Close
 


Sen. Go, inakusahang namumulitika ang DSWD; pangalan niya, ‘di umano pinababanggit sa ayuda
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Inakusahan ni Sen. Bong Go si Social Welfare #DSWD Sec. Rex Gatchalian na namumulitika sa pamamahagi ng benepisyo. Hindi umano ipinababanggit ng ahensya ang pangalan ng senador kahit na sa sariling bulsa galing ang pondo para sa ilang biktima ng sakuna. #News5 | via Camille Samonte Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Inakusahan ni Sen. Bong Go si DSWD Rex Gatchalian na namumulitika sa pamamahagi ng benepisyo.
00:07.9
Hindi raw ipinababanggit ng ahensya ang pangalan ng Senador kahit nasa sariling bulsa niya galing ang pondo para sa ilang biktima ng sakuna.
00:16.4
Nasa front line ng balitang yan, si Camille Samonte.
00:20.7
Naglabas ng saman ng loob si Sen. Bong Go sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pamamahagi ng ilang benepisyo ng DSWD.
00:28.7
Nakarating daw sa Senador ang direktiba ng DSWD na huwag banggitin ang kanyang pangalan,
00:34.4
na mag-sponsor siya sa pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AIC sa Alaminas, Pangasinan.
00:41.2
Ayuda ito para sa mga biktima ng kalamidad at sariling pondo raw ni Go ang inilabas niya.
00:46.9
Specific po ang pagbabawal ng pangalan ko.
00:50.4
Hindi nyo na kailangan banggitin ang pangalan ko pero sana naman maging puntay naman kayo.
00:55.5
Eh kung yung ibang pangalan pwedeng banggitin.
00:57.9
Pinagbawalan din daw siyang sumama sa pamimigay ng AIC's payout.
01:02.3
Pero kapag ibang Senador daw, pinapayagan.
01:05.4
Bakit si Sen. Aimee, our chairperson, pwede pumunta?
01:08.8
Hindi naman kailangan banggitin ang pangalan namin pero huwag nyo naman sanang ipagbawal na banggitin.
01:13.6
Huwag nyo naman sanang ipagkait na meron po akong gustong dalahin sa tulong sa kanila.
01:19.0
Itinanggi ng isang opisyal ng DSWD na may nagutos sa kanilang itago ang pangalan ni Sen. Go sa pamimigay ng ayuda.
01:25.9
Wala naman pong explicit na instruction na pagbawalan.
01:30.2
Pero po sa akin, dahil po kami po ay nagbibigay po ng ating programa, I think it's best not to mention.
01:39.0
Otherwise, baka po kasi kami mapagsabihan.
01:46.1
Pinunarin ni Go ang ilang buwang delay sa AIC's payout sa ilang probinsya.
01:49.8
Pero nang magpunta raw mismo si DSWD Sekretary Rex Gatchalian sa Mindanao,
01:55.9
ang benepisyo, giit ni Go, baka sadyang iniipit ni Gatchalian ang payout para magamit sa politika.
02:03.2
Ibig sabihin, pag kayo ang pumunta, pwede nyo palang doblahin. Hindi ba ito na nagagamit sa politika ninyo?
02:11.1
Itinanggi naman niya ni Gatchalian.
02:13.0
I'm not using the office for my politics and I categorically state that I'm not running for any position this coming election.
02:20.0
Kailangang election?
02:21.7
This election, I'm not running for any public office this coming election.
02:24.6
2025?
02:25.9
Yes. But I'm not running for this coming election.
02:29.8
It's the first time in 18 years.
02:30.9
How about 2028?
02:32.6
In 18 years. Madam Chair, I'll just direct you to Director Wentz so that he can put forward on record the payout, please.
02:39.5
Depensa ni Gatchalian sa delayed na pamamahagi ng ayuda,
02:43.1
nagka-problema sa kanilang Financial Management Office,
02:46.2
at requirement na hinihingi ng Department of Budget and Management,
02:49.5
kaya hindi agad na-release ang pondo sa ilang lugar.
02:52.0
Hindi naman na nagkomento ang kalihim sa dipagbanggit ng pangalan,
02:55.9
ni Sen. Go sa pamamahagi ng ayuda.
02:58.4
Sa isang ambush interview, iminongkahi naman ni Sen. Aimee Marcos
03:02.2
na ayusin dapat ng DSWD ang listahan ng mga benepesyaryo at gawing digital ang proseso.
03:08.4
Ang importante na ito kasi nagiging political issue, papasok tayo ng eleksyon,
03:12.9
ayoko mahalo ang tulong sa tao sa pamumulitika.
03:17.8
I-digitize na lahat ay magkaroon ng QR code, magkaroon na ng digitization ng mga beneficiary,
03:25.9
at magkaalaman kung sino nakatanggap, sinong hindi nakatanggap, sinong nasa lista, sino hindi qualified.
03:34.2
Nagbabalita mula sa Frontline, Camille Samonte, News 5.
03:38.1
Mga kapatid Cheryl Cosimpo, huwag maging guling at maging una sa lahat sa balitaan.
03:43.7
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa Frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.