Close
 


Mga sakahan at ilog sa Maguindanao del Sur, tuyot na dahil sa El Niño | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nahihirapan na ang mga magsasaka sa Maguindanao del Sur dahil sa panunuyot ng kanilang mga sakahan at maging mga ilog dulot ng El Niño. Nagdeklara na rin doon ng state of calamity bunsod ng pinsala sa agrikultura na nasa P346 milyon na. Iyan at iba pang mga balita sa lalawigan sa video na ito. #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Balita naman sa Lalawiga na apat na buwan nang hindi nakararanas ng pagulan ng bayan ng Buluan sa Maguindano del Sur dahil pa rin sa El Niño.
00:08.8
Problemado tuloy ang mga magsasaka sa bayan dahil nalanta na lamang ang kanilang mga pananim.
00:14.0
At dahil walang maani, wala rin silang kita. Nagkabitakbitak na rin ang lupa sa mga sakahan.
00:20.8
Problema tuloy ng mga luging magsasaka kung paano mababayaran ang mga inutang nilang pera na ginamit nga sa pagtatanim ng mais at palay.
00:27.9
Bukod sa mga napinsalang sakahan, natuyo na rin ng ilang linggo o natuyo na rin nga po ang ilang mga lupain sa probinsya.
00:39.2
Ilang ilog.
00:39.7
Ilang ilog sa probinsya.
00:41.7
Nitong buwan lang nang magdeklara ang Maguindano del Sur ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño.
00:49.4
Apektado raw ng matinding tagtuyot ang 20 sa 24 na bayan sa probinsya.
00:53.9
Aabot naman sa mahigit 300 milyong piso ang pinsanay.
00:57.9
Maghahain daw po naman ng motion for reconsideration ang inalis na gobernador ng kagaya na si Manuel Mamba.
01:08.2
Ngapoy matapos siyang e-disqualify ng Comelec.
01:12.0
Sa isang mensahe, sinabi po ni Mamba sa News 5 na aapila siya sa Supreme Court at sa Comelec and Bank.
01:18.3
Ayon sa hatol ng Comelec First Division, nilabag daw ni Mamba ang omnibus election code noong pong nagdaang halalan.
01:25.3
Partikular ang pagbabawal sa paglalabas ng public fund para sa mga public works sa kasagsagan ng campaign period.
01:33.4
Sapat na raw ang basihan para ito ma-disqualify si Mamba bilang gubernatorial candidate noong nagdaang halalan.
01:40.3
Dahil ito'y diniklarang bakante ang office of the governor ng kagayan.
01:44.5
Otomatiko naman natatay ang gubernador si kagayan Vice Governor Melvin Vargas Jr.
01:49.1
Hawak na ng mga pulis ang dalawa pang sasakya na posibleng konektado daw sa mahigit 9 billion pesos.
01:55.3
9 pesos na siya buhal sa Batangas.
01:57.9
April 21 na makatanggap ng impormasyon ang Calabarzon Police tungkol sa dalawang SUV na inabandon na sa San Luis, Pampanga.
02:05.6
Nang matagpuan ng mga pulis, kinumpirma nilang tugma ang profile ng mga ito sa ilang sasakya nakasabay noon ng van na siyang may karga ng kontrabando noong Abrila 15.
02:15.3
Iniba na ang mga plaka ng sasakyan mula sa kuha ng CCTV.
02:19.9
Noong mangyari nga ang insidente pero nang buksan ito, dito na tumamba ng iba't ibang plaka.
02:25.3
Sa loob ng mga SUV, may ilang dokumento rin nakuha na posibleng makapagturo sa kung sino ang may-ari ng mga sasakyan.
02:33.2
Patuloy pa rin ang investigasyon ng mga pulis sa insidente.
02:36.4
Sugatan po naman ang isang binatilyo matapos nga po umanong pagtulungang bugbugin sa lungsod ho naman ng Baguio.
02:43.3
At ayaw po sa ama ng biktima, bibili lang sana ng pagkain sa Burnham Park ang 15 anyos niyang anak.
02:49.4
Bigla na lamang daw umanong hinarang ng isang grupo ng mga kabataan ang binatilyo.
02:54.1
Sinubukan daw hong...
02:55.3
Iwasan ng biktima ang grupo pero ito'y sinundan pa at tsaka tuloy ang pinaggugulpe.
03:01.0
Giit ng ama ng binatilyo, hindi pala away ang kanyang anaka.
03:04.8
Nanawagan din siya sa mga pulis na hanapin at panagutin ang mga sangkot sa panggugulpe.
03:09.5
Matapos po ang pangyayari, nangako ang pamunuan ng barangay na paigtingin ang pagpapatrolya sa Burnham Park.
03:15.9
Sa Dalaguete, Cebu, arestadong isang lalaki na nagpapanggap na doktor.
03:19.5
Unang araw pa lang ni Dok Antonio Alpecchi sa Rural Health Unit.
03:24.1
Nasi bak agad ito.
03:25.3
Sa trabaho, nabisto ang peking doktor ng pagdudahan kasi siya ng kanyang mga katrabaho.
03:30.6
Tuwing magre-reseta kasi ng gamot si Alpecchi, nagbubukas pa ito ng browser para mag-search online.
03:36.6
Kaya nang i-background check, dito nga nabuking ang nagpapanggap na suspect.
03:41.3
Sa mga dokumentong ipinasan ni Alpecchi sa ospital,
03:43.8
pinalabas pa niyang graduate siya ng Silliman University, De La Salle University at maging ng isang unibersidad sa London.
03:51.5
Pero lumalabas na wala siyang record sa mga nasabing unibersidad.
03:55.3
Kaya naman humingi na ng tulong ang ospital sa mga pulis at dito nga naaresto si Alpecchi.
04:02.5
Naharap ngayon sa usurpation of authority ang nakulong na suspect.