Close
 


Luzon at Visayas grid, isinailalim sa red at yellow alert kahapon | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Muli na namang isinailalim sa red at yellow alert ang Luzon at Visayas grids kahapon dahil sa pagpalya ng 38 power plant. Iyan at iba pang mga balitang konsyumer sa video na ito. #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:29
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa ating mga balitang pang-consumer at kalakalan, ngayong nga pong Wednesday morning, itinasap po naman na ang Red at Yellow Alert sa Luzon at Kabisayaan kahapon.
00:10.2
Nagsimula po ang Red Alert sa Luzon kahapon, alas 3 hanggang alas 4 po naman ng hapon.
00:16.4
Ito po inaulit alas 6 hanggang alas 10 ng gabi.
00:21.0
Ipinaba ito sa Yellow Alert, alas 4 hanggang alas 6 po naman ng hapon.
00:25.5
At muli alas 10 ng gabi hanggang hating gabi.
00:28.1
Ang Visayas Grid ho naman ay 7 oras pong isinilalim sa Yellow Alert simula po alauna ng hapon.
00:34.9
At ayon po sa NGCP, nagkaroon daw po ng forced outage na naman sa 38 mga planta.
00:42.0
Lahil dito'y numipis ang supply ng kuryente sa gitna ng mataas na demand.
00:47.4
Nanawagan naman ang Energy Department at Meralco na sumali ang mga kumpanya sa Interruptible Load Program o ILP ng gobyerno.
00:54.5
Yan ay para mapanatili ang sapat na supply ng kuryente.
00:57.6
Sa ilalim ng ILP, hinihikayat ang mga kumpanyang malaki ang konsumo na pansamantalang bawasan ang kanilang load kapag manipis ang supply ng kuryente.
01:08.5
Hinihikayat din silang gamitin ang kanilang generators.
01:11.7
Ayon sa Meralco, makatutulong ang pagsali ng mga kumpanya sa ILP para maiwasan ang power interruptions.
01:19.6
Sapat daw po ang supply ng bigas sa kabila po ng epekto ng El Niño.
01:24.4
Yan po sinisiguro ni Pangulong Junior sa isang town hall meeting sa Occidental Mindoro.
01:30.5
Tatunayan daw, sabi ng Pangulo, tumaas pa nga daw ang ani sa mga lugar na may patubig.
01:36.6
Sa mga lugar ho naman na nangangalahati ang irigasyon, aminado ho naman ang Pangulo na nahihirapan ang mga magsasaka.
01:43.6
Pero anya sa mga lugar gaya po ng Occidental Mindoro, nasa isang porsyento lamang daw na mga lupang nakatanggap na irigasyon ang apektado ng matinding...
01:54.4
Sisilipin daw ng kamarang umano'y disconnect o hindi pagkakatugma sa farmgate price at retail price ng bigas.
02:03.2
Yan ay matapos punahin ang samahang industriya ng agrikultura ang pagtaas ng presyo ng bigas, sibuyas, manok at baboy sa mga pamilihan.
02:10.6
Kahit hindi naman ito halos gumagalaw sa farmgate.
02:14.7
Sabi ni ACT-CIS Party List Representative Erwin Tulfo, posibleng sa gitna nga ng supply at value chain nagkakaroon ng problema.
02:24.4
Ang ibang retailer na halos wala silang binabagos sa presyong ipinasas sa kanila.
02:29.3
Anya agad itong tututukan ng House Committee on Agriculture.
02:33.1
Mag-iigib po naman daw ng tubig dahil po walang tubig ngayon sa ilang mga lugar sa Metro Manila dahil sa maintenance activities.
02:40.6
Sa abiso naman ng Maynila, meron pong rotational water interruption sa ilang bahagi po ng Quezon City at Valenzuela ngayon.
02:49.5
Bukas naman daw po ay mawawalan po ng tubig ang ilang bahagi po ng Caloocan at Navotas.
02:54.4
5 hanggang 6 na oras po ang kawalan ng supply po ng tubig na tatagal hanggang sa Abril 29 o sa susunod na linggo.
03:03.1
Nagpapatupad po ng rotational water interruption din ang Manila Water sa ilang mga lugar sa Marikina, Quezon City, Antipolo at Rizal at Taguig.
03:12.3
Mula yan alas 9 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga. Araw-araw yan hanggang biyernes.
03:18.4
Ted Filon at DJ Chacha ngayon nasa Radyo 5 92.3 News FM.
03:24.4
6 to 10 AM.