Close
 


Heatwave sa Pilipinas? | ABS CBN News
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ano nga ba ang heatwave at nararanasan ba ito ng Pilipinas ngayon? Alamin 'yan at ang ilan pang ulat panahon ngayong Abril 25, 2024 kasama si ABS-CBN News Resident Meteorologist Ariel Rojas sa video na ito. For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #BreakingNews #LatestNews #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 10:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Meron po ba tayong naranasan na heatwave sa ngayon?
00:04.8
Ang definition po ng heatwave ay yung napaka-init, abnormal na init na naranasan over 2 or more days.
00:13.2
Yun po yung technical definition ng National Weather Service ng Amerika.
00:18.1
Heatwave, pag abnormal na yung init, more than 2 days ay ano na yun, heatwave.
00:23.1
Pero po, yung World Meteorological Organization, ang sasabi naman niya, para masabi na may heatwave,
00:33.7
kailangan sa isang lugar, mas mataas po ng 5 degrees Celsius yung init dun sa normal na init sa lugar for 5 or more consecutive days.
00:46.1
So halimbawa, dito po sa Metro Manila, ang normal po na init dito na mataas na temperatura,
00:53.1
kapag Abril sa Quezon City, 34.9 degrees Celsius.
00:58.3
Yan po yung average ng init dito kapag April for the past 30 years.
01:04.4
So ibig sabihin, para masabing may heatwave sa Metro Manila,
01:08.6
kailangan mo laging may temperature ka na 39.9 degrees Celsius.
01:12.1
Sobrang init na po nun.
01:14.6
So based po sa definition na ito, hindi po tayo nakakaranas ng heatwave.
01:19.3
Pero hindi ibig sabihin ay hindi na mainit.
01:22.2
Kasi siyempre, 34.9 to no.
01:25.8
Diyan po sa Pasay City kahapon, 37.9 degrees Celsius.
01:30.1
Mas mainit pa sa lagnat ng tao yung natalang temperatura sa Pasay.
01:34.0
Sa Science Garden, 36.3.
01:36.8
Halos papunta na rin po sa 37.
01:38.8
So itong mga temperaturang ito, maiinit na.
01:41.9
Hindi man siya masasabi or pasok sa definition ng heatwave, mainit pa rin po yung panahon.
01:46.9
Kaya todo po yung paalala sa atin ng mga health experts,
01:50.7
yung mga kailangan gawin para,
01:52.2
mga malabanan itong init ng panahon.
01:54.8
Kung sa bahay niyo po, komportable,
01:57.1
hindi po gaano mainit,
01:58.8
kung hindi din mo naman kailangan lumabas,
02:00.7
sa bahay na lamang po manatili.
02:02.5
Kaya lang, siyempre, di naman tayo lahat,
02:04.4
may bahay na komportable, may aircon, may electric fan, malalaki yung bintana.
02:09.2
Yung iba sa atin, or marami sa atin, may mga bahay na sobrang init,
02:13.0
tapos dikit-dikit pa kuminsan yung bahay natin,
02:14.9
or sa apartment complex, sa iba ding apartment or bahay,
02:19.9
so umaapot din sa atin yung init.
02:22.2
So yun, kung lalabas naman po,
02:24.2
ang gusto nila, ang sabi ng mga eksperto,
02:26.1
magsuot ng light colored na damit,
02:27.8
mga puti, gray, o mga,
02:30.2
basta light colored, hindi po kagaya ng suot ko,
02:32.3
medyo dark blue ito.
02:33.7
Nag-aabsorb po ito kasi ng init,
02:35.8
so medyo nakakadagdagta siya sa init na nararamdaman ng katawan.
02:40.0
And then, of course, kailangan magbaon lagi ng payong,
02:43.1
yung lagi ko pong sinasabi,
02:44.4
job you, just always bring your umbrella.
02:46.5
So, essential po ang payong ngayong napakainit ng panahon.
02:50.4
And then, of course,
02:51.3
nadalasan natin yung pag-inom ng tubig.
02:53.4
Dapat lagi tayo may baon na tumbler,
02:56.5
ayan, para makakainom tayo anytime.
03:00.2
And also, kung meron po tayong mga kailangan gawin sa bahay,
03:04.3
baka pwedeng gawin yung mabibigat na gawain
03:06.9
kapag hindi nakainitan kapag sa umaga,
03:10.2
or sa gabi kapag medyo mababa na yung temperatura
03:12.3
para hindi makadagdag sa init na nararamdaman ng katawan.
03:16.3
Ngayon pong tag-init, familiar tayo,
03:18.1
lagi na babanggit ko at ng ibang media outlets,
03:21.3
ng pag-asa,
03:22.4
yung sinasabing heat index.
03:24.7
Yung heat index po,
03:26.1
ito po yung init na parang perceived,
03:29.7
nararamdaman ng katawan,
03:31.3
base po yun dun sa temperature.
03:33.2
Yung temperature po yung nasusukat na init
03:35.1
using a thermometer.
03:36.7
Yun po yung temperature.
