Close
 


TFC News on TV Patrol | April 24, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Panoorin ang mga balita tungkol sa Pilipino ngayong Abril 24, 2024 mula sa iba-ibang bahagi ng mundo hatid ng #TFCNewsOnTVPatrol: • Block party, kasado na sa Vancouver para sa Lapu-Lapu Day. • Unang Pinoy snack bar patok sa Paris. Like and follow TFC News Facebook: https://facebook.com/TFCNewsNow Twitter: https://twitter.com/TFCNewsNow Instagram: https://www.instagram.com/tfcnewsnow/ Threads: https://www.threads.net/@tfcnewsnow Website: https://mytfc.com/news News website: https://news.abs-cbn.com/tfcnews Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TFC #TheFilipinoChannel #TFCNews #ABSCBNNews #TVPatrol
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 06:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mabuhay kapamilya!
00:30.0
Isang street party na sasakop sa limang kanto ng mga kalye sa Sunset Neighborhoods sa Vancouver
00:37.4
ang gaganapin sa darating na Sabado bilang pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day.
00:42.8
Kapartner ng Filipino BC ang Mix Global at ang grupo ng mga negosyanteng Sunset on Fraser Association
00:48.8
para sa buong araw na Cultural Block Party sa Abril 27.
00:53.7
Pinagsama-sama ng Mix Global, siyang music platform ng ABS-CBN,
00:58.2
ang isang grupo ng mga kapanapanabik na headliner.
01:02.0
Sama rito ang Juno-nominated Vancouver R&B duo na Manila Grey,
01:06.7
ang two-time Grammy nominee Winnipeg R&B artist na si John Concepcion,
01:11.5
gayon din si Ruby Ibarra, Russell, Jeremy Passion at Gabe Bondock.
01:28.2
And I'll be there too. The event is hosted by Filipino BC and Sunset on Fraser. Can't wait to see you there!
01:35.1
Ayon sa mambabatas na si Mabel Elmore, karamihan sa nanguna sa pagbuo ng block party ay mga kabataan
01:41.3
dahil gusto nilang mayaya ang iba pang mga kabataang Pinoy na makisaya sa kanila.
01:46.9
What's really great about the Lapu-Lapu Day block party is there's so many youth and young people getting involved
01:51.1
and participating and wanting to connect to their culture so I think it's really positive.
01:55.2
Inaasahang muling ipoproklama ng British Columbia,
01:58.0
iya ang Abril 27 ng taong ito bilang Lapu-Lapu Day.
02:01.7
Isa itong pagpupugay sa chieftain o dato na itinuturing na pinakaunang bayaning Pinoy
02:07.0
dahil sa tagumpay niya laban sa mga Espanyol sa Mactan noong 1521.
02:11.9
Lapu-Lapu as the original hero in the Philippines and fighting against Magellan and colonizers,
02:18.8
really recognizing he's an indigenous chieftain so in recognizing the leadership of indigenous Filipinos
02:25.3
and also that spirit of resistance against colonizers.
02:28.0
Magiging bukas sa buong araw ng Sabado ang multicultural restaurants at negosyong nasa kahabaan ng Fraser Street
02:35.0
malapit sa block party para magsilbi sa mga dadalo sa pagtitipon.
02:40.2
May special appearance din sa block party si Jollibee,
02:43.6
ang official mascot ng Pinoy fast food chain na agresibong nagpapalawak pa ng operasyon nito sa iba't ibang dako ng mundo.
02:51.5
Mayroon din dalawang araw na basketball tournament na gagawin sa John Oliver Secondary School.
02:56.5
Ang magkakampyon dito ang kakatawan sa BC sa National Filipino Heritage Tournament na gaganapin sa Toronto sa Hunyo.
03:05.0
Ibinahagi rin ni Elmore na tinatayang aabot sa isandaan ang bilang ng mga grupong makikiisa sa pagsasaya
03:11.0
bilang pagdiriwang di lamang ng mga Pilipino kundi pati na ng iba pang kultura.
03:26.5
Para sa TFC News, Rowena Papasin, ABS-CBN News, Vancouver.
03:40.0
Kahit nasa abroad, hinahanap-hanap ng maraming Pinoy ang kinalakhang street food sa Pilipinas.
03:46.5
Ito ang inspirasyon para maitayo ang unang Pinoy snack bar sa Paris.
03:54.0
Nagpapatrol, Cory Desus.
03:56.5
Tinangkilik at binabalik-balikan ang Pot Pot Restaurant, ang unang Pinoy snack bar sa Paris, France.
04:08.0
Excited at hands-on si Glyza Quimbao sa opening ng kanilang maliit na snack bar na nag-aalok ng ilang sikat na Pinoy cravings tulad ng halo-halo at taho.
04:19.0
Determinasyon, sipag at pananalig sa Diyos ang naging sandigan ng mag-asawang Glyza at Lloyd
04:24.7
para matupad ang pangarap na ito.
04:27.4
Nagkaroon po ako ng desire dahil meron po ako napuntahan nung nasa tour po ako sa London.
04:33.6
Meron pong ganitong concept po na napuntahan namin ang kapatid ko.
04:37.5
Kaya sabi ko, ay magdadala ako dito sa Paris kasi wala ito sa Paris.
04:41.3
Si Glyza mismo ang gumagawa ng mga sangkap, lalo na ang taho.
04:46.0
Maging ang kanilang ice cream, lahat homemade.
04:48.9
Mga Pilipino po ay mahilig po tayo sa taho.
04:52.9
Napaka-sarap po kasi ng taho.
04:54.8
At yung halo-halo po ay ganun din po.
04:58.4
So gusto ko din po ipakita or i-share sa mga ibang lahi po na masasarap po yung ating pagkain Pilipino.
05:07.2
Patok din ang Monay Ice Cream Sandwich na may iba-ibang flavor tulad ng ube, avocado at keso.
05:14.9
Available din ang ube choco at turon split.
05:17.7
Kaya naman craving satisfied ang lahat.
05:20.2
Masarap.
05:21.6
Ubing-ubi po.
05:23.3
Yes.
05:24.7
Halo-halo is the best.
05:25.8
Monay o avocado po.
05:30.2
Ang sarap po.
05:33.1
Lasang-lasa mo talaga yung avocado.
05:36.1
Pero pinakagusto ko yung taho.
05:38.8
Taho po na classic.
05:40.1
Ito po, avocado con hielo.
05:43.1
Super sarap po.
05:45.0
Lalo na yung ice cream.
05:46.1
Avocado, avocado po yung lasa.
05:48.8
Sila yung pinaka-the best na halo-halo na natikman ko po.
05:52.7
Talagang dream come true ang snack bar para sa mag-asawang Glyce at Lloyd.
05:57.5
Nais nilang magsilbing inspirasyon sa bawat Pinoy na magnegosyo at maipakilala sa mundo ang produktong Pinoy.
06:05.3
Para sa TFC News, Corey De Jesus, ABS-CBN News, Paris, France.
06:11.4
At yan ang ating mga balita mula sa iba't ibang bansa hatid ng TFC News.
06:16.1
Para sa mga balita mula sa ibang panig ng mundo, maglagong lamang sa news.abs.cn.
06:22.7
Marami pong salamat, kapamilya!
06:34.3
Thank you for watching!
06:52.7
Thank you for watching!