Close
 


Ilang manggagawa hirap sa matinding init | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Tingin ng isang non-government na dapat paigtingin ang abisong layong protektahan ang mga trabahador sa init ng araw. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Sa edad na 58, todo kayod pa rin bilang construction worker si Tatay Cresencio.
00:06.8
Bagaman sanay siyang mabilad sa araw, ibang klase umano ang init ngayong taon.
00:11.8
Yung bakal po alos di namin maawakan. 11 po talagang pahinga na kami kung sobrang init.
00:17.3
Balik ng mga alas-dus na po minsan.
00:20.5
May mga ibang workers namin, nahihilo sila gawa nga sa sobrang init. Binibigyan naman namin ng pahinga.
00:26.3
Ang lineman naman na si Jefferson, idinadaan na lang sa good vibes ang init ng panahon.
00:38.3
Nabibilad din sa init ang mga aircraft marshaller at loaders na ito,
00:42.6
na mahalaga ang trabaho para gabayan ang mga eroplano at tulungan ang mga pasahero.
00:47.5
Ayon sa isang airline company, iba-ibang hakbang ang ipinatutupad nila para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
00:56.3
Meron sila protective equipment or meron sila protective gear na suot.
00:59.4
And at the same time, meron tayong tubig na nakalabay.
01:02.6
Meron din tayo na standby na medical personnel.
01:05.6
Batay sa abiso ng Department of Labor and Employment noong isang taon,
01:09.6
kailangang magpatupad ang mga employer ng mga hakbang sa gitna ng matinding init,
01:14.8
kabilang ang pagkakaroon ng maayos na ventilation at heat insulation sa mga opisina,
01:20.2
at pagbibigay ng libreng inuming tubig.
01:23.0
Pero ayon sa isang grupong tumututok sa workplace,
01:26.3
safety, hindi sapat ang naturang Dole Advisory.
01:30.0
Halimbawa, one, informal sector, wala doon sa advisory.
01:34.9
Toothless siya, very weak kasi pagka-advisory, mostly encouraged yun eh.
01:40.2
In-encourage yung employers, pero hindi talaga siya required or mandated.
01:45.1
So hindi sila accountable.
01:46.8
Sabi ni Dole Secretary Bienvenido Laguesma,
01:49.6
totoong walang parusang nakapaloob sa labor advisory.
01:52.6
Kaya umaasa ang ahensya sa voluntaryong pagsunod
01:56.0
ng mga employer.
01:57.3
Pero sabi ng kalihim,
01:58.7
ang paglabag sa occupational safety and health standards
02:02.0
ay may kaakibat na multa.
02:04.0
Sabi pa ng Dole, sinisiguro nila ang kaligtasan ng mga manggagawa
02:08.0
sa pamamagitan ng mga inspeksyon
02:10.0
ng mga lugar ng trabaho,
02:12.0
pagsasagawa ng trainings at information campaign.
02:15.0
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention,
02:18.0
kung talagang hindi may iwasang magtrabaho sa ilalim ng matinding sikat ng araw
02:23.0
o galing uminom ng maraming tubig,
02:25.0
magsuot din ng sombrero at mga damit na maluwag at light-colored,
02:29.0
maglagay ng sunscreen at huwag kalimutang magpahinga.
02:34.0
Nagpaalala naman ang Department of Health sa First Aid
02:37.0
na maaaring gawin sakaling mahilo ang isang tao.
02:40.0
Alisin sa init ng araw kapag nakakita tayo ng tao na naiinitan
02:44.0
at siya po ay tingnan kung nag-responsive pa siya o hindi.
02:48.0
Dagdag ng DOH, kung hindi na sumasagot ang taong nahihilo sa init,
02:53.0
tumawag na agad ng tulong.
02:55.0
Victoria Tulad, ABS-CBN News.
03:25.0
Thank you for watching!