protection #BFP Pasay. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 06:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang sunog ang sumiklab sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City kaninang tanghal.
00:07.0
Sa ilang video, kita ang malaking usok mula sa isang bahagi ng terminal.
00:12.0
Ilang sasakyan din ang namataang nagliliyab.
00:14.9
Sa paunang ulat, sumiklab ang apoy malapit sa open parking area ng terminal.
00:19.8
Ayon sa Manila International Airport Authority, natanggap nila ang ulat tungkol sa sunog ng 1.28pm.
00:26.2
Na ideklara ang fire out, 1.57pm.
00:31.3
Kaugnay ng sunog po na yan, makakausap natin ngayong hapon si Senior Fire Officer Resmond Hermino,
00:36.9
ang Chief ng Public Information Unit ng BFP Pasay.
00:40.7
Magandang hapon po sa inyo, Senior Officer Hermino.
00:45.5
Ma'am, magandang hapon po sa inyo at sa ating mga tagapakinig.
00:49.3
Pakibigyan po kami ng iba pang detalya tungkol sa nangyaring sunog dyan po sa Naiya Terminal 3.
00:56.2
Ngayon pong hapon, ang ating fire station ay nakatanggap ng isang tawag sa ganap na alauna 35.
01:03.3
Nagre-report po ng sunog sa ating Naiya Terminal 3 parking area.
01:09.5
So agad pong nagpa-dispatch ang aming fire station ng dalawang fire truck para po i-verify yung ating insidente.
01:16.1
At upon verification po, verified class fire po ito.
01:20.0
So yung sunog po ay maaring nagsimula sa damuhan.
01:26.2
Ito po papunta sa ating parking area.
01:29.4
At sa ganap po na alas 2-3 ng hapon na i-deklarang fire out po ang ating fire incident.
01:35.1
Okay. Sir, yung sinasabi niyo po, linawin ko lang ha, kasi may ibang reports sinasabi, parang may narinig na sumabog yung kotse.
01:43.2
So nagsimula mo na ito doon mismo sa may binensyon niyo, damuhan, tsaka po kumalat at naapektuhan yung mga kotse. Ganun po ba?
01:51.6
Yes po, as of our initial investigation.
01:54.6
Yun po yung maaaring pinagmulan kung bakit nadamay po itong ating mga sasakyan na nakapark sa Terminal 3.
02:02.3
At dahil na rin po sa mainit na panahon at yung malakas na ihit ng hangin, so mabilis po itong kumalat sa ating mga sasakyan.
02:15.3
Doon po sa may damuhan na park, nadetermine nyo ba kung anong meron doon? May gamit ba doon? Kung may sigarilyo o may kung anong pwedeng uminit o sumabog?
02:24.6
Bukod na nagsimula nung apoy doon sa damuhan.
02:28.8
As of now ma'am, dinidetermine pa po ng aming Arson Investigation Team kung ano po ang pinagmulan ng insidente ng sunog.
02:37.4
So once na na-release na po ang report nito, ito po yung aming isa sa publiko.
02:43.4
Pero kung titingnan po natin yung anggulo, maaari po itong nanggaling sa damuhan na malapit doon at maaari po itong kumalat.
02:52.3
At yung pagsabog na sinasabi, maaari na rin po itong epekto ng pagkahalat ng apoy doon sa mga sasakyan na nasa paligid po ng ating parking area.
03:01.8
Sir, may data na po ilan ang mga naapektohan na kotse? Meron po bang na-injure na tao? At iba pang effect nito?
03:10.8
As of now ma'am, wala po tayong reported injury or casualty sa ating fire incident.
03:16.3
As to the damage po, pagdating po sa mga sasakyan na nadamay, meron po tayong 19.
03:22.3
At sa estimated cost of damage naman ay more or less 20 million po ang ating damages.
03:32.0
Sorry, pakiulit lang po yung sa sasakyan, 20 million damages pesos. And then ilan pong sasakyan?
03:38.6
Yes ma'am, 20 million more or less total cost of damages and involved vehicles is about 19 vehicles more or less po.
03:49.2
Okay, puro kotse po ito dyan sa parking lot.
03:52.3
Yes po ma'am, mga kotse po ito sa parking lot ng Naia Terminal 3.
03:57.9
Ano po ang abiso nyo ngayon? Yung area na yan ay sinarado po ba muna? Ano pong abiso nyo sa mga papuntadjaan sa lugar sa Naia Terminal 3?
04:06.9
As of now ang aming advice po para hindi tayo makaabala sa ongoing fire investigation ng aming Arson Investigation Team,
04:15.8
iwasan po muna yung parking ng Terminal 3 para po magbigay daan sa umuusan naming investigasyon.
04:22.3
Yung isa pa po, paano po kaya yung sa ngayon po ba may advice na rin po kayo doon sa mga posibleng may-ari ng mga sasakyan na yan?
04:33.3
Sa mga may-ari naman po doon sa ating mga sasakyan, maaari po kayong mag-claim ng fire incident certificate para po kayo makapag-claim ng inyong insurance sa aming fire station dito po sa Pasay City.
04:46.5
Yung iba kasi sir, baka mamaya, parang ilang araw lang nakapark dyan, baka may flight yung mga yan, na-inform na rin.
04:52.3
I-inform po namin ang management ng IA Terminal 3 na once may nag-claim po na isa sila sa affected vehicle, isa sila sa owner ng affected vehicle,
05:06.5
maaari po silang magpunta sa aming fire station dito sa Pasay para mag-claim po ng fire incident certificate to claim their vehicle insurance.
05:15.7
Huli na lang po sir, paalala na lang sa publiko para din sa pag-ingat ngayon, lalo na ngayong napakainit po ng panahon.
05:21.8
Para maiwasan ang mga ganyang sunog.
05:25.2
Ang Bureau of Fire Protection po ma'am, lalong-lalo na dito po sa Pasay City, ay muling nagpapaalala sa ating publiko na ngayong panahon ng tag-init,
05:34.0
iwasan po natin yung mga bagay na maaaring makalisgrasyon sa atin at maaaring pagsimulan ng sunog.
05:40.5
At kung meron po tayong mga tuyong damo or tuyong mga dahon sa ating panigid, panatilihin po natin itong malinis.
05:51.8
At huwag po tayong manigarilo kung saan-saan or magsiga or magtapon ng kahit anong flammable object dito.
05:58.5
At sa atin naman pong mga sasakyan, iwasan po natin itong hanggat maaari na ipark or iparada sa malalapit na grassy area or yung mga matalahib na area.
06:11.8
Pakasakaling magkaroon ng grass fire, maaari itong madamay.
06:16.7
At para naman po sa ating vehicle fire safety, huwag po tayong mag-impact ng mga flammable objects.
06:21.8
Tulad ng lighter, alcohol sa ating mga sasakyan.
06:25.4
Kasi kapag ito po inainitan, maaari po itong pagsimulan ng sunog sa ating mga sasakyan.
06:30.9
Maraming salamat kay Senior Fire Officer Resmond Hermino, ang Chief ng Public Information Unit ng BFP Pasay.