Close
 


6 Bawal Gawin sa Gout at Uric Acid. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
6 Bawal Gawin sa Gout at Uric Acid. Alamin ang Solusyon sa Gout. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #Arthritis #PreventionTips #DietTips #JointPain Panoorin ang Video: https://youtu.be/KgNYNCzK2TQ
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 13:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Topic po natin para sa nagsasuffer sa gout o mataas ang uric acid.
00:08.0
Marami tayong kababayan, may gout, talagang sobrang sakit pag umatake ang gout.
00:14.0
Tuturo ko sa inyo yung natural treatment, pagkaing mga katulong, mga bawal din gawin.
00:21.0
Pero pati yung gamutan, ituturo ko rin yung lab test gamutan.
00:25.0
Tapos papacheck din tayo sa rheumatologist pag talagang malala yung gout.
00:31.0
So ang gout, 4-6% of the population. Medyo marami din siya.
00:39.0
Pero hindi lahat ng arthritis ay gout. Ito yung maling paniniwala ng marami.
00:47.0
Yung iba, basta sumakit lang yung siko o tuhod, eh gout na daw.
00:53.0
Hindi nakakain ng gout.
00:55.0
Ang monggo o laman loob.
00:58.0
Hindi po. Karamihan ng arthritis natin, may edad 50-60 senior, karamihan ay osteoarthritis.
01:08.0
Ibig sabihin arthritis sa pagkatanda. Masakit ng leeg, likod. Osteoarthritis yan.
01:14.0
Pero meron din namang rheumatoid arthritis.
01:18.0
Ang rheumatoid arthritis, hindi rin siya gout.
01:22.0
Mataas lang ang...
01:25.0
Inflammation niya. Usually sa mga 30s, 40s yan.
01:29.0
Pero ang gout iba po.
01:32.0
Pag gout, mataas ang uric acid. Kailangan may blood test muna.
01:38.0
So tingnan nyo. Yan o. Yung hinlalaki.
01:41.0
Pag umatake ang gout, sobra sakit. Matindi.
01:45.0
High levels of uric acid.
01:48.0
Ang uric acid, nagbe-breakdown siya.
01:51.0
At merong chemical called purine.
01:55.0
4-6% ang population may gout.
01:59.0
Ano muna senyales nito?
02:00.0
Una-una, masakit. Masakit siya. Umiinit, mainit. At minsan sa gabi, umaatake.
02:08.0
Ang problem ko kasi, minsan yung pasyente lalapit sa akin, meron na siya mga bukol ng bukol dito.
02:15.0
Sabihin ko, parang late na eh. Medyo late na yan. Tanggalin daw yung bukol.
02:20.0
O meron lalapit na pasyente, mataas na creatinine.
02:23.0
Kidney disease na, makikidney failure na dahil sa gout.
02:27.0
Yung uric acid, nagbara na sa kidneys. Eh, late na rin.
02:31.0
Kaya kung itong ginagawa itong video, kasi maraming kababayan natin ayaw magpa-check up.
02:36.0
Hindi nagpa-blood test. Eh, pag dumating, huli na. Ang dami ng bukol-bukol naglalabasan.
02:41.0
So, oras na tumaas ang uric acid nyo.
02:45.0
Okay? Yan ang blood test.
02:47.0
Magpa-blood test, pag mataas ang uric acid, 7, 8, 9, 10. Kailangan gamutin na agad.
02:53.0
Ayusin na yung pagkain. At kung kailangan uminom ng gamot, iinom na agad.
02:57.0
Para hindi tayo umabot sa komplikasyon.
03:00.0
Anong causes ng gout? Misa namamana lang yung gout. Pwede rin.
03:04.0
Or pwedeng mataba, overweight. Okay?
03:08.0
At yung mga bawal na kakainin yan. Sugar, alcohol, laman loob.
03:13.0
At yung mga ibang matatamis. Counted din yun.
03:17.0
So, uric acid level, dapat ipa-check. Blood sugar, dapat ipa-check. Kasi mga diabetic,
03:22.0
mas prone din sa gout.
03:25.0
Pag may gout na kayo, tulad ng sinabi ko, kailangan, requirement, mataas ang uric acid.
03:31.0
Proven sa blood test. Pag hindi mataas, hindi natin masasabi ng gout yun.
03:35.0
Merong mga stage yan. May gout na, asymptomatic gout.
03:40.0
Mataas lang yung blood test nyo, uric acid, pero wala pang nararamdaman.
