Close
 


Pinoy Muslims sa Canada, ginunita ang pagtatapos ng Ramadan | TFC News Ontario, Canada
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ginunita ng Pinoy Muslims sa Toronto ang pagtatapos ng Ramadan sa pagdarasal para sa kapayapaan at sa isang pagtitipon. Nagpapatrol, Jocelyn Reyes Sambilay. #TFCNews Like and follow TFC News Facebook: https://facebook.com/TFCNewsNow Twitter: https://twitter.com/TFCNewsNow Instagram: https://www.instagram.com/tfcnewsnow/ Threads: https://www.threads.net/@tfcnewsnow Website: https://mytfc.com/news News website: https://news.abs-cbn.com/tfcnews Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TFC #TheFilipinoChannel #TFCNewsOntario #ABSCBNNews #TVPatrol
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.4
Nagtipon ang mga Filipino Muslim sa Tariq Islamic Center sa Toronto
00:04.9
noong 14 ng Abril upang ipagdiwang ang Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.
00:11.6
Nagsimula ang pagdiriwang sa pagbabasa ng Quran.
00:15.3
Sinundo nito ng pagbibigay ng talungpati ng mga miyembro ng Parliament,
00:19.9
kabilang ang Filipino-Canadian na si Retchie Valdez.
00:23.6
Binigyang pugay ng Minister of Small Business ng Canada
00:26.4
ang sakitnisyo ng mga kababayan Muslim sa panahon ng Ramadan
00:30.1
na tinaang kanilang ambag sa komunidad.
00:33.0
Espesyal ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr ngayong taon para sa mga Filipino Muslim sa Canada.
00:38.7
Ito ang kanilang paraan ng pagbibigay-suporta
00:41.1
sa ikapitumputlimang anibersaryo ng Philippine-Canada Bilateral Relations.
00:46.9
Sa isang mini-exhibit, ipinakita nila ang kanilang mayamang kasaysayan, kultura at sining.
00:52.8
Kabilang dito ang instrumentong kumintang,
00:55.4
damit na malong at mga katutubong tela at mga habi.
00:59.6
Tampok din sa exhibit ang mga litrato, likha at artifacts,
01:03.7
gaya ng turogan, isang tradisyonal na bahay ng mga maranaw
01:07.0
na nagsilbing kirahan ng mga nasa mataas na antas sa lipunan, gaya ng Sultan Udato.
01:12.4
So, makikita nyo dito, ayan yung sa likod ko po, yun yung turogan.
01:18.2
We are very proud of that.
01:19.8
No, in 2008, na-declare siya as one of the Philippines yung pagdating sa architecture.
01:25.4
Ayon sa curator ng exhibit na si Nor Calila Mambuhay,
01:29.1
layon nila na maipakita ang katatagan ng mga bangsa-moro sa Pilipinas,
01:33.5
sa kabila ng mga stereotype na kinakaharap nila bilang mga muslim.
01:37.5
Binigyan din niya ang kahalagahan ng exhibit para sa mga kamataang Filipino Muslim
01:42.3
upang magkaroon ng koneksyon sa kanilang kultura at pinagmulan.
01:46.6
Kasi this is something that needs to be passed on.
01:50.5
The legacy, the pride, they have to know that they have rich culture back home.
01:55.4
Kumukang sa atensyon ng mga dumalo, kabilang ang mga bisita,
01:59.1
ang mayamang kultura at kasaysayan yung mga muslim mula sa exhibit.
02:03.6
Yung effort nila, kasuklasis, yung Filipino Muslim culture is amazing.
02:09.3
Yung dalawang mga mga sa likod ko is from my personal collection,
02:13.5
gifted to me by my marimlo and by one of my aunts, which are like royalties back home.
02:20.2
Ipinahayag naman ni Consul R.J. Sungagi ang suporta ng Consulado ng Pilipinas at Roto,
02:25.4
para sa mga kababayang Muslim sa pagpapamalas ng kanilang kultura.
02:30.1
Filipino Muslims, of course, is a pillar of our heritage in the Philippines.
02:34.3
So they strengthen our relations with our Canadian friends.
02:40.6
And we are very, again, happy to be part of this celebration to, again,
02:46.6
showcase the rich culture and tradition of Filipinos, especially Filipino Muslims.
02:53.5
Samantala, ipinagdiriwang din,
02:55.2
kasabay ng Eid al-Fitr, ang ikalabing limang anibersaryo ng organizer ng pagtitipo,
03:00.8
ang Muslim Filipino Association of Canada.
03:04.8
Siniguro ng leader na organisasyon ang kanilang dedikasyon na makapagbigay ng tulong,
03:09.9
hindi lamang sa mga Filipino Muslim, kundi pati na rin sa lahat ng mga Pinoy sa Canada.
03:15.2
Kahit sino nangangailangan sa community natin, kakilala natin, pinaparating natin yung kamay natin.
03:20.1
So our goal is to build really this community, not only in JTA,
03:25.2
but in Ontario, but in the entire Canada.
03:27.2
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, hiling ng mga Filipino Muslim ang kapayapaan at kasaganaan para sa lahat ng mga kababaya.
03:35.3
Para sa TFC News, Jocelyn Reyes Zambilay, ABS-CBN News, Toronto.
03:55.2
Thank you for watching!