01:17.4
At ito, ang aking secret file.
01:26.4
Itago natin sa pangalang Grace ang aking best friend.
01:32.4
Hindi naman sa pagmamayabang.
01:35.2
Pero ang sabi nila, mabait daw ako.
01:39.3
Ang best friend ko naman si Grace ay maganda.
01:47.8
Matangos ang ilong at maganda ang hubog ng katawaan.
01:54.4
Kaya hindi nakapagtataka na maraming nahuhumaling sa kanyang angking ganda.
02:02.2
Second year high school pa lang kami, ay magkaibigan na kami.
02:11.0
Sa lahat ng mga pangyayari sa buhay niya.
02:15.0
Ganun din naman ako sa kanya.
02:17.6
Lagi kaming magkasama sa school.
02:20.3
At sa tuwing magkasama kami,
02:23.1
ay masayang masaya kami.
02:25.8
Minsan, may mga pagkakataon na nagtatampo siya sa akin.
02:30.6
Kapag hindi ako nakapasok ng school,
02:33.0
o hindi ko nagawa ang mga project o mga assignment ko.
02:37.1
Hindi niya ako pinapansin.
02:39.3
Bilang best friend,
02:42.9
eh nalaman ko na rin kung paano mawala ang tampo niya sa akin.
02:48.1
Dahil sa mga hirit, banat o joke ko sa kanya.
02:53.5
Eh natatawa siya.
02:57.6
Then ilang years ang lumibas.
03:03.7
Eh nahuhulog niya ako sa kanya.
03:07.3
Mahal ko na siya.
03:09.3
Totoo ang sabi nila.
03:13.1
Na hindi malabong, hindi mahulog ang loob mo sa best friend mo.
03:23.1
nanaramdaman ko yun.
03:29.6
parang gusto ko nang sabihin ang tunay kong nararamdaman.
03:34.8
Hindi ko nga lang alam kung papaano.
03:39.3
Natatakot lang ako nun, na baka pag sinabi ko sa kanya ay ayaw niya na sa akin.
03:46.3
O baka, layuan niya ako.
03:50.3
Pero ganito ang nangyari.
03:53.3
Niyaya ako ni Grace na mag-launch sa kantin.
03:58.3
May gusto raw siyang sabihin sa akin na dapat kong malaman.
04:03.3
So kumain kami sa kantin sa school.
04:13.3
eh ipinagtapat niya na sa akin,
04:16.3
na may boyfriend na raw siya.
04:18.3
Nagulat ako sa sinabi ni Grace.
04:22.3
Dahil wala naman akong nababalitaan.
04:26.3
O wala naman siyang sinasabi o kinukwento.
04:30.3
At wala rin naman akong nakikita na manliligaw niya sa school.
04:34.3
Eh kami naman ang laging magkasama.
04:36.3
Na kahit tapos na ang klase namin, eh ako pa mismo ang naghahatid sa kanya sa jeep pauwi sa kanila.
04:45.3
Tapos sasabihin niya sa akin na may boyfriend na siya.
04:57.3
Maya-maya pa ay tinanong ako ni Grace kung bakit hindi ako masaya para sa kanya na may boyfriend siya.
05:07.3
Ah, masaya ako pero nagulat lang ako.
05:10.3
Kasi wala naman ako nakikitang manliligaw sa'yo dito sa school.
05:14.3
Sino at taga saan ba ang nagiging boyfriend mo?
05:18.3
Tanong ko sa kanya.
05:20.3
Deep inside, ang lungkot-lungkot ko.
05:26.3
Pero siyempre dahil matalik ko siyang kaibigan, eh tinago ko ang nararamdaman ko na lang para sa kanya.
05:34.3
Pinakilala ako ni Grace sa boyfriend niya na taga ibang school din.
05:38.3
Same pa rin naman ang samahan namin ni Grace, walang pagbabago.
05:42.3
Yun lang, nakapaggagala sila sa mall ng boyfriend niya.
05:47.3
E niyayaya niya akong sumama sa kanila.
05:51.3
Pero ako na yung humihindi.
05:54.3
Dahil hindi naman ako pwedeng laging kasama sa kanila.
05:58.3
Basta ang sabi ko lang, kapag may free time siya, eh tawagan niya ako.
06:03.3
Hanggang sa nag-re-graduate kami ng high school.
06:06.3
Tinanong ako ni Grace kung anong kurso ang kukunin ko.
06:11.3
Gusto niya na iisang school pa rin kami magkuleyo?
06:16.3
Sinabi ko'y computer science.
06:21.3
Pero iba pa rin pala ang gusto ni Grace.
06:26.3
Nag-take siya ng hotel, restaurant, and management course.
06:31.3
Pero gusto niya nga, eh nasa loob lang kami ng isang school.
06:41.3
Kahit magkaiba ang kurso namin.
06:44.3
Kung ano kami nung high school, ganun ka rin kami hanggang sa tumungtong kami ng kolehyo.
