Close
 


Gatchalian sa umano'y pagbabayad ng P2M ng ilang Chinese students sa Cagayan para sa degree
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dapat maimbestigahan ang umano’y pagbabayad ng P2 milyon ng ilang Chinese students sa mga unibersidad sa Cagayan para makakuha ng diploma o degree, ayon kay Sen. Win Gatchalian na siyang Vice Chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education. Ikinababahala rin ng senador ang maaring epekto nito sa reputasyon ng tertiary education sa Pilipinas. “Gusto kong maimbestigahan ‘yan kung talagang totoo o hindi, ‘yung ganyang allegation. Makakasira ‘yan sa reputation ng ating mga colleges, lalo na 'yung public colleges natin. 'Yun ang aking iniingatan, ‘yung reputasyon ng ating tertiary education institutions,” saad ng senador sa Kapihan sa Senado, April 25. Hinimok naman ni Gatchalian ang marami na huwag i-generalize ang pagpunta ng ilang dayuhan gaya ng mga Chinese na nagpunta rito para mag-aral, kasunod ito ng pahayag ni civi leader Teresita Ang See sa tila umiiral na “sinophobia” at diskriminasyon sa mga dayuhang Chinese. “‘Yung mag-aral ka rito, para sa akin kont
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Tukol naman dito sa influx of Chinese students, have you filed the resolution?
00:04.3
Yeah, ito lang. Kaka-assign ko lang yung resolution, i-file na.
00:07.9
At akin naman, ang aking pananaw dyan,
00:13.0
yung alleged 2 million na ibinibigay para makakuha ng diploma, dapat maimbestigahan yan.
00:20.6
Una-una, marami tayong mga kababayan, including ourselves,
00:24.0
na nagsunog ng kilay ng apat na taon para makakuha ng diploma.
00:30.0
Marami tayong mga estudyante ngayon, naghihirap para makuha ng diploma.
00:34.3
Hindi porket may 2 million ka, makakuha ka ng diploma.
00:37.7
So, gusto ko maimbestigahan yan, kung talagang totoo o hindi yung ganyan na allegation.
00:44.8
Pero makakasira yan sa reputation ng ating mga colleges, lalo na yung mga public colleges natin.
00:50.6
Yun ang aking iniingatan, yung reputation ng ating mga tertiary education institutions.
00:56.6
Dahil maganda yung reputation ng ating tertiary education institutions,
01:00.0
maraming mga iba-ibang nationalities pumunta dito mag-aral,
01:06.0
dahil una-una, natututo sila na mag-English.
01:09.6
Pangalawa, alam nila maganda yung quality ng ating tertiary education institutions.
01:13.7
Pero kung may mga ganitong allegations, dapat tignan mabuti.
01:17.2
And willing po ba na mag-testify yung nagsagawa ng gano'ng allegation?
01:22.3
While hindi pa namin nakakausap, pati yung mga schools willing.
01:26.1
Nakausap ko yung mga ibang mga schools at willing silang mag-testify.
01:30.0
Nag-issue sila ng very strong statement against that allegation.
01:33.4
So maganda rin na mapag-usapan mabuti yan.
01:36.3
At on record, ihayag nila yung kanilang nalalaman para mawala yung ganyang hindi magandang mga balita.
01:45.7
Itong si Teresita Angsinaman, parang sabi niya,
01:48.8
xenophobia and racism daw yung mga comments regarding dun sa influx ng Chinese students.
01:54.6
Parang minasama niya yung mga ganong negative.
01:56.4
Ako, let's be fair.
02:00.0
Kung marami sa mga ibang bansa, ang tingin sa ating mga colleges and universities, napakaganda ang quality.
02:07.5
E totoo naman. Marami tayong mga private universities na magagaling.
02:12.4
Isa na dyan, for example, sa Valenzuela ay Fatima University.
02:16.6
Kilala sila sa nursing at medical school nila.
02:19.9
At maraming mga developing countries dito nag-aaral.
02:25.6
Pakistani, Chinese, Indian.
02:30.0
Even Taiwanese. Dati, may mga nakakasulubong kami sa Valenzuela.
02:35.7
So, hindi natin pwedeng i-generalize na dahil pumupunta itong mga ibang nationalities sa atin,
02:43.9
eh kaagad may masamang nangyayari.
02:46.6
Ang masama sa akin ay yung pagbibigay ng 2 million para makakuha ng diploma.
02:52.7
Pero yung mag-aaral ka dito, para sa atin, malaking contribution yan sa ekonomiya.
02:58.0
Tawag ko nga dyan, education tourism.
02:59.9
Dahil pagpunta nila dito, magbabayad sila tuition fee, kukuha sila ng dormitory, kakain sila dito, pupunta sa mall.
03:08.2
May mga gumagasto sila at may mga kabutihan na maibibigay sa atin.
03:14.8
So, dapat mag-ingat tayo na mag-pinpoint ng isang nationality na makakasira sa ating national security.
03:25.1
Mag-ingat tayo dyan dahil makakasira yan sa ating higher education institution.
03:29.9
So, sir, anong committee ang appropriate to handle?
03:32.9
Higher education.
03:33.9
So, Sen. Chizis Cotero.