Clearing operations, isinagawa sa mga kalsadang magsisilbing alternative routes
#FrontlineExpress | Humanda sa mas matinding traffic sa susunod na linggo. Isasara kasi ulit ang bahagi ng Kamuning flyover para sa repairs bilang paghahanda sa posibleng malakas na lindol. Dahil anim na buwan itong hindi madaraanan, sinimulan na ng #MMDA na linisin ang mga balakid sa mga kalsadang magsisilbing alternative routes. #News5 | via Jenny Dongon
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:38
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
P-G-I-F at kung marami sa inyo ay iniinda na ngayon ang karaniwang Friday traffic,
00:05.3
naku, humanda po kayo sa mas matinding traffic sa susunod na linggo.
00:09.7
Isasa ulit kasi ang bahagi ng kamuning flyover para sa repairs bilang paghahanda sa posibleng malakas na lindol.
00:17.9
At dahil 6 na buwang hindi madaraanan, sinimulan na ng MMDA na linisin ang mga balakin sa mga kalsadang magsisilbing alternative routes.
00:26.1
Live mula sa Quezon City, nasa front line ng balitang yan, si Jenny Dongon.
00:32.0
Jenny, kamusta ang tinakbo ng clearing operations?
00:41.2
Ruth, kimula nga kaninang umaga na may aabot na sa mahigit isang daang mga motorista yung natiketan
00:47.3
at aabot naman sa apat na sasakyan yung nato dito nga sa sinagawang clearing operation ng MMDA
00:53.6
para sa paghahanda ito sa isasarang kamuning flyover.
00:56.1
Simula sa May 1, hindi na nga nakapalag yung mga residente maging yung mga motorista na makita nilang paparating yung mga tauhan ng MMDA
01:04.8
dahil dalawang araw bago itong operasyon na ito, inabisuhan na sila ng MMDA maging yung mga barangay officials na nakasakop sa kanilang lugar.
01:13.8
Kanya-kanyang ligpit na nga ng mga gamit at mga sasakyan yung mga residente sa bahagi ng Scout Tuazon sa Quezon City
01:21.2
na makitang paparating itong mga tauhan ng MMDA na magsasagawa ng clearing operations.
01:26.1
Karamihan sa kanila, ginawa ng extension ng kanilang bahay ang kalsada.
01:31.6
Si Jennifer, wala nang nagawa kundi tignan na lang habang isinasakay ng trucks sa MMDA itong kariton ng kanyang tindahang Kwek-Kwek.
01:39.7
Aabot pa naman daw sa 10,000 piso ang paggawa niya sa kinumpiskang kariton.
01:44.7
Hinatak naman ang kotseng ito na iniwan ng driver sa gilid ng kalsada.
01:49.0
Sinubukan naman ang driver na ito na isang pa-sidewalk ang kanyang sasakyan para doon magpark pero mas lalo siyang tiniketan.
01:56.6
Problemado naman ang taxi driver na si Mang Roberto.
01:59.6
Di pa nga siya nakaka-boundary, itiniketan na siya ng MMDA.
02:03.3
Pinaalis din ng MMDA ang mga karinderiyang ito sa gilid ng kalsada.
02:08.8
Di rin nakaligtas sa clearing operation ang hilera ng mga motorista at mga motor at mga sasakyan sa labas ng isang kumpanya.
02:16.5
Ayon naman sa MMDA, dalawang araw nilang paulit-ulit na inaabisuan ng mga residente maging mga motorista
02:22.4
na bawal magpark sa mga alternatibong ruta.
02:26.1
Maapektuhan ang pansamantalang pagsasara ng kamuning flyover.
02:29.4
Posible kasi nadadaan ang mga sasakyan ito simula May hanggang tatagal nga itong operasyon nila hanggang October 25, 2024.
02:38.8
Ayon naman sa MMDA, aaraw-arawin nila ang gagawing clearing operation sa mga alternatibong ruta.
02:45.3
Routes para nga doon sa mga motorista na tiniketan kaninang umaga,
02:49.0
aabot sa 1,000 pesos yung kanilang penalty at 2,000 pesos naman para doon sa mga na-impound na sasakyan.
02:57.4
Jenny, buko dito sa ginagawa ng clearing operations, ano pa ba yung paghahanda ng MMDA para sa pagsasara ng kamuning flyover?
03:04.7
Kasi nga sabi natin, siguradong napaka-traffic niyan pagdating ng May 1.
03:14.2
Yes, Ruth. Nagigipag-coordinate na rin itong MMDA sa mga tauha ng barangay.
03:18.5
Itong mga barangay na pwedeng daanan itong mga motorista na dadaan nga dito sa mga alternatibong ruta
03:24.3
dahil bukod doon sa mga tauha ng MMDA, ay magmamando na rin yung mga barangay officials simula sa May 1.
03:32.3
May salamat, Jenny Dongon.