06:56.3
Lagi kaming magkasama sa school.
06:59.3
Yung mga nagiging kaklase namin, tinatanong kung mag-boyfriend o mag-girlfriend daw kami.
07:07.3
Pero para sa akin, eh hanggang doon na lang siguro yun.
07:15.3
Hindi na pwedeng lumalim pa ang turingan namin.
07:20.3
Dahil may boyfriend siya.
07:24.3
Nire-respeto ko yun.
07:27.3
Never ko rin siniraan ang boyfriend ni Grace sa kanya.
07:32.3
Then dumating ang ilang taon.
07:37.3
Natigil ako sa pag-aaral.
07:43.3
Nagkaroon ang pamilya namin ang financial problem.
07:48.3
Hindi kinaya ng mga magulang ko na mapag-aaral kaming magkakapatid.
07:52.3
Kaya't nag-desisyon ako na lumuwas ng may nagkakapatid.
07:55.3
Tumiras at suhin ko at magtrabaho sa isang mall.
08:01.3
Nang makaipon ako para sa pag-aaral ay umuwi ako sa amin.
08:07.3
Nabalitaan ko sa mga kaibigan namin na si Grace pala ay lumuwas ng Maynila sa kadahilan ng nalaman nito na ang kanyang boyfriend pala ay may bisyo.
08:21.3
Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
08:23.3
Umiinom at sugarol.
08:27.3
Hiniwalayan niya ito.
08:29.3
Nang maalaman ko yun, inalungkot ako para sa aking best friend.
08:34.3
Wala akong number para matawagan o makausap siya.
08:38.3
Hindi pa kasi uso ang Facebook, Messenger o Instagram.
08:44.3
Nung panahong yun.
08:46.3
Friendster pa lang.
08:48.3
That was back in 2001.
08:51.3
Mabait naman ang pag-aaral.
08:52.3
Mabait naman ang panahon.
08:54.3
Dahil nagkita kami ng pinsan niya sa isang mall.
09:01.3
Dito niya ikinwento sa akin ang lahat-lahat.
09:05.3
At ibinigay niya sa akin ang number ni Grace.
09:09.3
Tawagan ko raw ang number na yun.
09:14.3
Walang pag-aalinlangan kong tinawagan yun.
09:20.3
Sumagot si Grace.
09:24.3
At kinuwento niya lahat ng nangyari sa kanya.
09:28.3
Tinanong niya ako kung bakit daw ako umalis at hindi nagpaalam sa kanya.
09:33.3
Bakit ko raw siya pinabayaan?
09:36.3
Bakit daw kung kailan kailangan niya ako eh wala ako sa tabi niya?
09:41.3
Sabi ko eh, nagkaroon lang ako ng problema.
09:45.3
Kaya hindi ko sinasadya.
09:48.3
Doon ko na sinasabi na tumigil kasi ako sa pag-aaral.
09:54.3
Nag-ipon ako para makabalik sa pag-aaral.
09:57.3
Hanggang sa dumating yung time na sinabi ko na ang tunay na nararamdaman ko sa best friend kong si Grace.
10:06.3
Sinagot ako ni Grace at sa panahon yun ang saya-saya ko.
10:10.3
Sa paglipas ng marami pang taon kahit magkalayo kaming dalawa dahil sa Maynila siya nagpatuloy ng pag-aaral.
10:17.3
At ako na may dito sa Iloilo, eh marami na kaming binuong plano sa buhay.
10:23.3
Unang nakapagtapos si Grace sa pag-aaral bilang BSHRM.
10:29.3
Kinuha siya ng kanyang tita na nakatira at nagtatrabaho rin sa Italy.
10:34.3
Namasukan siya sa Italy bilang receptionist sa isang hotel.
10:39.3
Noon lagi kaming magkausap sa phone.
10:44.3
Hanggang sa umabot ng mga pag-aaral.
10:46.3
Naghihirapan na siyang makatanggap ng tawag.
10:54.3
Minsan hindi ko rin makontak ang number niya.
10:58.3
Araw-araw ay sinusubukan kong tawagan ang numero niya pero wala eh.
11:04.3
Lumipas pang isang taon nag-antay ako at pinanghawakan ko pa rin ang mga pangarap namin na nabuo.
11:11.3
Hanggang sa isang araw nabalitaan ko na lang.
11:15.3
Na nakauwi na pala siya.
11:18.3
Isang taon na ang nakalipas hindi ko lang alam.
11:23.3
Ang masakit ay nalaman ko na nabuntis pala siya ng katrabaho niya.
11:30.3
Kaya siya umuwi ng Pinas at ang masaklap dito.
11:36.3
Hindi pinanagutan ng katrabaho niya ang bata.
11:43.3
Nalaman ko yun dahil nagkita sila ng kapatid ko sa Maynila na doon nakatira.
11:51.3
Nang maalaman ko yun para akong baliw.
11:58.3
Mula nun kinalimutan ko si Grace.