03:46.0
Walang sintomas. Good or bad? Para sa akin, hindi siya good.
03:51.0
Kahit walang nararamdaman, mataas na uric acid, kailangan na ayusin, gamutin.
03:55.0
Kasi baga sa ano, meron na mga crystal-crystal dyan. Magbabarabara na yan.
04:00.0
Paka hindi nyo lang nakikita. Gusto natin siya unahan.
04:04.0
Merong umatake na ng gout. Ito yan. 3 to 10 days yung attack ng gout.
04:10.0
Meron naman, tuloy-tuloy na yung atake. Chronic gout na. Malaki na. Meron na naglabasan.
04:16.0
Ito, mas mahirap na rin gamutin.
04:18.0
Bibigay ko na rin yung gamutan.
04:20.0
Kompleto na. Pati medical treatment. Ang doktor na pinupuntahan, rheumatologist.
04:26.0
Sila yung pinaka-specialista.
04:28.0
Pag umatake yung gout, sobra sakit yan. Mapula. Matamaan lang ng tela. Sobra sakit.
04:35.0
Makita mo, misan dito.
04:37.0
At isa pa pala yung mga post-stroke patients.
04:40.0
Pag na-stroke pala, prone pala magka-gout. For some reason, prone magka-gout.
04:47.0
So, pag umatake ang gout,
04:49.0
ang pwede mo lang inumin, colchicine.
04:52.0
Colchicine, one tablet, three times a day.
04:55.0
Tapos pag maintenance, minsan once a day or three times a week.
05:00.0
Ito pwede pag acute atake ng gout.
05:03.0
Tapos pwede rin naman pain reliever.
05:05.0
Although hindi ako excited magbigay ng pain reliever. Kung sobra sakit, okay naman konting pain reliever.
05:11.0
Pero itong colchicine, yan talaga pangontra sa atake ng gout.
05:16.0
Pag umatake ang gout, hindi pwede uminom nitong allopurinol na maintenance.
05:22.0
Ulitin ko, ito yung rule ng mga doktor. Ito yung mga nakikita nila na minsan namamali pag layman.
05:29.0
Pag acute ang atake, huwag muna mag-allopurinol. Baka lalo daw tumaas yung uric acid.
05:35.0
So, pag kalmado na yung gout, kalmado na, hindi na namamaga, doon ka mag-maintain ng choose one.
05:42.0
Choose one.
05:43.0
Merong allopurinol, lumang gamot.
05:45.0
Matagal na.
05:48.0
Murang gamot.
05:50.0
Kaya lang, sa ilang tao, maraming side effect.
05:53.0
Pero kung wala ka naman side effect, hindi ka kasali sa may side effect, pwede namang allopurinol.
06:00.0
Mura.
06:01.0
Pang mahirap, pwede.
06:03.0
So, itong mga dose niya, 100 mg once a day, tinataas ng 300 mg after ilang weeks.
06:09.0
Meron namang mas mahal at mas bago, febuxostat.
06:15.0
Mahal lang, pero less side effect naman.
06:18.0
Actually, mas maganda ito.
06:20.0
Mas maganda siya.
06:21.0
40 mg or 80 mg once a day.
06:23.0
Pero kung kulang sa budget, dito na lang sa isa.
06:27.0
Ito lang kasi may mga minamonitor.
06:29.0
Pinabantayan pa creatinine, SGPT, SGOT kasi nga possible side effect.
06:35.0
Pero huwag kayong matakot sa side effect.
06:37.0
Mas nakakatakot yung gout.
06:39.0
Yung complication ng gout, sigurado kasi may gout na kayo.
06:43.0
Sigurado.
06:45.0
Malaking chance.
06:46.0
Ito naman, side effect.
06:47.0
Baka 1%, 2%.
06:49.0
Parang maliit lang ang chance.
06:51.0
Parang seafoods.
06:54.0
Lahat naman mahilig sa seafoods.
06:56.0
Pero yung iba, kumain ng seafoods na maga.
06:58.0
So, parang kanya-kanyan lang yun.
07:00.0
Ito yung mga bawal kainin.
07:02.0
Pwede namang kainin, kaya lang tataas ang uric acid niyo.
07:06.0
Laman, loob, dila, bo, pis.
07:09.0
Yan, high purine.
07:11.0
Diba?
07:12.0
Red meat.
07:14.0
Especially beef, steak.
07:16.0
Baka.
