Close
 


Legal Ba ‘To?: Pamamahiya at pananakot sa umutang I Gud Morning Kapatid
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#GuMKLegalBaTo? I Palobo nang palobo na ang iyong utang, tuloy-tuloy na pananakot at pamamahiya pa sa paniningil ng bangko ang iyong nararanasan! Ang mga batas kaugnay niyan, idinetalye ni Atty. Buko dela Cruz. #GudMorningKapatid #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Utang sa bangko na hindi nabayaran, humantong sa harassment.
00:06.6
Yan ang problemang inilapit sa atin ni Roseanne Santiago.
00:30.0
Ang mga pulis na nagpunta rito sa bahay at meron daw pong nagre-reklamong abugado laban sa akin sa kasong Article 315.
00:38.0
Higit pa ron sila po ay tumatawag sa dati kong pinagtrabahuan at sinasabing ako po ay ipopost sa isang newspaper
00:47.2
pag hindi po ako nakapagbayad ng utang ko at nagsisend pa po sila ng email tungkol po rito.
00:54.8
Pakiramdam ko po ako po ay sobrang naharas at nais ko po sanang malaman.
00:59.5
Kung legit po ba o legal po ang prosesong pinagdaanan ng paniningil sa akin ng utang. Salamat po.
01:07.3
Ang utang po ay dapat bayaran. Pag hindi nabayaran, ito'y maaari ka talagang makasuhan.
01:14.1
Pero wala pong nakukulong ng dahil lamang sa utang.
01:17.8
Civil case lamang po ang kaso para masingil ang pautang.
01:22.4
Kaya hindi po legal ang pananakot para lang masingil ang pautang.
01:27.6
Ayon sa Securities and Exchange Commission Memo Circular No. 18, dated August 19, 2019,
01:35.6
ipinagbabawal ng batas ang mga sumusunod na unfair collection practices o yung mga abusadong pamamaraan ng paniningil ng utang.
01:46.3
Una, yung pananakot na sasaktan o gagawa ng masama ang may utang o ang kanyang pamilya o sisiraan siya sa publiko.
01:54.0
Pangalawa, pagmumura, pangwabastos at paggamit ng hindi kanais-nais na mga salita laban sa may utang.
02:01.3
Pangatlo, pagsasap publiko ng detalya ng kanyang utang upang hiyain ang may utang.
02:07.3
Pangapat, pagpapanggap at panluloko na kunwari ay may kasong kriminal tulad ng estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code
02:17.2
o yung may warrant of arrest na raw yung may utang kahit hindi naman totoo.
02:21.9
Ang sino mong mapatunayan na gumagawa ng ganitong mga unfair collection practices o mga abusadong pamamaraan ng paniningil ng utang
02:31.8
ay maaaring makasuha ng paglabag sa Sec Circular No. 18-2019
02:38.5
at maparusahan ang mga bangko o lending institution or companies ng multa na P25,000 hanggang P1,000,000
02:47.1
at pagkansila ng lisensya ng bangko o lending company.
02:51.9
Maaaring din pong makasuhan ang taong gumagamit ng pananakot o panluloko para makasingil ng pautang ng kasong grave threat sa ilalim ng Article 286 ng Revised Penal Code
03:03.8
o grave coercion sa ilalim naman ng Article 287 ng Revised Penal Code.
03:09.3
Ito'y may parusa ng multa ng mula P50,000 hanggang P100,000 o pagkakulong mula 6 na buwan hanggang 6 na taon ayon sa hatol ng hukuman.
03:21.9
Kung kayo po ay may nais ikonsulta sa inyong lingkod, ifollow lang ang Facebook page ng Good Morning Kapatid.
03:28.2
Mangyaring i-private message po ninyo sa akin ang inyong mga katanungan. Maraming salamat.
03:34.1
Mga kapatid, Justin Quirino po. Masayang kwentuhan at makakulaang informasyon ang hatid namin tuwing umaga.
03:40.2
Kaya mag-subscribe na at mag-follow sa social media pages ng News 5.