12:02.3
Sinubukan kong kalimutan ang nakaraan.
12:07.3
Hanggang sa nagka-asawa ako.
12:11.3
At nabigyan ng dalawang anak.
12:14.3
Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon.
12:18.3
At ito ang magkaroon ng masayang pamilya.
12:25.3
Ngunit isang araw.
12:27.3
Sa hindi inaasahang pagkakataon.
12:30.3
Nagkita kami ni Grace sa mall na pinagtatrabahohan ko.
12:34.3
Isa akong sales support staff sa shop.
12:38.3
Ng mga mobile na pinapasukan ko.
12:41.3
May tumawag sa pangalan ko.
12:45.3
At sa aking paglingon ay si Grace pala iyon.
12:50.3
Dali-dali siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit habang naiyak.
12:57.3
Para kung gusto kong umiyak na rin nung panahon yun.
13:02.3
Nagsabi siya sa akin na uuwi lang daw niya mula Maynila.
13:06.3
Kinuha niya ang address ko sa kapatid ko sa Maynila.
13:10.3
Kung saan ako nagtatrabaho.
13:13.3
At dahil nasa trabaho ako, hindi kami makapag-usap ng maayos.
13:20.3
Nag-iwan siya sa akin ang room number niya sa isang hotel.
13:24.3
Kung sakaling gusto ko raw magkita at magkausap kami, pumunta lang ako.
13:30.3
Pumayag naman ako.
13:32.3
Pagkatapos ng trabaho ko ay pinuntahan ko siya sa hotel.
13:36.3
Hindi yun alam ng aking asawa.
13:40.3
Pagkarating ko ng hotel ay kumatok ako at pinagbuksan ako ni Grace.
13:45.3
Umupo ako sa upuan malapit sa kanyang higaan.
13:48.3
Naghanda siya ng makakain at inumin.
13:51.3
May kasama pang beer.
13:54.3
Naligo muna siya dahil galing siya sa biyahe.
13:58.3
Paglabas ni Grace sa CR ay nakasuot na siya ng sexing shorts.
14:04.3
Maiksing damit pang itaas.
14:07.3
Normal naman sa akin yun.
14:09.3
Dahil magbestfriend kami noon pa lang at wala namang mali siya yun sa akin.
14:15.3
Lumapit siya at nagulat ako sa ginawa niya.
14:20.3
Hinalikan niya ako sa labi.
14:23.3
Sa kanya sinabi sa aking mahal na mahal niya pa rin ako.
14:27.3
Hinubad niya ang damit niyang pang itaas.
14:30.3
Pinigilan ko siya.
14:32.3
Pinasuot ko sa kanyang damit niya.
14:35.3
Sinabi ko sa kanya ang tunay kong pakay.
14:38.3
At kung bakit ako pumunta sa hotel.
14:43.3
Tapusin kung anuman ang meron kami.
14:46.3
Ipaniwanag ko sa kanya na ako'y may asawa at dalawang anak na.
14:53.3
Dito na tumulo ang luha ko.
14:56.3
Umiyak na rin si Grace.
14:59.3
Sinabi ko sa kanya na mahal kita.
15:02.3
Alam mo yan noon pa man.
15:04.3
Lahat ng pangarap natin noon.
15:06.3
Isinakripisyo ko para sa atin pero iniwan mo ako sa ere.
15:10.3
Hanggang pangarap lang yun.
15:12.3
At yun ang natutunan ko.
15:14.3
Kung tayo man noon ay naging pangarap lang lahat ng yun.
15:19.3
At kung anumang meron sa atin ngayon dapat maging masaya tayo.
15:23.3
Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon Grace.
15:27.3
Hindi man tayo naging para sa isa't isa.
15:29.3
Sana mahanap mo rin ang taong masihigit pa sa pagmamahal na binibigay ko sa'yo noon.
15:36.3
Alam kong makakahanap ka rin ang taong magpapasaya sa buhay mo.
15:40.3
Higit pa sa ibinibigay ko.
15:42.3
Kasi masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon.
15:46.3
Hanggang bestfriend na lang tayo.
15:50.3
DJ Rocky masaya na ako ngayon.
15:54.3
Kasama ang aking asawa at mga anak.
15:58.3
Ang bestfriend kong si Grace ay nagkaroon na rin ang bagong partner sa buhay na tanggap at nanggap.
16:05.3
Ang kanyang anak.
16:08.3
May sarili na rin silang business.
16:11.3
At ako na may tuloy sa laban para sa kinabukasan ng aking pamilya.
16:18.3
Nagkaka-message na rin pa rin kami.
16:23.3
At minsan ay pinakilala ko na rin siya sa aking mga anak at sa aking mahal na asawa.
16:29.3
Hanggang dito na lang po DJ Rocky.
16:32.3
God bless and more power.
16:36.3
Ako si Stephen mula sa City of Love ng Iloilo.
16:41.3
Solid supporter ng Love Radio.
16:44.3
Ito ang aking secret vow.