Close
 


Arroceros Forest Park dinadayo ng mga gustong takasan ang init | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa gitna ng matinding init ng panahon, may ilang lugar sa siyudad na mas mababa ang temperatura dahil sa dami ng puno. Kaya naman muling lumutang ang kahalagahan ng tinatawag na green spaces para maibsan ang epekto ng patuloy na pag-init ng mundo. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Madalas magpalipas ng oras sa Aroceros Forest Park ang college student na si Justin.
00:06.5
Sa tindi nga naman kasi ng init ngayon, hindi uubra ang araw-araw na pagpapalamig sa mga mall dahil sa kaakibat nitong gastos.
00:14.7
Nakakapaso na po yung init kahit po sa mga sapatos. Nakakapaso na po siya.
00:20.0
Kahit nakapayong ka po kahit sa mga jeep, mainit po talaga.
00:24.5
Ang difference po nila is mas malamig dito kaysa dun sa mga open area.
00:31.1
Dito po parang magiging comfortable ka dito. Hindi katulad sa labas na kahit nakapayong ka, kahit nakaupo ka lang, mainit po.
00:42.3
Ang Aroceros Forest Park ang tinaguriang last lung o kaisa-isang natitirang gubat sa lungsod ng Maynila.
00:49.6
Sa kapal na mga puno rito, hindi na kailangan ng mga komplikadong instrumentasyon.
00:54.5
Para masabing mas presko talaga rito kumpara sa ibang lugar.
00:58.9
Base sa estimates ng weather app sa aking cellphone, ang temperatura sa barangay 653 sa Maynila ay 37 degrees Celsius.
01:06.5
Dito naman sa aking relo, ang temperatura sa barangay 659A kung saan matatagpuan itong Aroceros Park ay 34 degrees Celsius.
01:14.8
Mas mababa ng 3 degrees kumpara doon sa lugar na matindi ang pagkakabilad sa sikat ng araw.
01:21.6
Sa mapang ito ng Metro Manila,
01:24.5
ang mga lugar na maraming puno, ito yung mga dark green.
01:28.2
Kung ipapatong dito ang mapa ng temperatura, makikitang higit na mas mababa ang init sa mga lugar na maraming puno.
01:36.4
Kaya ganito na lang talaga kahalaga ang mga urban forests at green spaces,
01:41.3
lalot inaasahang patuloy pang tataas ang temperatura sa mga susunod na linggo.
01:46.1
Ang green spaces natin, including ang mga puno, halaman, sila ang mismong direkta na,
01:54.5
sumasalo ng init ng sinag ng araw.
01:57.8
So yung sinag ng araw, inaabsorb nila or dinedeflect nila.
02:03.3
So nababawasan yung init na nararamdaman natin dahil nga meron tayong canopy kumbaga na masisilungan.
02:12.3
Ang narecord natin kahapon ng 44 degrees Celsius, ito po ang pinakamataas ngayong taon na heat index sa saadad po ng Manila.
02:20.8
At inaasahan natataas po at aabot po ng 46 degrees.
02:24.5
So possible next week until second week ng May, makakaranas po tayo ng mga series ng matataas po na heat index po.
02:34.9
Hindi lamang po yan sa siyudad ng Manila, kundi sa buong NCR din po at sa buong Pilipinas po.
02:39.6
Bukod sa Manila, damarin na mas presko sa esplanad ng Iloilo City kumpara sa ibang bahagi ng lungsod na simentado.
02:47.5
Kaya balak ng lungsod na paramihin pa ang kanilang green space.
02:51.3
All projects will give us...
02:54.5
...the environmental impacts also.
02:57.9
To my ticket, I mean the environmental impacts in the city, especially for the urban heat situation.
03:03.6
We had our urban heat inventory.
03:08.7
And on that inventory, we were able to identify the areas wherein talagang mataas yung heat index.
03:17.9
Yung esplanad area, mababa.
03:21.2
Because of the trees, because of the mangroves.
03:24.5
So, definitely it changes the landscape.
03:30.4
Matagal na baliwala ang kahalagahan ng mga puno kasabay ng pag-unlad ng mga siyudad.
03:36.5
Mahalaga na maunawaan ang malaking papel na gagampanan ng mga gubat lungsod,
03:41.7
hindi lang sa pagpapababa ng temperatura ngayong tag-init,
03:45.1
kundi sa mga susunod pang taon dahil sa patuloy pang pag-init ng mundo, dala ng krisis sa klima.
03:51.3
Rafael Bosano, ABS-CBN.
03:55.3
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
04:02.1
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
04:07.7
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
04:24.5
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.