Close
 


News ExplainED: Fake videos vs. China | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Dahil mainit na usapin ngayon ang #Balikatan at ang tensyon sa pagitan ng Amerika, Pilipinas, at China sa West Philippine Sea, napakapopular na paksa ito ngayon sa social media. Sa sobrang popular ng usapin, marami na tuloy ang sumasakay. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 05:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dahil mainit na usapin ngayon ang Baligatan at ang tensyon sa pagitan ng Amerika, Pilipinas at China sa West Philippine Sea,
00:06.2
napaka-popular pong paksa ito ngayon sa social media.
00:09.8
Sobrang popular na marami tuloy ang sumasakay.
00:13.4
Hindi naman po problema yan dahil meron naman tayong freedom of expression.
00:16.6
Pero minsan may mga sumasabit.
00:19.1
Gaya nga po ng tinukoy natin sa YouTube channel nung lunes na nagpapalabas ng deepfake audio ni Pangulong Bombo Marcos
00:25.1
na unay naguutos ng nangyera sa West Philippine Sea.
00:28.3
Ang headlines din ng channel na Dapat Balita ay puro inventong fake news para makahatak ng eyeballs at mga views.
00:36.6
Awa ng Diyos, matapos natin ibulgar ito nung lunes, ang YouTube channel na iyon ay naka-down na po.
00:41.9
Pero hindi pala ito nag-iisa.
00:43.8
May iba pang mga vlogger na gustong humatak ng mga views sa pamamagitan po ng medyo alanganing paraan.
00:50.2
Ito po ang isa sa kanila, ang Kyle TV.
00:53.8
Kung susundan mo ang kanyang mga video at babasahin mo ang mga headlines or captions,
00:58.8
aakalain mo na may digmaan na at patayan sa West Philippine Sea.
01:03.1
Halimbawa, nung isang araw lamang, ito po ang headline.
01:07.2
China, gumantin ng missiles, nagpalipad din ng missiles sa South China Sea.
01:11.5
Dalawang araw po lang po yan pero meron na pong 43,000 views dahil sa kanyang clickbait na headline na wala naman sa mismong laman ng video.
01:20.2
Yun lang, parang ayos lang yan sa maraming Pilipino na mag-react lang pero hindi naman talaga nakikinig.
01:26.2
Meron na pong higit 70 komento, maraming nagtatawag na ng bakbakan, may ilan nagtatulong kung nasaan yung storya.
01:34.0
Ito pa pong isa, ubusan na ito ng lahi.
01:36.8
Ayon sa nakakatakot na caption, tinamaan agad ang fighter jet ng China.
01:40.9
Meron na po yung 35,000 views.
01:44.4
At ito pa ang isa, barko ng China, pasasabugin ng American Navy at Philippine Navy.
01:50.5
Ito pa ang isang kapansin-pansin.
01:52.2
Ini-edit ang mga video na ito para magmukhang bahagi sila ng mga mainstream news programs.
01:58.1
Halimbawa, sa storyang ito na pasasabugin daw ng US at Philippine Navy ang isang Chinese ship,
02:02.6
ginamit po ang intro video namin dito sa Frontline Tonight.
02:06.6
Yun lang, mali-mali naman ang konteksto.
02:09.6
Ang sinabi po namin, pasasabugin ng US at Philippine Navy ang isang retiradong Philippine Navy ship na binuo or made in China.
02:18.1
Hindi po papasabugin ng isang barko ng China.
02:20.8
Napakalaki.
02:22.2
At napakadelikado ang kaibahan po yun.
02:24.9
Minsan, binagtatagpit-tagpidin ng content creator ang mga totoong interviews ng mainstream media
02:29.7
na sinisinit sa gitna ng kanyang mga video para magmukhang lehit mo ito.
02:34.3
Pero ano ang aktual na naman ng kanyang mga video?
02:37.2
Ang mga video ay madalas mga publicly available video clips ng military training, mga exercises, or mga news clips.
02:44.5
Ang script naman ay tungkol sa West Philippine Sea pero madalas din ay wala naman talagang masyadong laman.
02:50.6
Kapansin-pansin lang na parang...
02:52.2
Ang Tagalog na voiceover minsan mali-mali o wala sa konteksto ang pagkakabigkas na madalas ay problema sa mga AI text-to-speech programs.
03:04.8
Halimbawa, ang galit ay nagiging galit.
03:07.8
Ang nagpapalala, nagiging nagpapalala.
03:11.0
Minsan, ang script ay parang teksto na translated lamang.
03:14.6
Sa isang voiceover nga, binasa pati ang period o yung tuldok.
03:18.8
Pero hindi rin po kasi biro ang engagement sa gantong uri.
03:22.2
Ang paksa na napaka-popular ngayon.
03:25.4
Ang isang video na in-upload ng content creator na ito,
03:28.3
nung nakarang buwan lamang, meron pong 720,000 views at 1,000 comments na.
03:34.3
Ang caption,
03:35.8
Pinas, gumanti na sa China.
03:38.6
Itong channel na po na ito, created lamang noong June 2019,
03:42.3
pero meron na pong 34 million views, 255,000 subscribers at 1,300 videos.
03:49.9
Ang kanyang pinaka-popular na video,
03:51.5
awa ng Diyos, hindi po tungkol sa West Philippine Sea,
03:54.5
kundi tungkol sa mga anghel na nakunan daw ng kamera.
03:57.9
Meron na po itong 1.2 million views.
04:00.5
Para po malinaw, hindi naman po bawal maniwala sa mga ganyan.
04:04.1
Yun lang sa mga seryosong paksagay ng West Philippine Sea, marami pong naniniwala agad.
04:08.8
Pero meron ding hindi.
04:10.8
Ito po ang ilan sa mga komento.
04:13.4
1990 pa itong video mo, nasaan na sinasabi mong pinasabog na fighter jet.
04:17.8
Ang layo ng title mo sa report mo, ayusin mo.
04:20.2
Pero ang problema rin kasi, naniniwala sila na talagang news report ang kanilang pinapanood.
04:26.9
Ito pa po ang isa, ayusin ninyo ang balita ninyo.
04:30.9
Kung walang bago, huwag kayo magbalita na ikakatakot ng mga tao.
04:35.0
Pero iyan din po ang isa pang problema.
04:37.4
Parang hindi na po alam ng mga tao ngayon kung ano ang balita, ano ang pantasa at ano ang opinion.
04:44.0
Mga kapatid, Edling Gaw po, maging maalam at may pakialam sa mga napapanawang balita sa ating bansa.
04:50.2
Para sa mas malalimang pagtalakay at paghimay sa mga issue at headlines, tumutok lamang at pagsubscribe sa social media pages ng News 5.