Close
 


BFAR naghatid ng diesel sa mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Namataan ang mahigit isang dosenang barko ng Chinese maritime militia at isang barko ng China Coast Guard sa Recto Bank. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Isang libong litro ng diesel na nagkakahalaga ng 60,000 piso
00:05.4
ang natanggap ng bawat isa sa dalawang dosenang bangka
00:08.6
ng mga Pilipinong mga ngisda
00:10.3
sa resupply mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
00:13.8
sa Recto Bank nitong Abril 20 at 21.
00:17.7
Sabi ng mga mga ngisda, malaking bagay ito para sa kanila.
00:21.3
Ikot pa tapos gagamitin ulit para sa sunod namin na biyahe
00:25.9
para makaminos yung aming gastos.
00:29.3
Pero kahit sagot na ng BFAR ang kanilang diesel,
00:32.6
hindi naman nila alam kung paano masusulusyonan
00:35.4
ang ilang taon ng panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
00:39.7
Dahilan, kaya paunti na umano ng paunti ang kanilang huli.
00:43.7
Nabulabog kasi ng Chinese, kaya ihirap yung isda dito.
00:49.7
At hinaharang kami kung kungan, punta ng bahura.
00:53.3
Mahihina na rin isda, ubos na sa kanila.
00:55.9
Wala mang bumuntot na China Coast Guard
00:58.4
sa paglalayag ng BRP Datu Pagbuwaya ng BFAR
01:01.6
para sa resupply mission na ito sa West Philippine Sea.
01:04.8
Bumungad naman sa atin sa loob mismo ng Recto Bank
01:07.6
ang ilang Chinese maritime militia vessels tulad ng nasa likuran ko
01:11.8
na hamak na mas malaki sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda.
01:16.2
Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga Pilipino
01:19.3
sa pangingisda sa karagatang ito o sa karagatang sakop ng Pilipinas.
01:25.4
Sumatotal, nasa labing-anim ang namata ang Chinese marines.
01:28.4
Sa ikalawang araw ng misyon noong April 21,
01:37.3
kasabay ng pagsikat ng araw, lumitaw ang isang barko ng China Coast Guard
01:41.9
at nagdeploy ng dalawang speedboat para silipin ang isinasagawang refueling ng BFAR.
01:47.8
Naglipat naman ng mga tauhan ang isa pa nilang speedboat
01:50.5
sa isang Chinese maritime militia vessel.
01:53.1
Ayon sa Philippine Coast Guard,
01:54.3
isa na naman itong proweba ng ugnayan ng China Coast Guard at Chinese militia.
01:58.4
Sabi rin ng ilang mangingisda,
02:01.6
may mga Chinese maritime militia vessels na hindi naman nangingisda
02:05.4
at tila naroon lang para magmasid.
02:08.5
Yan yan lang po, parang ano lang, babantay, ganyan.
02:12.1
Yan, mga nakapundo lang po yan.
02:13.8
Binabantayan sa sarili po natin yun, ano, dagat.
02:16.5
Kaya po nakaka-ano po minsan.
02:18.3
Nakakalungkot lang po isipin na atin po ito, pero nandyan po sila nang bubuli.
02:23.1
Samantala, nadismaya naman ang mga mangingisda mula Quezon, Palawan
02:26.8
na nawala ang ilang payawan.
02:28.4
Ito ang payaw o fish aggregating device na inilatag nila sa Ruzul Reef
02:31.6
na nasa ibabang bahagi ng Recto Bank.
02:34.3
Sa sampung payaw na kanilang inilagay, dalawa na lang ang dinatnan ng BFAR.
02:39.3
Kasama ang ilang BFAR personnel, sumakay ng rubber boat ang news team
02:43.1
para makalapit sa isang payaw.
02:45.4
Nagsisilbing tirahan ng mga maliliit na isda ang payaw,
02:48.6
kaya nilalapitan ng mas malalaking mga isda na naghahanap ng makakain.
02:52.9
Nagsagawa rin ng maritime patrol ang BFAR sa isang sandbar sa Ruzul Reef
02:57.1
para inspeksyonin ang may mga isda na nilalapitan ng may mga isda na nilalapitan.
02:58.4
Kung ito ba ay natural o tinambakan lang?
03:01.3
Bagamat wala pang assessment ang BFAR kaugnay sa mga corals,
03:04.9
wala naman itong nakitang problema sa estado ng marine biodiversity sa lugar.
03:09.5
Ayon sa BFAR, patuloy itong magsasagawa ng pagpapatrolya sa Recto Bank
03:13.7
para maiwasan ang mga insidente ng illegal fishing
03:16.9
o posibleng pagtatayo ng mga iligal na estruktura.
03:20.7
Lalo na at mayaman pa naman sa oil at natural gas ang bahura.
03:24.9
Andrea Taguines, ABS-CBN News.
03:28.4
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan
03:31.6
mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
03:35.3
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:40.8
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:58.4
Thank you for watching!