07:17.0
Baka, more.
07:19.0
Sa pork, meron din.
07:21.0
Konting bawas.
07:22.0
Pero mas matindi ang beef.
07:23.0
Sa chicken, meron din.
07:25.0
Pero hindi masyado.
07:26.0
White meat, chicken, pork, a little less.
07:28.0
Isda. May mga isda, okay.
07:30.0
May mga isda, hindi okay.
07:32.0
So, ito, konting bawas.
07:34.0
White bread.
07:36.0
Ayaw rin nila. Maraming kanin.
07:38.0
Mataas carbohydrates.
07:39.0
Baka tumaas blood sugar.
07:40.0
Sinabi ko na nga.
07:41.0
Pag diabetic, mas prone din magka-gout.
07:44.0
Alak talaga bawal.
07:46.0
Kita mo, beer.
07:47.0
Nagpapataas na ang uric acid.
07:49.0
6.5%.
07:51.0
Pati non-alcoholic beer.
07:53.0
So, alak.
07:54.0
So, pag ginawa mo alak with pulutan, chicharon, bulaklak, talagang haatake ang gout.
08:00.0
Yung mga manginginom na lalaki.
08:02.0
Seafoods.
08:04.0
Tahong, scallops, squid, shrimp, oyster, crab, lobster.
08:08.0
Kasama ang sardinas na favorite natin.
08:10.0
Uy, naulit ko.
08:13.0
Kung proven may gout, mataas ang uric acid.
08:18.0
Sige, bawal ang sardinas.
08:20.0
Bawas ang sardinas.
08:21.0
Pero, kung yung arthritis nyo.
08:23.0
Tulad na sinabi ko, osteoarthritis.
08:25.0
Dahil sa pag-edad, masakit ang tuhod.
08:28.0
Matanda na kasi.
08:29.0
Hindi po gout yun.
08:31.0
Pwede ang sardinas.
08:32.0
Okay.
08:33.0
Mura ang dilatang sardinas.
08:35.0
Pwede na yan.
08:37.0
Diba?
08:38.0
Kaysa walang protein.
08:40.0
Kaysa walang makain.
08:41.0
Diba?
08:42.0
Pwede na.
08:43.0
Yung sa gout lang, yung sardinas, medyo iwas.
08:46.0
Matatamis, iwas din.
08:48.0
So, ito mga pagkain iiwasan sa gout.
08:51.0
Matatamis, beer, alcohol, laman loob, seafoods.
08:56.0
Ito naman mga magaganda sa gout.
08:59.0
Ito rin mga iwasan.
09:01.0
Sardinas, laman loob, liver, kidney, bacon, scallops.
09:06.0
Yan.
09:07.0
Ito yung alcohol.
09:09.0
Dilis.
09:11.0
Pag low-purine diet, itong gagawin nating diet,
09:14.0
bababa yuric acid.
09:16.0
Papayat ka.
09:17.0
Mababawasan ang gamot.
09:19.0
Pero, mababawasan lang ang gamot.
09:21.0
In short,
09:23.0
kaya ako nililinaw kasi yung kababayan natin.
09:26.0
Sabihin nila, makinig lang ako kay Doc Willie.
09:28.0
Hindi na ako magpapacheck ka.
09:29.0
Makakatipid ako.
09:31.0
Maraming sakit pwede yun.
09:33.0
Pwedeng tayo na lang mag-usap.
09:35.0
Pero itong gout kasi, kahit sundin mo yung tips ko,
09:39.0
minsan, madalas pala, eh kailangan pa rin ng gamot.
09:45.0
Makikita nyo naman sa blood test ng yuric acid.
09:47.0
Let's say 10.
09:48.0
Nag-diet.
09:49.0
Naging 9.
09:50.0
Naging 8.
09:51.0
Mataas pa rin.
09:52.0
So, kailangan tulungan mo ng gamot para hindi magka-komplikasyon.
09:55.0
Diet, parang can only move the needle a little bit.
09:59.0
Mabababa lang konti ng yuric acid.
10:01.0
Pero, yung gamot, mas mabilis.
10:03.0
Tsaka, hindi naman.
10:04.0
Ganun kamahal.
10:06.0
Vitamin C, rich fruits, may tulong bumaba ang yuric acid.
10:12.0
Pwede yan.
10:13.0
Orange, dalandan, pongka, pineapple.
10:19.0
Huwag din sobradami.
10:21.0
Baka tamas ang blood sugar.
