Close
 


Panukalang 4-day work week lumutang dahil sa init ng panahon | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dahil sa matinding init ng panahon, muling lumutang usapin ng four-day work week. Ayon sa Department of Labor and Employment, maaari naman itong ipatupad ng gobyerno at mga pribadong kompanya pero kailangang pag-usapang mabuti at isaalang-alang ang iba pang posibleng isyu. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Araw-araw, halos dalawang oras ang binabiyahe ni Christine mula Marilaw Bulacan
00:05.9
papunta sa pinagtatrabahuhang travel agency sa Quezon City.
00:10.0
Hindi biro ang commute, lalot napakainit ng panahon.
00:14.1
Kaya naman, pabor siya sa panukalang four-day work week,
00:17.8
kung saan, sampung oras kada araw ang oras ng trabaho.
00:21.6
Kahit pa paano, makakonserve po natin yung sarili natin sa init po.
00:25.5
Mahirap siya, ma'am, kasi parang hindi ka pa nakakapasok, ma'am.
00:31.3
Mukha ka ng pauwi, ma'am, kasi sa sobrang init po talaga.
00:35.1
Ang bayan ng Baknotan sa La Union, nagpatupad na ng four-day work week noong April 15
00:40.5
para sa kaligtasan ng mga empleyado at ng publiko mula sa init.
00:45.3
Ayon sa Civil Service Commission o CSC,
00:48.0
isa ang four-day work week sa mga maaaring ipatupad ng mga opisina ng gobyerno
00:52.3
sa ilalim ng flexible work arrangements.
00:54.4
Pwede nila itong gawin kapag ganitong mainit ang panahon o kaya ay may kalamidad.
01:00.0
Pero may mahigpit na paalala ang CSC sa mga kawaninang pamahalaan.
01:20.6
Walang nakikitang problema ang Trade Union Congress of the Philippines.
01:24.4
sa four-day work week sa gobyerno at pribadong sektor.
01:28.0
Pero giit ng TUCP, dapat isaalang-alang ang sweldo at kalusugan ng mga empleyado.
01:34.2
Bayaran ng tama ang mga manggagawa.
01:36.2
Pag tinaas mo kasi, pag hinabaan mo, tatama na tayo dun sa lagpas sa walong uras.
01:41.5
Eight-hour loan natin, itinakda yun dahil yun talaga ang kapasidad ng katawan ng tao para magtrabaho ng tama.
01:49.8
Ayon sa Employers Confederation of the Philippines o ECOP,
01:52.7
may epekto sa ekonomiya.
01:54.4
Ang four-day work week, lalo't posibleng hindi pumabor dito ang mga investor.
02:10.1
Sabi ng ECOP, mas makabubuting hayaan ang mga kumpanya at opisina na gumawa ng sarili nilang panuntunan.
02:17.4
Handa namang tumulong ang Department of Labor and Employment sa paggawa ng guidelines na ito.
02:21.9
Ayon kay Sekretary Bienvenido Laguesma,
02:24.4
nakatutulong sa work-life balance ng mga empleyado ang flexible work arrangement.
02:29.4
Pero, kailangan itong balansihin.
02:31.6
You cannot have one-size-fits-all eh.
02:34.4
Talagang dapat mag-usapang mabuti.
02:37.4
Para na sa ganun, may iwasan yung mga misunderstanding, tapos magpapile ng kaso.
02:44.1
Samantala, dahil pa rin sa init ng panahon,
02:46.7
sinuspinde ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Pampanga ngayong Webes.
02:54.4
Ngayon din sa mga pampublikong paaralan sa Malabon City
02:57.0
at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Lalawigan ng Bataan at Bacoor City
03:02.3
mula Huwebes hanggang Biyernes.
03:04.6
Ayon sa DepEd, nasa higit 7,000 eskwelahan ang nagsuspinde na ng in-person classes.
03:10.9
Victoria Tulad, ABS-CBN News.
03:13.3
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula Lunes hanggang Biyernes sa TV Patrol.
03:20.4
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol.
03:24.4
Patrol Weekend!
03:26.0
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:32.2
Pagpapatrol Weekend!