Close
 


Pakikiramay sa pagkamatay ni dating Senador Rene Saguisag, bumuhos | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bumuhos ang pakikiramay sa pagkamatay ng dating senador na si Rene Saguisag. Pumanaw ang human rights advocate kahapon sa edad na 84. #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere šŸŒ https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa balitang pambansa, umabot na sa 103 lugar sa bansa ang isinailalim sa State of Calamity dahil pa rin sa patuloy na epekto ng El NiƱo.
00:10.5
Ayon sa Task Force El NiƱo, humigit kumulang 2 milyong tao na ang apektado ng matinding tagtuyot.
00:17.5
Kabilang sa mga napupuruhan ng mga probinsya ng Antike, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindano del Sur at Occidental Mindoro.
00:24.5
Nakatoon daw ang pansin ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na nasa State of Calamity.
00:31.3
Sa ngayon pumalo na sa halos 4 na bilyong piso ang halaga ng pinsala ng El NiƱo sa sektor ng agrikultura.
00:39.7
Nakikitang mararamdaman pa ang matinding tagtuyot hanggang sa Mayo o sa Hunyo.
00:46.6
Ipinatitigil naman ang Department of Migrant Workers o DMW ang pagtatalaga ng mga Pilipinong marino sa mga foreign vessel
00:53.9
na dumadaan sa Red Sea at Gulf of Aden.
00:57.2
Yan nga ay matapos i-deklarang war-like zones ng International Transport Workers Federation at International Bargaining Forum
01:04.4
ang mga nasabing karagatan.
01:08.1
Sa kautusan ng DMW, obligadong mga licensed manning agency na pumirman ang kasulatan
01:14.0
para tiyaking walang Pinoy seafarers na dadaan sa mga nabanggit na sea lane.
01:18.7
Kailangan din nilang magsumiti ng detalyadong itinerary bago magtalaga ng tauhan.
01:23.9
Ngayon daw nitong protektahan ang mga Pilipinong trabahador.
01:29.3
Bumuhos naman ang pagkikiramay sa pagpanaw ng dating senador at human rights lawyer na si Rene Sagisag sa edad na 84.
01:37.7
Kilala si Sagisag sa pagtatanggol niya sa mga biktima ng martial law bago nanalong senador pagkatapos ng EDSA Revolution.
01:45.5
Isa rin siya sa Magnificent 12 na bumotong alisin ang mga base militar ng Amerika sa Pilipinas noong taong 1991.
01:53.9
Ayon sa anak ni Sagisag na si Rebo, nakasama ng kanyang amang ilang kaana, kaibigan at mga supporters sa mga nagdaang buwan.
02:02.0
Naramdaman daw nito ang respeto at pagmamahal sa mga huling sandali bago ito pumanaw.
02:10.3
Ikinababahala naman ng isang grupo ang umano'y girian sa loob ng Government Service Insurance System o GSIS.
02:17.7
Yan nga ay matapos pumutok ang balitang na pilitan daw si GSIS President and General Manager,
02:23.9
Jose Arnulfo Veloso, na bitiwan ang planong maglagak ng 100 million US dollars o 5.7 billion pesos sa investment fund.
02:33.2
Bigo kasi siyang maipagtanggol ang plano, particular sa isa sa mga kumontra rito na si dating ombudsman at ngayon GSIS Board Member, Mercedes Gutierrez.
02:45.3
Balaksana ni Veloso na ilagak ang bilyon-bilyong pisong investment sa New Berger Burman Credit Opportunities Fund,
02:53.9
pagmamayari ng Lehman Brothers.
02:56.1
2008 nang ma-bankrupt ang Lehman Brothers sa gitna ng matinding financial crisis sa Estados Unidos.
03:03.2
Sa panayam po ng programang ito ay ginitinidating Courage National President Ferdinand Gaite
03:08.1
na dapat maayos ang gusot sa loob ng GSIS dahil baka maapektuhan nito ang mga benepisyaryo.
03:18.0
We will demand accountability dito sa board na ito.
03:21.8
Ang purpose ng fund ng GSIS,
03:23.9
ay para sa benefits ng mga empleyado.
03:27.0
And technically, yung mga government employees and the retirees are the owners of the fund.
03:32.4
Ang problem, wala nga kaming tinig.
03:34.5
Mananawaga kami sa mga kongresista at mga senador na investigahan in need of legislation itong nangyayari sa GSIS.
03:45.8
Yan nga po ang tinig ni dating Courage National President Ferdinand Gaite.
03:51.1
Kinukuha po ng aming istasyon at programa.
03:53.9
Ang paning ng GSIS pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang tugon ukol sa issue.