Close
 


POGOS: Kailangan na Palayasin
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Majority of POGOS are criminal syndicates. Dahil dito, kailangan na huliin at paalisin yang mga yan. At kung sinong opisyal ang nag proprotecta, kailangan din huliin.
Chris Tan
  Mute  
Run time: 07:06
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Nabalitaan mo ba yung raid na nangyari sa isang Pogo sa may Tarlac?
00:04.8
Okay, ito yung nangyari. May na-raid na Pogo sa Bamban, Tarlac
00:09.1
na may na-confiscate na over 7 million pesos in cash
00:14.2
on top of a lot of other things.
00:16.6
Hindi yun yung nakakagulat actually.
00:18.0
Yung nakakagulat yung mga ibang bagay na nakuha dito sa raid na ito
00:21.6
including mga handcuffs, metal batons, at mga iba't-ibang mga torture devices.
00:28.1
On top of that, maraming nakuhang mga cellphones at mga SIM cards.
00:33.6
At alam mo, hindi na nga ito uncommon pagdating sa mga Pogos.
00:37.2
Kasi naalala mo ba yung nagkaroon ng raid sa isang Pogo sa may Pasay?
00:41.3
Pagdating nga ng mga otoridad doon, nakita nga nila yung isang torture room
00:45.3
na merong mga handcuffs, tasers, airsoft guns, may baseball bat,
00:51.5
ang daming mga bagay na pang-torture ng mga tao.
00:54.9
At madalas talaga na nakikita natin itong mga ganitong
00:58.1
bagay sa mga lahat-lahat ng mga Pogos na nandito sa Pilipinas.
01:03.1
Kaya sa mga nagsasabi na okay lang magkaroon ng Pogo because of economic prosperity,
01:09.9
huwag natin kakalimutan na pag sinabi natin economic prosperity,
01:13.2
kung saan nagagaling yun?
01:14.3
Galing po ito sa mga illegal na activities o mga criminal activities.
01:19.3
At pag sinasabi mo sa akin na okay lang na criminal yung mga activities sila,
01:22.9
basta may dalang pera, kung ganun lang, magpasko lang tayo ng mga droga dito sa Pilipinas.
01:28.1
Mga malaki yung pera doon.
01:29.8
O ganun din yung logic na yun, kaya medyo mali ang ganyang pag-iisip.
01:33.7
Kasi hindi natin pwedeng pinipili kung saan magtutugma yung ating depensa
01:38.0
at yung ating logic para lang sa ating mga biases.
01:42.5
Kailangan pantay-pantay po lahat yan.
01:45.0
At sa dami na ng mga read at mga reports na nangyari ngayon,
01:47.9
nakikita natin kung ano ba itong mga criminal activities na associated with these Pogos.
01:53.5
Tulad ng yung mga online investment scams na yan, ang dami niyan.
01:57.4
May mga love scams pa.
01:59.5
At yung mga nagte-text sa inyo ng mga scams, yan galing karamihan yan sa mga Pogos.
02:05.3
Idagdag mo pa dyan yung mga prostitution, sex trafficking, human trafficking, at torture.
02:11.2
At huwag natin kakalimutan na pag may Pogo, may daladalang mga ibang-ibang klaseng mga krimen pa yan.
02:16.3
Tulad ng droga, money laundering, kidnapping, at posible nga na kahit murder nangyayari.
02:23.9
Alam mo, walang magandang kalalabasan.
02:26.4
Ang pagkakaroon ng Pogo sa ating bansa.
02:29.1
Kung sa China nga, bawal itong mga Pogos na ito.
02:32.6
Dito pa sa Pilipinas, pinapayagan natin. Ganun ba tayo kadesperado?
02:36.8
At nung wala namang mga Pogos, maganda naman ang ekonomiya ng Pilipinas.
02:40.4
At hindi pwedeng ipagpalit ang seguridad ng ating bansa para lang kumita ng pera.
02:45.8
At ang nakakalungkot dito, ay yung mga politiko na sumusuporta at pinoprotektahan pa itong mga Pogos na ito.
02:54.0
O, balikan natin yung nangyari dun sa raids.
02:56.4
Sa Tarlac.
02:57.2
Okay, etong na-raid sa Tarlac is a company called Zune Yuan Technologies.
03:03.0
Ni-raid sila dahil maraming reports ng mga human trafficking na nagaganap at torture na nagaganap dito sa Zune Yuan Technologies.
03:13.7
At nung ni-raid sila, doon nila nakita yung 7 million pesos in cash.
03:17.4
And believe me, naniniwala ko na maliit lang yan kumpara sa dami ng pera ng mga Pogos na ito.
03:22.6
Dahil nakita nila na ang operation ng Zune Yuan Technologies.
03:26.4
Ay hindi na nga gaming eh.
