Close
 


Payong Kapatid: Panganay struggles | Gud Morning Kapatid
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#GuMKPayongKapatid | Masarap anilang maging panganay dahil pwede kang mag-unli utos. Pero paano kung si panganay, kailangan biglang magpaka-nanay o tatay? #GudMorningKapatid #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 11:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kapag panganay, otomatik na kaagapay ni nananay at tatay.
00:11.8
Mulayan sa gawaing bahay hanggang sa paggabay sa mga nakababatang kapatid.
00:17.9
Pero mahirap kung ang responsibilidad ng magulang tuluyan ng ipinasas sa panganay.
00:23.0
Yan ang sitwasyon ni Frizel na tumatayo ng nanay sa tatlo niyang nakababatang kapatid.
00:30.5
Si Frizel na ang nagpapaaral at nagtutusto sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang mga kapatid.
00:37.4
Three years, four years ago po, dun po ako nag-start mag-provide for my siblings po.
00:46.3
So yung mga father po nila is may kanya-kanya na pong family.
00:50.7
And then yung mother po kasi namin is, kumbaga parang ako po yung mother ko po is parang tinanong,
01:00.0
nalikuran na po ako and sila po.
01:06.2
Aminado si Frizel na hirap siyang pagsabayin ang pag-aaral at pagkatrabaho.
01:11.6
Sinasabi naman ng father ko na parang hindi mo naman sila responsibilidad,
01:18.2
bakit ikaw ang nagpapaaral.
01:21.2
Pero sa sarili ko kasi talaga,
01:24.4
pinaka-importanting tao yung mga kapatid ko sa akin na gusto kong makita silang okay,
01:28.7
gusto kong makita sila na makapagtapos.
01:32.9
Aminado si Frizel na maraming beses na siyang napagod.
01:36.3
Pero hindi raw niya magawang tumigil.
01:39.3
Totoo yung iniisip ko na pag tumigil ako, paano sila?
01:43.1
Yun yun, palaging paano sila?
01:45.4
Pero gusto ko palaging ipakita sa kanila na may isang tao na lumalaban para sa kanila.
01:52.6
So kahit anong pagod, kahit anong hirap, sila talaga yung dahilan.
01:58.7
Payo ng eksperto, dapat matutunan ni Frizel na ipagbuni ang kanyang achievements, maliit man o malaki.
02:07.2
Importante yun kasi yun ang bubuo ng pagkatao o yung self-esteem mo,
02:11.8
yung paniniwala mo sa iyong sarili.
02:15.0
And at the same time, yung self-efficacy, yung paniniwala mo sa iyong kapasidad
02:18.7
na maaaring makatulong para maging springboard for the next day.
02:22.5
Thank you.
02:23.5
Thank you, baby.
02:27.8
I love you.
02:28.7
I love you, baby.
02:31.8
Naku, si Frizel.
02:34.2
Ang dami siguro nakaka-relate ni Frizel.
02:38.0
Pero hindi lahat ng panganay, hindi lahat ng mga sitwasyon na ganyan, actually,
02:43.0
parang ganyan ka, sabihin na nating, severe?
02:46.9
Kasi parang wala na, grabe rin yung binubuha niya.
02:50.9
At tatanong ko yung mga, nandito mga panganay, ito ba ay something that you can relate to?
02:56.5
Yung mga panganay.
02:57.0
Ah, mga panganay talaga.
02:58.1
Ay, naku, yung mga panganay talaga.
03:00.2
Wow!
03:01.2
Wow!
03:02.1
Ikaw bilang munso.
03:03.3
Alam mo, ikaw makutosan.
03:06.3
Ikaw ang dakilang utusan.
03:08.0
Ah, hindi.
03:08.9
Nay, tayo.
03:10.1
O, lalaki.
03:11.1
Sumbo.
03:12.0
Dakilang sumbo.
03:13.0
Meron.
03:14.2
Kaya di ba sabi nga kanina, naan yun, pwede kang magutos, ikaw ang boss.
03:17.8
Pero lahat ng responsibilidad.
03:19.2
Pero ako kasi, mami, palagay ko ang pagiging panganay is actually an honor.
03:23.9
Pag ikaw ang una kasing anak, ikaw ang tagapagbibigay.
03:27.0
Lala ng bandera ng pamilya ninyo.
03:29.6
Ikaw ang tinitignan ng lahat ng ibang mga tao, mga pamilya, kaibigan, at mga nakakilala sa magulang mo.
03:35.6
Kasi, sabi nila, di ba, ang mga anak daw natin ay pinapalaki natin.
03:40.4
Pero ako, naniniwala ako na ang mga anak natin ang nagpapalaki sa atin.
03:44.1
At kapag panganay ka, kapag may opportunity kang tumulong sa pamilya, I think kung bukal sa loob mo, you should do it.
03:54.4
Pero, hindi ito obligasyon.
03:57.0
Para sa akin.
