Close
 


THINK ABOUT IT by TED FAILON - 'Dynasties are Forever?' | #TedFailonAndDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito. Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon, bigo pa rin ang Kongreso na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties. Mga dinastiya na ayon sa mga pag-aaral ay pumipigil sa progreso ng mga mamamayan. Paano nga naman papasa ang batas na nagbabawal sa mga dinastiya kung ang Philippine Congress ay pinamamahayan ng mga matatabang dinastiya o fat dynasty? Paano susunod sa utos ng konstitusyon ang mga mambabatas kung ang interes ng kanilang mga pamilya ang tatamaan? Think about it. #ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 20:29
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Agad na pong aprobado sa House of Representatives ang panukala na siyang magsusulong ng pagbabago sa tatlong economic provisions sa ating konstitusyon.
00:13.7
Sa pamagitan po ng pagkakabit ng mga salitang unless, otherwise, provided by law,
00:20.5
pero inaasahan po na dali ang magsasabatas ang Kongreso kung ito nga po'y makakalusot sa isang plebisito ng mga regulasyon para sa pagbubukas sa mga dayuhang mamumuhunan sa ating public utilities, educational institutions, at sa advertising.
00:43.9
Naipanik na nga po sa Senado ang resolusyon ng Kamara.
00:48.2
At malamang ito rin po ay,
00:50.5
lulusot sa kanila.
00:53.3
Wala po namang duda.
00:55.9
Dahil kung gusto,
00:58.0
laging may paraan.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.