10:23.0
Yogurt, low fat milk, okay.
10:25.0
Avocado, pwede.
10:27.0
Antioxidant, vitamin E, good fats, anti-inflammatory.
10:31.0
Cherries, wala tayo.
10:33.0
Pero, sa mga overseas worker, meron.
10:35.0
Kung meron kayo nito, one of the top foods para sa gout.
10:39.0
Yan.
10:40.0
Munggo, beans, pwede.
10:42.0
Nagsulat na nga ng libro yung mga rheumatologist.
10:45.0
Siyempre ako, internist cardiologist.
10:47.0
Sunod tayo sa rheumatologist.
10:49.0
Naglabas na sila ng libro.
10:50.0
Mga rheumatologist sa Pilipinas, pwede kumain ng munggo sa gout.
10:54.0
Kasi nga, sa gout, iwas ka na sa baboy, baka, tsaka laman loob.
11:01.0
Saan pa protein source mo?
11:03.0
Di ba? Di chicken lang.
11:05.0
Kailangan mo protein source.
11:06.0
Beans, vegetable protein siya.
11:08.0
Kaya okay siya.
11:10.0
Gatas, protein din siya.
11:12.0
So, ito yung mga protina.
11:14.0
Kailangan mo ng protina sa muscle.
11:16.0
Pero, hindi siya galing sa hayop.
11:20.0
At hindi siya nagpapataas ng uric acid.
11:23.0
Kaya pwede siya.
11:24.0
Pwede ang munggo.
11:26.0
Lean protein, yung mga lean lang.
11:29.0
Mga chicken, mga walang taba.
11:33.0
Tubig, napakahalaga.
11:34.0
Dito, nagkakamalay ang karamihan.
11:36.0
Hindi umiinom ng tubig.
11:38.0
Para bumaba yung uric acid, lumalabas dapat sa ihi.
11:42.0
So, kailangan tulungan mo.
11:43.0
Kailangan i-flush mo.
11:44.0
Parang toilet.
11:45.0
I-flush mo nang i-flush.
11:46.0
Paano mag-flush?
11:47.0
Uminom ng labing dalawang basong tubig.
11:50.0
Pag may attack, sabi nga sixteen glasses.
11:52.0
Pero, I think, sobrang dami yung sixteen.
11:55.0
Twelve glasses of water para lumabas yung uric acid.
11:58.0
Ito yung malaking tulong para bumaba yung gout.
12:03.0
Tsaka sinabi ko sa inyo, diba?
12:04.0
Tubig, ang daming benefits.
12:06.0
Sa muka, sa tiyan, sa puso, sa liver, sa utak.
12:10.0
Pati uric acid, pati gout, matutulungan ng tubig.
12:13.0
Twelve glasses requirement.
12:16.0
Kape, konti.
12:17.0
Hindi ka naman makakadami ng kape.
12:19.0
Water, very important.
12:22.0
Brown rice, wheat bread.
12:24.0
Sabihin, high fiber.
12:26.0
Mga gulay, pwede.
12:27.0
High fiber.
12:28.0
Lose weight, pinakamahalaga.
12:31.0
Mas payat, mas hindi aatake ang gout.
12:34.0
Ito yung mga sakit ng pagkain.
12:37.0
Diabetes, sobra kain.
12:39.0
Cholesterol, sobra kain.
12:40.0
High blood, sakit sa puso, sobra kain.
12:43.0
Gout, kain din ang problema.
12:46.0
Ito na yung last slide ko.
12:48.0
Kaya ako pinag-iingat kayo kasi nga ayaw natin tong komplikasyon.
12:53.0
Silent killer siya.
12:55.0
Mataas yung uric acid.
12:56.0
Wala nararamdaman sa una.
12:57.0
Pero, kidneys mo sinisira na niya.
13:00.0
Yung crystals, hindi nga namalabas pa sa kamay at sa siko,
13:05.0
eh nagbabara na yung kidneys mo.
13:08.0
Pag pina-ultrasound mo yung kidneys mo, kita na may bato-bato.
13:11.0
Uric acid yung bato.
13:13.0
Pati joint mo, may barabara na.
13:15.0
Ayan.
13:16.0
Heart disease and stroke.
13:19.0
Sana po nakatulong tong video natin.
13:21.0
Ingat po tayo sa gout.
13:22.0
Pacheck po tayo sa ating rheumatologist.
13:25.0
God bless po always.
13:27.0
Thank you.