Close
 


Occidental Mindoro, nasa ilalim ngayon ng state of calamity dahil sa El Niño | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Dobleng pasanin ang kinakaharap ng mga taga-Occidental Mindoro ngayong tag-init. Nasa ilalim na ang naturang lugar sa state of calamity dahil sa El Niño, may krisis pa sila sa kuryente. #News5 | via Briane Basa Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Gobling pasanin ang kinakaharap ng mga taga Occidental Mindoro ngayon tag-init.
00:05.5
Nasa ilalim na kasi sila ng state of calamity dahil sa El Niño,
00:09.2
may krisis pa sila sa kuryente.
00:11.6
Nasa front line ng balitang yan, si Brian Bassa.
00:17.0
Tuyo ang mga pananim at tigang ang lupa.
00:20.8
Ganyang inabutan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:23.5
ang sakahang ininspeksyon niya sa San Jose Occidental Mindoro kanina.
00:27.7
Nasa state of calamity ngayon ang probinsya dahil sa matinding epekto ng El Niño.
00:33.8
Mahigit 60% ng lupang sakahan sa probinsya ang apektado.
00:38.8
Sa datos ng provincial government,
00:40.9
mahigit 900 million pesos ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
00:46.8
Pinakaapektado ang mga magsasaka ng palay at sibuyas.
00:50.5
Kami po ay isang agricultural province.
00:53.6
Kapag dapat ang magsasaka, dapat po ang aming ekosistem.
00:57.7
Ang aming mga palayan ay tuyo na, pati po ang aming mga ilo.
01:04.2
Para tugunan ang problema, may mga panandalian at pangmatagalang plano na raw ang gobyerno.
01:10.0
Kasama riyan ang mahigit isang bilyong pisong pondo na inilaan ng Department of Agriculture para sa probinsya.
01:16.7
Namigay rin ang Pangulo ng ibang-ibang gamit pangsaka at pangisda,
01:20.8
gaya ng mga traktora, makinang pansaka at mga bangka,
01:25.2
pati perang ayuda para sa ilang magsasaka.
01:27.7
Para naman tugunan ang problema sa irigasyon, plano ng gobyernong magtayo ng bagong dam sa may bayan ng San Jose at Magsaysay.
01:36.4
Kahit kumpleto lahat ng ating urea, yung ating fertilizer, kahit kumpleto lahat ng pesticide natin, kahit kumpleto ang ating mga farm equipment,
01:46.3
pagka mahina ang daloy ng tubig, ay mababa rin, nababa pa rin ang ani. Kaya yun ay babaguhin natin.
01:54.4
Bukod sa El Niño, may isa pang problema.
01:57.7
At taga-Oksidental Mindoro.
01:59.7
Kami po ay nasa state of power crisis. Napakamahal po ng presyo ng kuryente namin.
02:06.0
20 kilowatt per hour, habang ang Meralco po, 12 kilowatt per hour lamang.
02:13.0
Isa lang ang power provider na nagsusupply ng kuryente sa Mindoro.
02:17.4
Kaya kapag may pumalyang planta, brown out lagi sa isla.
02:20.8
Iis-init na nga kapag walang kuryente, masakit pa sa bulsa ang kailangang bayaran.
02:27.7
Ayon sa Pangulo, matutugunan lang ang problema sa kuryente roon kung maikakabit na sa Luzon Grid ang Mindoro.
02:40.0
Una ng nangako ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na makukumpleto nila ito sa susunod na taon.
02:47.2
Mula sa San Jose, Occidental Mindoro, nagbabalita mula sa Frontline, Brian Baza, News 5.
02:53.7
Mga kapatid, Luchi Cruz Valdesco, maging maalala.
02:57.7
At may pakialam sa mga napapanahong balita sa pansa.
03:02.8
Tumutok at mag-subscribe sa News 5 social media pages.