Close
 


Block party, kasado na sa Vancouver para sa Lapu-Lapu Day | TFC News British Columbia, Canada
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Gaganapin sa Vancouver ngayong weekend ang isang block party tampok ang ilang Fil-Canadian talents sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Day sa lungsod. Nagpapatrol, Rowena Papasin. #TFCNews Like and follow TFC News Facebook: https://facebook.com/TFCNewsNow Twitter: https://twitter.com/TFCNewsNow Instagram: https://www.instagram.com/tfcnewsnow/ Threads: https://www.threads.net/@tfcnewsnow Website: https://mytfc.com/news News website: https://news.abs-cbn.com/tfcnews Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TFC #TheFilipinoChannel #TFCNews #ABSCBNNews #TVPatrol
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang street party na sasakop sa limang kanto ng mga kalye sa Sunset Neighborhoods sa Vancouver ang gaganapin sa darating na Sabado bilang pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day.
00:12.5
Kapartner ng Filipino BC ang Mix Global at ang grupo ng mga negosyanteng Sunset on Fraser Association para sa buong araw na Cultural Block Party sa Abril 27.
00:22.6
Pinagsama-sama ng Mix Global, siyang music platform ng ABS-CBN, ang isang grupo ng mga kapanapanabik na headliner.
00:31.7
Sama rito ang Juno-nominated Vancouver R&B duo na Manila Grey, ang two-time Grammy nominee Winnipeg R&B artist na si John Concepcion, gayon din si Ruby Ibarra, Russell, Jeremy Passion at Gabe Bondock.
00:52.6
Ayan sa mambabatas na si Mabel Elmore, karamihan sa nanguna sa pagbuo ng block party ay mga kabataan dahil gusto nilang mayaya ang iba pang mga kabataang Pinoy na makisaya sa kanila.
01:22.6
Inaasahang muling ipoproklama ng British Columbia ang Abril 27 ng taong ito bilang Lapu-Lapu Day.
01:31.4
Isa itong pagpupugay sa chieftain o dato na itinuturing na pinakaunang bayaning Pinoy dahil sa tagumpay niya laban sa mga Espanyol sa Mactan noong 1521.
01:52.6
Magiging bukas sa buong araw ng Sabado ang multicultural restaurants at negosyong nasa kahabaan ng Fraser Street, malapit sa block party, para magsilbi sa mga dadalo sa pagtitipon.
02:09.4
May special appearance din sa block party si Jollibee, ang official mascot ng Pinoy fast food chain na agresibong nagpapalawak pa ng operasyon nito sa iba't ibang dako ng mundo.
02:21.2
Mayroon ding dalawang araw na backstage.
02:22.6
Ang basketball tournament na gagawin sa John Oliver Secondary School.
02:26.6
Ang magkakampyon dito ang kakatawan sa BC sa National Filipino Heritage Tournament na gaganapin sa Toronto sa Hunyo.
02:34.6
Ibinahagi rin ni Elmore na tinatayang aabot sa isandaan ang bilang ng mga grupong makikiisa sa pagsasaya bilang pagdiriwang di lamang ng mga Pilipino kundi pati na ng iba pang kultura.
02:46.3
We have the Sunset Community Center, we have Sun Yat-sen Gardens from the Chinese community.
02:51.6
We have the Migrant Workers Center who's running a workshop.
02:56.7
We have the firefighters who are coming.
02:59.1
The nurses union are coming with their wellness clinics.
03:02.9
Para sa TFC News, Rowena Papasin, ABS-CBN News, Vancouver.
03:21.6
For more information, please visit www.tf.gov.uk or www.tf.gov.uk.