Close
 


VP Duterte mananatili sa Gabinete: Marcos | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tanggalin sa kaniyang Gabinete si Vice President Sara Duterte. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 05:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Mananatili si Vice President Sara Duterte sa gabinete.
00:05.4
Tiniya kay Tony Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng panawagan ng ilang politiko
00:09.9
na tanggalin na siya bilang Education Secretary dahil hindi umano naging efektibo
00:14.3
ang ilang programa ng DepEd na tugunan ang kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
00:19.8
Binanggit din ng mga mambabatas ang pagtuligsa ng Pamilya Duterte kay Pangulong Marcos.
00:25.1
Any of the cabinet secretaries will be replaced pag hindi nila ginagawa ang trabaho nila.
00:30.0
All the other things are not part of the discussion.
00:35.6
Pag hindi na kaya, eh nagkasakit, sabihin mo na eh, papalitan ka namin.
00:40.2
O hindi talaga marunong o kurap, tatanggalin ka talaga namin.
00:45.0
Eh hindi naman ganun sinday.
00:46.8
Matatandaang sinabi ng unang ginang sa panayam na media personality na si Anthony Taberna
00:51.6
na nasaktan siya sa reaksyon ni VP Sara na akusahan ng kanyang amang
00:55.9
si dating Pangulong Rodrigo Duterte, si Pangulong Marcos,
00:59.6
na isang drug addict sa Davao Rally na dinaluhan ng vicepresidente.
01:04.3
It will not affect our working relationship with the Vice President, Secretary of Education.
01:10.4
Huwag niyang masyadong dibdibin at yung hindi naman siyang ng mga nagsabi tungkol sa ano-ano.
01:18.1
Kaya madali naman siguro, madali naman siguro plansahin lahat itong naging issue.
01:27.8
Ayon pa sa Pangulo,
01:29.6
mag-uusap sila ng kanyang bise mingil sa issue.
01:46.8
Gayon pa man, inamin ni Marcos Jr. na ikinalugod niyang meron siyang asawang protective sa kanya.
01:53.6
What a lucky husband I am.
01:56.0
That I have a wife.
01:58.4
Very protective.
01:59.6
Protective sa akin na kahit na may nakita ang hindi magandang sinabi tungkol sa akin,
02:06.7
ay yan, talagang she gets very upset.
02:11.5
At I guess we cannot blame her.
02:14.5
Ang first lady, hindi siya naiso politika yan eh.
02:17.5
Kami manhid na kami dyan sa mga insulto, kung ano-ano, personal na insulto,
02:22.4
ay policy, lahat, wala, manhid.
02:25.2
Siya hindi siya galing sa political family.
02:29.6
At siguro, she still has to learn na magpalampas ng konti ng mga ibang masasakit at maiinit na panghang sa salita.
02:39.5
Binisita naman ng Pangulo ang probinsya na Occidental Mindoro nitong Martes na lubhang apektado ng matinding init.
02:46.6
Nasa state of calamity ang probinsya na Occidental Mindoro dahil sa epekto ng El NiƱo.
02:52.0
Ayon nga sa isang lokal na opisyal, tinatayang nasa 900 million pesos na ang naitalang pinsala ng matinding init.
02:59.6
Sa sektor ng agrikultura.
03:01.6
Ininspeksyon ni Pangulo Marcos ang mga natutuyong palaya ng probinsya.
03:05.6
Pinangunahan din niya ang pamimigay ng gamit pangagrikultura sa mga magsasaka
03:09.8
at ang mga tulong na iba't ibang ahensya ng gobyerno sa nasa 2,000 mga residente.
03:15.9
May nakikita namang solusyon ng Pangulo sa pangamba ng mga residente sa pagpasok ng mga imported na sibuyas
03:22.3
na maari maka-apekto sa pangunahing kabuhayan ng probinsya.
03:26.0
Pag may cold storage tayo, hindi na kailangan ipagbili kami.
03:29.6
Agad. Kung ano man lang ang kailangan, ano yung demand.
03:34.8
Para pati na, para sa consumer, yung presyo medyo pantay-pantay kahit tag-araw, tag-ulan.
03:43.1
Inilapit din ang mga lokal na opisyal sa Pangulo ang mataas na single sa kuryente
03:47.6
na nasa 20 pesos per kilowatt hour kumpara sa 12 pesos per kilowatt hour sa Metro Manila.
03:53.3
Emergency power supply ang ginagamit natin kaya mahal.
03:57.7
Pero yun na nga.
03:59.6
Marami tayong kinakabit na cable para yung mga ibang lugar na may excess capacity,
04:08.3
no excess production ng kuryente, pwedeng dalhin sa ibang lugar.
04:13.7
Inihayag naman ang Pangulo na inaaral na rin ang pamahalaan ng iba pang pangmatagalang solusyon
04:19.1
para madagdagan pa ang supply ng kuryente sa buong bansa.
04:24.5
Joyce Balancio, ABS-CBN News, Occidental, Mindoro.
04:29.6
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
04:37.0
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
04:42.5
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
04:59.6
Thank you for watching!