Close
 


Pag-asa Island, umuusad sa pag-unlad | Patrol ng Pilipino
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Patuloy ang determinasyon ng 1,200 residenteng namumuhay sa isla ng Pag-asa sa Kalayaan, Palawan na alagaan at manatili sa kanilang isla. – Ulat ni Jose Carretero, Patrol ng Pilipino
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Limang araw na biyahe sa dagat ang binubuno ng mga residente ng Kalayaan Island na galing sa mainland Palawan bago makarating sa kanilang isla.
00:11.5
Ang tanging pag-asa nila ang Philippine Navy o Coast Guard Vessels.
00:15.7
Sa mabilisang biyahe, aeroplano ng pamahalaan ang pwedeng gamitin na inaabot din ng mahigit isang oras ang biyahe mula Palawan.
00:23.7
Hindi regular ang biyahe kaya dapat naka-schedule sa Coast Guard o Navy ang mga residente na nais makapunta ng mainland Palawan.
00:32.6
Pero sa kabila nito, may mga residente na mas pinili na manirahan sa isla.
00:38.0
Isa sa mga ito ang pamilya ni Deborah Asciado na nagpunta ng mainland Palawan matapos mamatay ang ama ng kanyang asawa.
00:45.5
Ayon kay Deborah, mga tatlong taon naman ang hihintayin bago muli silang makabalik at makita ang pamilya sa mainland Palawan.
00:53.7
Ito yung mga residente na kasama natin sa biyahe. Galing sila sa mainland Palawan kasi may nilaluan silang mokasyon.
01:02.1
Habang papalapit, kita sa mga sakay ng barko ang pananabik na makabalik sa isla kahit ilang araw lang silang nawalay dito.
Show More Subtitles »