03:38.0
So, on top of that,
03:39.5
may pampainit pang dagdag yung moisture,
03:42.1
yung alinsangan.
03:43.6
So, kapag puno ng tubig,
03:45.5
kapag malagkit itong hangin natin,
03:48.1
mas malagkit sa pakiramdam,
03:49.3
mas mainit yung pakiramdam ng loob ng katawan.
03:51.5
Yun po, na discomfort na yung nararamdaman natin,
03:54.7
yun yung sinusukat ng heat index.
03:56.9
So, hindi po init na nakakapaso yung heat index,
03:59.7
hindi mo siya mahahawakan.
04:01.3
Ito yung parang nararamdaman lang ng katawan.
04:03.3
And, nag-iiba-iba po yan kada tao.
04:05.7
May mga katawan, halimbawa ako medyo payat ako, no?
04:08.0
Iba yung nararamdamang init ng katawan ko.
04:10.7
May mga temperatura na pwede pang matolerate ng katawan ko,
04:14.2
pero depende pa sa ibang tao kung medyo, halimbawa,
04:16.7
may laman, or mas payat sa akin,
04:19.4
or di kaya kung may mga sakit po.
04:21.5
So, yun po yung parang ini-estimate lang ng heat index.
04:24.2
Ano ba yung nararamdaman?
04:25.5
Pakiwaring init na nararamdaman ng katawan.
04:28.5
So, pag sinabing halimbawa kahapon sa Cavite City,
04:31.8
48 degrees Celsius yung heat index doon,
04:34.5
hindi po yung nakakapasong init,
04:35.9
or parang nagpapakulo ka ng tubig tapos 48 degrees.
04:39.2
Hindi po yun ganon.
04:40.5
Yung katawan mo mismo ang nagasabi na parang sobrang malagkit,
04:45.3
may discomfort ako nararamdaman, mainit sa loob, yung pawis ko.
04:49.5
Medyo hindi na nakaka-evaporate.
04:52.5
Kasi po yung paraan ng pagpapalamig ng katawan ng tao,
04:55.5
yung pagpapawis.
04:56.5
Pag nag-evaporate yung pawis, lumalamig yung katawan.
05:00.5
So, kapag nagpapawis ka at hindi nag-evaporate,
05:02.5
nag-overheat yung katawan.
05:04.5
So, yun yung parang tinatry na i-measure ng heat index.
05:11.5
So, huwag po tayong masyadong mag-magulat sa mga mataas na numerong ito.
05:18.4
Of course, ang kailangan natin gawin yung mga paghahad ng nabag-ipo kanina.
05:21.5
Magsuot ng comfortable na damit, iwasang mabilad sa arawan,
05:24.5
magbao ng payong, and always hydrate.
05:27.5
So, itong mga ito po ay mga simple at mga practical na tips na sinasabi ng mga eksperto
05:32.5
na makakatulong para bumaba yung ating temperatura sa loob ng katawan
05:36.5
kasi nga sobrang inat at maalinsangan.
05:38.5
Ayun po.
05:39.5
For today, marami pang lugar ang makakaranas ng medyo mataas na heat index.
05:43.5
Pag 42 hanggang 51 degrees Celsius na heat index,
05:47.4
sabi po ng mga eksperto, nasa dangerous level na po iyan.
05:50.5
Ibig sabihin, delikado na, no?
05:52.5
Pag tuloy-tuloy pa yung exposure natin doon,
05:55.5
pagkababad sa ganyan kataas na heat index.
05:59.5
Depende po sa katawan ng tao, pwede nang mauwi sa heat stroke.
06:02.5
Mahihilo, mahihimatay,
06:04.5
or yung heat cramps naman, parang magkaroon ka ng pulikat,
06:08.5
tsaka yung heat exhaustion, parang mapapagod ka.
06:11.5
So, kaya nga po dapat iiwasan yung mabibigat na gawain.
06:14.5
May mga sa atin, may mga nagatrabaho sa atin,
06:16.4
na nasa arawan talaga, no?
06:18.5
Yung mga MMDA enforcers, yung mga street sweepers,
06:21.5
mga delivery riders.
06:23.5
O baka naman po pwedeng palitan nyo yung ino,
06:25.5
inyong mga sleeves, instead na black,
06:28.5
ano siguro, silver or white.
06:30.5
Pati yung suot, kasi nga pag maitim yung suot nyo,
06:32.5
nag-aabsorb po yan ng init,
06:34.5
mas nakakatagdag ng inat ng katawan.
06:36.5
Although, ang advantage po ng mga delivery riders,
06:39.5
ay nagmumotor sila, so may parang,
06:41.5
may ano ng hangin, may pagalaw ng hangin.
06:43.5
Pero kung kaya naman pong palitan ng black,
06:45.4
ng white, or ng silver na kulay yung
06:48.5
suot na long sleeves, tsaka yung arm sleeves,
06:50.5
baka naman mas makakatulong po.
06:52.5
Ayan, ano ba ba itidiscuss natin?
06:54.5
So, hanggang kailan po ba yung tag-init?
06:57.5
So, normally, itong Pilipinas,
07:00.5
tag-init natin mga March,
07:02.5
tapos umabot yan ng mga hanggang May.