03:57.9
Kasi si Kap, hindi ko inuobligay yan.
04:00.4
Lagi ko sinasabi sa kanya, anak, alam mo ba, napakaswerte mo dahil hindi ka tahinihingan ng kahit na ano para paarali ng mga kapatid mo.
04:08.9
Si Kap na panganay mo.
04:09.6
Si Kali, oo.
04:10.4
Kali na panganay mo.
04:11.1
Pero ako kasi, mami, I started working at 12 years old.
04:15.7
Nagkaroon ako ng kapatid na may leukemia.
04:18.1
Tulong-tulong kami.
04:19.4
Kasi hindi naman pwedeng tatay ko lang ang gagawa niyan, or nanay ko lang.
04:23.4
At dahil panganay ako, nakita ko yun na, parang I brought it upon myself.
04:27.0
At na, ay kung pwede ako, kasi kinuha kong artista, mami eh.
04:30.1
Na-discover ako, ganun siya eh.
04:31.9
Tapos naisip ko, ay kung ang Diyos nga ay gumagawa ng paraan para mabigyan ako ng oportunidad,
04:37.1
huwag ko yung sayangin para makatulong sa pamilya.
04:39.8
But again, iba yun.
04:42.1
Kasi iba-iba ang circumstances ng mga tao.
04:44.8
Pati sa kay Rizel, sa kanya kasi merong paglisan yung kanyang ina, diba?
04:52.5
So, matic na parang kailangan niya talagang gawin.
04:56.0
Pero sa akin,
04:57.0
I'm sure naman ang nanay at tatay ko, hindi naman nila din ako gustong obligahan.
05:01.8
Pero ako na yun.
05:03.4
Kapag panganay ka, may instinct ka na tumulong.
05:06.6
Instinct sa'yo na maging protective sa mga kapatid ko.
05:09.9
Kung anong meron ako, dapat meron sila.
05:13.1
Ganun ako.
05:14.1
May instinct ka ba?
05:15.6
Oo, meron, meron.
05:18.0
Actually, in fairness naman kay Justin, nakikita natin niya pag daladala niya dito yung kanyang bunsong kapatid.
05:23.7
At saka mapamilya siya talaga, mami.
05:27.0
Yes.
05:27.8
Pero mahirap, of course, diba? Mahirap talaga.
05:31.0
Pero wala, parang feeling ko kasama din yun sa kultura dito sa Pilipinas na tulungan, as the impulse said, no?
05:37.6
Yes.
05:38.8
And yun, parang ako din, working student din ako.
05:42.1
I worked my way through college, ganun.
05:45.4
Commercials din ako nung bata ako, diba?
05:47.5
So parang meron ko sa sariling spending power kahit pa paano, diba?
05:51.9
Minsan tulong-tulong din, diba?
05:53.7
But, yun, tulungan.
05:55.1
Tulungan.
05:56.1
Oo.
05:56.6
And it's in your nature din, eh.
05:59.2
Ako naman, mami, kasi medyo iba yung dynamics ko siguro because for a long time I was an only child bago ako nagkaroon ng mga kapatid.
06:05.8
So super agree ako sa sinabi ni Mama Dims na innate na sa amin yun.
06:09.9
Pag naging, bigla ka nagkaroon ng kapatid, bigla kakaroon ka ng, gusto mo maging protective, ano?
06:13.9
But growing up also, just to share my story, I started working also very young.
06:18.6
Twelve pa lang nag-audition na ako.
06:19.9
But that's because I also wanted to help my family naman at that time kasi hindi kami masyadong well off.
06:25.4
So more of, yung pressure.
06:26.6
Hindi ko man nakuha sa pagpaalaga sa mga kapatid in a financial matter, in a financial way.
06:31.6
More of, nafeel ko naman yun sa family ko, sa parents.
06:34.9
Pero just the same, yung saludo ko kay Fricel.
06:38.5
Kasi, diba, para i-devote mo na yung buhay mo para sa mga kapatid mo.
06:42.7
And she had to step up, eh.
06:44.4
And she knew she had to do it.
06:45.7
And bukal yun, open yun sa loob niya, diba?
06:48.1
Yun yung dun ako saludo sa kanya.
06:50.0
Kasi dun makita yung tunay na pagmamahal bilang na mga ate at kuya.
06:53.6
Basta sabi ko lang, kahit hindi ka panganay, makakarelate ka pa rin.
06:56.6
Oh, yes.
06:58.0
May hesitancy, Jess. Huwag ako.
07:00.5
Definitely, especially sa panahon ngayon.
07:02.1
Kasi nung kabataan namin, sa totoo lang, dahil maganda rin yung spacing ng pagkakapanganak sa amin.
07:07.7
Pantay-pantay ng tigta-tatlong taon.
07:09.9
So nagkakaroon ng pagkakataon maging bata yung bawat isa sa amin.
07:13.5
Na meron kang gabay na mas matanda sa iyo.
07:15.7
Nang three years old.
