Close
 


VANDERBILT WOOD BALIK LAKERS sa GAME, NBA SINAGOT ang REKLAMO ng LAKERS | KNICKS MALAKAS sa REFEREE
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mga IDOL, ang pag uusapan nga natin ngayona ay tungkol naman sa pagbabalik nina Vanderbilt at Wood. Facebook Page - http://www.facebook.com/officialBasketballFAM/ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ What is Fair Use? Fair Use is a legal doctrine that says you can reuse copyright-protected material under certain circumstances withour getting permission from the copyright owner. This video is edited under Fair Use law of YouTube. No Copyright Infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, background music, etc. Background Music: beatbyneVs - Monster https://youtu.be/dNHQ6ijiONY Spotify: https://sptfy.com/4Mn4 For Business Inquiry: jhayllano123@gmail.com
JHAYZONE TV
  Mute  
Run time: 04:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kasunod nga po mga idol ng pagkakabaon ng Los Angeles Lakers sa kanilang serye 0-2 laban sa Denver Nuggets.
00:08.1
Malinaw kailangan nga po nilang makagawa ng paraan upang mapahinto ang opensang hatid nina Jamal Murray at Nicola Jokic upang sa ganon maiwasan ang pagkakawalis.
00:19.6
Kailangan na rin naman nga po nilang maprotektahan sa ngayon ang kanilang home court.
00:23.8
Pag dating ng Game 3 at Game 4 at sa kabutihang palad, hindi na rin naman nga tuluyang nawawala ng pag-asa ngayon ang kanilang kupunan.
00:32.6
Sa katunayan, bago pa magsimulang bumalik sa kanilang home court, ay magkasabay na nga po ditong inanunsyo ni Coach Darvin Ham na malaki ang posibilidad na makapaglaro na sa kanilang Game 3
00:43.7
ang kanilang dalawang player na si Jared Vanderbilt at Christian Wood matapos ang ilang buwang pagkawala dahil sa injury.
00:51.1
Kaya mukha nga, may bago nga.
00:53.3
Pantapat na ang Lakers kina Nicola Jokic at Jamal Murray.
00:57.9
Ngunit bagamat man focus ngayon ang Lakers sa kanilang Game 3, may ilang nga pong hindi nakaka-move on sa kanilang nakakadismayang talo sa Game 2,
01:06.9
lalo pat mismong mga NBA analysts na ang nagsabi, marami nga pong mga nagawang pagkakamali ang mga referee sa kanilang naging laro.
01:15.9
Kabila nga po dyan ay ang pag-overturn nila sa ginawang foul ni Michael Porto Jr. kay D'Angelo Russell kahit mali,
01:23.3
sa replay na nasapak nito sa nasabing play.
01:27.4
Maliban dyan, hindi rin naman nga daw dapat binigyan ang foul si Lebron James sa pagbangga nito kay Jamal Murray sa huling minuto ng 4th quarter
01:36.1
gayong marginal contact literal ang nakita nila dito.
01:40.8
Kaya dyan palang malinaw dehado ang Lakers sa tawagan sa Game 2 na siyang nag-iba o nagpabagsak at napabayaan nila ang kanilang kalamangan at nagbago ang momentum ng laro.
01:52.5
Samantala,
01:53.3
kagaya nga po ng Lakers, marami rin naman nga po mga fans ng 76ers ang nagreklamo sa ginawang pandaraya rin ng mga referee sa kanilang talo sa Game 2 laban sa next.
02:04.5
Kitang-kita ninyo na ilang beses na nga na-foul ang mga malalaro ng 76ers sa huling segundo.
02:11.2
Ngunit ni isa man dito, wala nga na itawag na foul.
02:14.7
Kaya yan nga ang sobrang ikinadidismaya ngayon ng kanilang mga fans lalo pat tama rin naman ang kanilang hinala na na-foul.
02:23.3
Ito na rin nga po ni Jalen Bronson, si Tyrese Maxey matapos na itong hilahin ang kanyang jersey habang sila ay nag-inbound ng bola.
02:31.7
Ito na rin naman nga po mga idol ang naging rason bakit bigla na lamang siyang natumba at nabitawan ng bola.
02:38.6
Maliban dyan, inamin rin naman nga po ng mga referee na hindi nila napansin ang pagtawag ng timeout ni Coach Nick Nurse sa last seconds.
02:47.8
Kaya hindi na pigilin ang mga fans ng 76ers na magsabing,
02:51.7
malakas nga talaga ang Knicks sa mga referee.
02:55.4
Sa kabilang banda, kagaya nga po nang naibalita ako sa inyo,
02:59.1
isa nga si Gary Payton II sa mga malalarong delikadong hindi na makabalik sa Golden State Warriors
03:05.5
since meron na lamang nga itong natitarang kasalukuyang player option.
03:09.4
At base nga sa pinakahuling nilabas sa balita, plano nga po ng Warriors na hindi na ito pabalikin.
03:15.0
Lalo pat mas lalo lamang nga itong nagdadagdag problema sa patuloy na pagtatamo ng injury.
03:20.5
Well, bagamat man napakalaki ng kanyang naiaambag sa depensa at pagdating sa hustle plays,
03:26.9
hindi na naman nga nila ito masyadong napapakinabangan.
03:29.9
Kaya imbes nga po na masayang lamang ito, maaari na lamang ang either i-trade nila sa offseason
03:35.8
o tanggalin na lamang sa lineup upang makabuo sila ng cap space na magagamit nila
03:40.6
upang makakuha ng mas magaling na player.
03:43.8
Mas preferred na rin naman nga po ngayon ang Warriors na magpalaki ng kanilang lineup lalo na sa backcourt.
03:49.9
Kaya hindi nga malabo na ipamigay na nila si Gary Payton II sa ibang kupunan.
03:56.5
So yun lamang mga idol ang ating bagong video na ating pinag-usapan ngayon dito sa aking YouTube channel.
04:03.7
Once again, this is your JZoneTV.
04:07.6
Huwag kalimutang mag-like, mag-subscribe, pindutin ang notification bell sa aking channel
04:12.6
para lagi kayo maging updated sa mga videos na pinapalabas ko.
04:16.6
Isang malaking shoutout sa lahat mga idol.
04:19.0
Maraming maraming salamat po.