Close
 


Pagkalat ng mga pekeng online content na gumagamit ng AI, ikinababahala ng isang grupo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Talamak na ngayon online ang mga content kung saan ginagaya ang mukha o boses ng ilang personalidad gamit ang artificial intelligence #AI para manloko. Isa sa mga bagong biktima si Pres. Bongbong Marcos na ipinapalabas na nagdeklara na umano ng giyera sa China. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Talamak ngayon online ang mga content kung saan ginagaya ang mukha o boses ng ilang personalidad
00:05.9
gamit ang artificial intelligence para manloko.
00:09.5
Isa sa mga bagong biktima ay si Pangulong Bongbong Marcos mismo
00:13.0
na pinapalabas na nagdeklara na ng gera sa China.
00:17.2
Nasa front line ang balitang yan, si Mon Guaves.
00:21.4
Niratrat ng kanyon,
00:23.3
pinasabugan ng Pinas,
00:25.0
at atakihin ng China.
00:26.6
Ilan lang yan sa agaw pansin na thumbnails ng YouTube channel
00:30.6
na dapat balita na nagpopost ng content tungkol sa agawan ng teritoryo ng China at Pilipinas.
00:36.6
Parang legit na balita ang atake sa videos nila
00:39.2
na may libo-libong views at mayigit 127,000 na subscribers pa.
00:44.9
Prominente sa mga thumbnail ang ilang litrato ni Pangulong Bongbong Marcos
00:48.6
na tila nakikipag-away talaga sa China.
00:51.7
Sa isa pa nga sa mga video,
00:53.1
dinig ang tila boses mismo ni PBBM
00:55.9
na nagdeklara na rao ng gera sa China.
00:59.4
Nagbigay na po ako ng ghost signal.
01:01.8
Kung umatake ang China,
01:03.6
atakehin din nila.
01:05.2
Sabi ko sa ating mga magigiting na sundalo,
01:08.3
gumanti sa China kung kinakailangan.
01:11.2
Pero ang boses na yan,
01:13.2
peke pala.
01:14.5
Ayon sa artificial intelligence experts,
01:17.0
voice cloning ang tawag dito.
01:19.1
Kaya iba sa deepfake,
01:20.4
kung saan kinukopya pati muka,
01:21.7
sa voice cloning,
01:23.5
boses lamang ang ginagaya.
01:24.7
Kaya para malaman kung talagang madaling makapanloko,
01:27.7
pinanood at pinarinig namin sa iba
01:30.7
ang content ng dapat balita.
01:32.7
Ang boses niya po si Bongbong Marcos.
01:34.7
Parang si Presidente eh.
01:38.7
Parang siya yung sa boses niya.
01:40.7
Si PBBM ang boses niya.
01:44.7
Kung tutusin,
01:45.7
madali lang daw mahalata na peke ang video
01:47.7
ayon sa tech expert na si Art Samaniego.
01:49.7
Halatang pilit na pilit na ginagaya yung boses,
01:52.7
pati yung tono.
01:53.7
Yun nga.
01:54.7
Yun nga lang,
01:55.7
aminado si Art na hindi raw lahat may sapat na kaalaman
01:58.7
sa pagkilatis ng mga ganitong content online.
02:01.7
Tulang kayo sa education.
02:03.2
Akala nung mga tao,
02:04.7
akala nung mga, well,
02:06.7
untrained na mga tao na totoo talaga ito
02:09.7
kasi nakikita nila yung video.
02:11.7
Meron silang boses na naririnig
02:13.7
na kahit hindi naman talaga kaboses ng Presidente
02:17.7
at halatang pilit,
02:18.7
maniniwala pa rin sila dito.
02:19.7
Ayon naman sa artificial intelligence expert na si Dominic Ligot,
02:23.7
piling content lang
02:24.7
ang madalas paggamitan ng deep fake at voice cloning.
02:27.7
Political issues,
02:29.7
chismes,
02:30.7
health,
02:31.7
and any investment type,
02:33.7
mga investment scams, no,
02:35.7
siya yung matunog sa tao.
02:37.7
Dahil mabilis mag-viral ang ganito mga content,
02:40.7
nababahala ang isang grupo sa posibleng pang matagalang epekto nito
02:44.7
sa mga nabibiktima ng fake news.
02:46.7
Very dangerous yung mga ganitong misleading contents.
02:49.7
It can lead to blindness to other people.
02:52.7
Dahil kung hindi nga maikocorrect ito,
02:55.7
maaaring ito yung paniwalaan ng mga tao.
02:58.7
Sa ngayon, burado na ang YouTube page ng Dapat Balita.
03:02.7
Wala pang pahayagang palasyo sa issue.
03:04.7
Pero nakikipag-ugnayan ang Department of Information and Communications Technology
03:08.7
sa security sector sa gitna ng pag-voice clone sa Pangulo.
03:12.7
Tinitignan na rin nila ang posibleng paglabag ng mga nasa likod nito
03:16.7
sa ilalim ng Cyber Crime Prevention Act.
03:18.7
Nagbabalita mula sa Frontline.
03:21.7
Mon Gualvez, News 5.