03:28.9
Online scams, crypto investment scams, mga love scams.
03:33.9
Nakita na yung mga cellphones, mga SIM cards.
03:36.4
May mga scripts ba nga sila nakita kung paano ginagawa itong mga scams na ito.
03:41.1
At pag hindi umabot sa kwota itong mga empleyado nila, tinotorture pa sila.
03:46.1
Alam mo ba na nagkaroon ng raid dyan sa compound na yan last year.
03:49.3
Nung time na yun, ang nakaregister na kumpanya doon ay Hong Sheng Gaming Technologies.
03:55.3
At alam mo ba kung bakit?
03:56.4
Bakit sila na-raid?
03:57.6
Dahil nag-ooperate sila ng iligal na crypto investment scam.
04:02.6
The same scam na ni-raid ngayon dito sa Zune Yuan Technologies.
04:07.4
At ito pa ang isang problema dito.
04:09.2
Nung binuksan nila itong mga vaults na ito, nakita nila mga iba't ibang mga dokumento
04:13.0
na nakapangalan sa incumbent mayor ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo.
04:20.2
Tulad ng isang sasakyan na nakaregister sa pangalan niya.
04:23.0
At yung electric bill na nakaregister sa pangalan niya.
04:26.6
At nakalagay din doon yung resolution ng sanggunayang bayan na nagbibigay ng permit
04:32.1
para payagan ang Hong Sheng Gaming Technologies para mag-operate sa Bamban, Tarlac.
04:37.1
Ang representative ng Hong Sheng Gaming Technologies ay si Alice Guo.
04:41.6
Na nung time na yun, in 2020, was just a private citizen.
04:45.0
Two years later, tumakbo siya bilang mayor ng Bamban.
04:48.6
Tapos after siya nanalo as mayor, a year later, na-raid yung Hong Sheng Gaming Technologies.
04:54.0
Tapos after nung raid, nagbago na yung pangalan.
04:56.2
Naging Zun Yuan Technologies na.
04:58.5
Hindi ko alam kung same owners ba yan o hindi.
05:00.5
Isa pa, alam mo ba na yung opisina ng Zun Yuan Technology na dating Hong Sheng Technologies
05:06.3
ay mismo nasa likod ng Bamban Municipal Hall.
05:10.9
Tignan mo yan, yung malaking compound na yan sa kanila yan.
05:14.7
Grabe!
05:15.8
At nakakapagtakaano na nung na-raid sila, walang nahuli sa mga founders, mga may-ari.
05:21.8
Ang nahuli yung mga rank and file lang.
05:23.7
Pati sa Zun Yuan Technologies, wala din nahuli.
05:26.2
Mga rank and file lang, pero yung mga founders, hindi nahuli.
05:30.5
At tignan din natin yung mga iba't-ibang mga anomalya pa dito.
05:34.1
Nakakapagtakaan na si Alice Go, ang representative ng Hong Sheng Technologies.
05:38.4
Tapos sinasabi niya, wala siyang kinalalaman sa mga criminal activities ng Pogo na to.
05:43.6
Tapos ang alabay na binigay nga niya, kasi ang representative nga ng Hong Sheng,
05:47.9
kaya nakapangalan sa kanya yung electric bill.
05:50.6
Tapos nagbabay and sell daw siya ng kotse, kaya yung isang kotse daw nakapangalan sa kanya.
05:53.9
Tapos hindi lang daw na transfer sa bagong may alabay.
05:56.2
Okay, sabihin na nga natin, totoo yun.
05:58.6
Pero ito lang, kung siya ang representative ng Hong Sheng Technologies,
06:02.8
does that mean na shareholder siya o kaya board member siya?
06:07.0
Either way, konektado siya sa kumpanyang ito.
06:10.2
Tapos noon nag-raid, hindi mahuli yung mga founders.
06:13.4
And then after noon, in-approve pa niya yung bagong kumpanya na Zun Yuan Technologies
06:19.0
na na-raid ulit for the exact same scams that they are running.
06:23.5
Okay, assume na nga natin na innocent until proven guilty.
06:26.3
But the fact na konektado siya dito sa isang POGO is already a conflict of interest, at the very least.
06:33.8
At sobrang kaduda-duda talaga sa akin na yung illegal activities o yung criminal activities na isang kumpanya,
06:40.2
ang lakas ng loob, ano?
06:41.8
Para gawin yung kanilang operasyon sa likod mismo ng munisipyo.
06:47.4
Kaya sana talaga maimbestigahan itong mga ito.
06:49.8
At sana talaga, tanggalin na natin lahat ng mga POGOs na yan dito sa ating bansa.
06:55.6
Okay.
06:56.2
At walang magandang kalalabasan ang pagkakaroon ng mga POGOs na ito dito sa Pilipinas.
07:01.5
At yan ang katotohanan.