07:05.5
So, mas iinit pa ba kung hanggang May,
07:07.5
ano pa lang ngayon, April 25, mas iinit pa ba?
07:10.5
Base po sa forecast ng pag-asa,
07:12.5
mas iinit pa, and usually, mas mainit talaga,
07:14.4
ang first two weeks ng May.
07:16.5
So, meron pa tayong mga tatlong linggo,
07:19.5
apat na linggo pa na medyo magtitiis pa tayo
07:22.5
sa mga pakainat na panahon.
07:24.5
But, pagsapit po ng second half ng May,
07:26.5
usually, mas dumadalas yung mga thunderstorms.
07:29.5
And ang thunderstorm po,
07:31.5
syempre pagulan niyan, no, kasi nga maraming
07:33.5
moisture, sobrang mainit,
07:35.5
aakyat po yung mainat na hangin sa langit,
07:37.5
dala yung moisture, magiging ula,
07:39.5
babagsak bilang thunderstorm. Nakakatulong po yan
07:41.5
kasi napapalamig na yung paligid natin.
07:44.3
Kasi yung lagkit, yung inet, tsaka yung alinsangan,
07:47.4
inakyat na sa taas, ginawa niyang ula, pinabagsak.
07:49.4
So, nabawasan yung lagkit natin at tsaka yung inet,
07:52.4
yung alinsangan natin sa baba.
07:54.4
So, yun po yung aabangan natin in the coming,
07:57.4
siguro mga second half ng May.
07:59.4
Ano po yung tanong natin?
08:00.4
Ayan, kailan po tag-ulan?
08:01.4
So, yung tag-ulan po, ang sabi ng pag-asa,
08:04.4
kasi ngayon, di ba, papahina po yung El Niño.
08:07.4
Yung El Niño, ang ginagawa,
08:09.4
mas nagiging tuyo yung panahon sa Pilipinas,
08:11.4
so, kaya mas kulang din yung ulan.
08:13.3
Kaya yung ating tag-inet,
08:14.4
mas mainat yung pakiramdaman at mas kulang yung ulan.
08:17.4
For the months of May and June,
08:20.4
posibleng po na mawala na yung El Niño,
08:23.4
papasok tayo sa tinatawag natin ng neutral condition.
08:26.4
So, pag neutral po, hindi El Niño at hindi rin La Niña.
08:30.4
So, yun yung parang normal na sitwasyon.
08:33.4
Pero ang sabi po ng pag-asa,
08:35.4
posibleng by July or sa second half po ng taon,
08:38.4
magde-develop po yung La Niña.
08:41.4
Ang nangyayari naman po sa Pilipinas kapag
08:43.4
may La Niña, ay mas nadadagdagan yung ulan natin.
08:47.4
So, meron na tayong ulan,
08:48.4
pero dahil may La Niña, mas madadagdagan yung ulan.
08:51.4
Mas nararamdaman po yung sobrang ulan
08:54.4
kapag La Niña sa last quarter ng taon.
08:57.4
So, hindi agad-agad magpaparamdam
09:00.4
yung napakaraming ulang dala ng La Niña.
09:03.4
Last quarter pa yan ng taon,
09:04.4
mga October, November, December.
09:07.4
Tapos, usually sa eastern part ng Pilipinas,
09:10.4
so, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol,
09:13.4
Eastern Visayas, Caraga, Davao,
09:15.4
doon mas nararamdaman yung mas maraming ulan.
09:17.4
So, sa atin sa western side, sa Metro Manila, Ilocos, Zambales,
09:22.4
medyo hindi gaanong dama.
09:24.4
Pero, mas mataas sa normal yung ulan natin.
09:26.4
Ang sabi po ng pag-asa, dahil developing itong La Niña,
09:30.4
posibleng ma-delay yung pagpasok ng tag-ulan.
09:34.4
So, bagamat patapos na yung El Niño,
09:37.4
yung epekto po niyan, medyo tuyu pa tayo for a little longer.
09:42.3
And posibleng ma-delay din yung pagpasok ng tag-ulan.
09:45.4
At kahit pumasok na po yung tag-ulan, mas konti pa rin yung ulan natin.
09:49.4
So, yun po yung babantayan natin.
09:51.4
Again, yung mainit na panahon, aabot pa ng second half ng May.
09:55.4
Meron pa tayong 4 weeks na maghihirap tayo sa mainit na panahon.
09:58.4
Pero yung ulan po, hindi agad papasok din kahit may pabuong La Niña.
10:02.4
Kasi ang epekto nga ng pabuong La Niña,
10:04.4
delayed po yung pagpasok ng tag-ulan at hindi agad uulan.
10:08.4
So, kahit maghabag at season tayo ng June, July, August,
10:10.4
ay hindi pa ganun karaming ulan.
10:14.5
Muli, pag La Niña po, sa last quarter pa ng taon,
10:18.5
darating yung inaabangan natin na mas maraming ulan.
10:21.5
At mas mararamdaman yun sa eastern part.
10:23.5
Ayun po.