Close
 


Gubat sa Metro Manila, mas mababa ang heat index kumpara sa siyudad | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Alam ba ninyong mayroong gubat sa gitna ng Metro Manila? Ngayong mas mainit ang panahon, mas mababa umano ng 5°C ang temperatura sa loob ng naturang gubat. #News5 | via Laila Pangilinan Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Alam niyo bang may gubat pa sa Metro Manila?
00:03.3
Meron pa pala.
00:04.3
At ngayong mainit ang panahon, mas mababa raw ng 5 degrees Celsius ang temperatura sa loob ng nabanggit mong gubat.
00:11.3
Abay, sige. Pasyalan natin ang mga pwedeng silungan ngayong tag-init sa Frontline Report ni Laila Pangilina.
00:20.0
Nakikitang papalo sa 41 degrees Celsius ang heat index o ramdam na init ngayong araw sa Metro Manila.
00:26.3
Posible pa yung umakyat sa danger level na 42 degrees bukas.
00:30.8
Nakadaragdag ng init ang mga naglalakihang gusali at kalsadang gawa sa asfalto kung saan naiipon ang init.
00:37.8
Kaya naman, tila biyaya ang gubat na ito sa gitna ng syudad.
00:42.5
Yan ang mahigit dalawang ektaryang Aroceros Forest Park na binansagang last lung of Manila.
00:48.6
Ang Aroceros Forest Park po is kaisa-isa na lang or na forest na matatagpuan dito sa kamay.
00:56.3
Mahigit 60 species ng puno at 8,000 ornamental plants ang makikita sa Aroceros Forest Park.
01:04.9
Napakalaking tulong niyan sa pagbibigay ng sariwang hangin.
01:09.7
Bukod sa educational at recreational purposes,
01:12.3
sa dyang itinayo itong Aroceros Forest Park noong 1993 para maibsan ang epekto ng urban heat island na nararanasan ng maraming highly urbanized areas gaya ng Manila.
01:26.3
Kung ang init sa Metro Manila ay nasa 41 degrees Celsius,
01:40.1
kapag nasa loob ka ng Aroceros Forest Park, 36 degrees lang ang ramdang.
01:46.7
Sa Quezon City naman, nakakatulong din ang mga puno sa loob ng QC Memorial Circle.
01:52.0
Meron pa nga kaming naabutang nagja-jogging doon.
01:54.7
Merong mga estudyante ang gumagawa ng project at meron ding nakatambay kahit alas 11 na ng umaga.
02:02.0
Yung init po masakit niya siya sa balat pero dahil po sa mga puno, yung air fresh pa po at saka may mga silong pa din naman.
02:10.5
Sa bahay po kasi namin is ano lang po yung mga electric fan lang po.
02:14.6
Eh syempre po yung sa ano, minsan nag-overheat po siya, namamatay ganyan.
02:19.5
Eh pag dito po parang yung hangin po dito is fresco tas yung natural lang.
02:24.7
Ayon sa pag-asa, malaking ginhawa talaga sa tag-init kapag maraming puno.
02:29.7
Naa-absorb kasi nito ang init at naglalabas ng natural na preskong hangin.
02:34.5
Kaya naman paniwala ng pag-asa, makabubuti kung darami ang mga parke dito sa Metro Manila.
02:41.1
Nagbabalita mula sa Frontline, Laila Pangilinan, News 5.
02:45.6
Mga kapatid, Jiggy Manikad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
02:50.6
Para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.