07:17.5
At the same time, walang pressure doon sa mga kapatid ko.
07:21.0
Ibig sabihin, na-enjoy ko yung pagkabata ako.
07:23.4
Dahil at kanya may may kanya-kanyang linya sa buhay.
07:25.9
Na sinusuportahan ng mga magulang namin.
07:28.1
Pero hindi lahat ng pamilya, gano'n ang kinalalakyan o ang karanasan.
07:32.6
Pero ngayon, mas nararamdaman ko yung pressure ng pagtulong sa pamilya.
07:36.1
Only because ako na lang din yung walang pamilya.
07:39.0
So lahat sila, meron ng ibang tao na iniintindi.
07:41.5
So ako yung sarili ko lang, sa totoo lang, yung iniintindi ko.
07:44.6
So ibig sabihin, mas ngayon ko nararamdaman yung pressure na ako naman yung susuporta doon sa pamilya ko.
07:50.2
Doon kayo sa lahat kayo, it seems na meron pa rin kayong choice.
07:54.7
Pero marami katulad ni Pfizer na parang wala ng choice.
07:58.3
So siguro yun ang unang kailangan malaman, kailangan pag-usapan nyo,
08:01.0
tingnan nyo kung meron ba talagang parang meron tayong konting spasyo dito
08:04.7
na pwede ako mamili na hindi ko gawin ng ibang bagay, gawin ko ibang bagay.
08:09.1
So yung communication, diba?
08:10.7
At kung alam mong may space, set yung boundaries mo.
08:13.7
Yung parang pwede bang itong panahon na to or weekend, sakin lang.
08:17.2
Kung kaya, diba? Kailangan lang talagang alamin kung meron talaga.
08:21.0
At kung hindi naman, dito na tayo papasok doon sa sinasabi nilang,
08:24.7
radical acceptance, tingin ko yun ang kailangan ni Frizel.
08:29.3
Kasi ito na, itong realidad niya, wala na tayong magagawa sa sitwasyon niya.
08:35.8
At siguro marahil marami din ang may mga ganyang sitwasyon.
08:39.1
It is what it is, sabi nga nila, ito na ang reality, paano tatanggapin.
08:44.2
Yun ang kailangan kasing gawin, tatanggapin mo.
08:46.6
So ito na siguro yung mga payo, paano ba ginagawa yung radical acceptance,
08:51.4
yung mga bagay na wala ka ng control, nandiyan na.
08:54.7
So siguro ang unang paalala is, unang-una isipin mo yung mga bagay,
08:58.9
may konti pa naman na pwede mong control yun, diba?
09:01.4
Halimbawa, kay Frizel, ako na lang, diba?
09:05.0
Since akong bahala sa inyo, di ako mamimili na lahat ng susuotin mo yun,
09:10.0
ng kakainin natin, these things that kind of still give you some power, diba?
09:14.5
Para naman kahit pa pano ma-appreciate mo pa rin,
09:18.7
na meron pa rin mga ibang bagay na pwede ikaw ang magdikta, diba?
09:24.7
Diba? Konting pakonsuelo.
09:27.2
And then, pangalawa, yung radical acceptance means talagang iintindihan mo nga
09:32.2
that there is nothing that you can do about the situation.
09:35.9
So maybe you want to also focus on gratitude.
09:39.3
Kasi meron na mga bagay na pwede ka pa rin magpasalamat pa.
09:43.7
Buhay ka, healthy ka, diba?
09:46.9
Kayang-kaya mong, ayun, katulad ni Frizel, meron siyang means na kahit pa paano,
09:54.1
magsustosan yung mga bata.
09:55.5
At saka, mahal na mahal siya nung mga bata, diba?
09:58.2
Nakita naman natin yung balik sa kanya ng ano.
10:00.7
And number three, and this is always naman paalala sa lahat ng mga,
10:05.1
merong mga pinagdadaanan, yung self-care.
10:07.7
Do not forget talaga yung sarili mo.
10:11.8
Walang excuse na hindi mo, or huwag kang magigilty na bigyan ng panahon yung sarili mo.
10:16.8
Kasi hindi mo talaga maalagaan yung mga taong nakapaligid sa'yo,
10:20.8
yung mga responsibilidad mo kung hindi mo intindihin yung sarili.
10:24.1
Pero Frizel, grabe, talagang saludo kami sa'yo at maraming maraming salamat sa'yo
10:29.8
dahil isinare mo yung kwento mo sa akin.
10:33.5
Saludo kami sa'yo.
10:34.6
Gusto ko yung sabi ni Mami, huwag mag-guilty kung yung sarili mo yung aalagaan.
10:39.4
Try mo din.
10:41.2
Try mo din, Justin.
10:45.1
Mga kapatid, Chiki Roa Puno po.
10:47.9
Simula ng inyong araw na puno ng impormasyong kapakipakinabang.
10:51.5
Sama na sa isang makabuluhang bumaga.
10:54.1
Tumutok at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.