Close
 


Mga nabistong nagja-jumper ng kuryente, nakipagmatigasan at nakipag-agawan ng kable sa Meralco
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Nag-agawan ng mga kable ang mga residente at ang mga tauhan ng Meralco sa Intramuros, Maynila. Ginagamit sa pagja-jumper o iligal na koneksyon ng kuryente ang mga kable. #News5 | via Shyla Francisco Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Delikado dahil posibleng pagmulan ng sunog ang mga kabling iligal na kinokonekta sa kuryente.
00:06.9
Kanina, nabisto ng Meralco ang mga nagja-jumper sa Maynila.
00:11.8
Pero nakipagmatigasa ng mga residente at nakipag-agawan pa ng kable sa Meralco.
00:17.6
Nasa front line ang balitan niyan, si Shaina Francisco, exclusive.
00:21.6
Nag-agawan ng kable ang mga residente at ang mga tauhan ng Meralco sa Intramuros, Maynila.
00:33.3
Ang mga kable niyan kasi ang ginagamit sa pagja-jumper o yung iligal na koneksyon ng kuryente.
00:48.6
Kukumpiskahin dapat ng kontraktor ng Meralco ang kable.
00:51.6
Para di na sila umulit. Pero ayaw itong bitawan ng mga residente.
00:57.9
Ang lalaking ito, sinugod pang nagkuputol ng jumper.
01:05.1
Umawat naman ang mga polis nang mauwi sa gulo ang operasyon.
01:08.9
Sa init ng tensyon, pati mga kapit-bahay nakigulo na rin.
01:12.6
Ang kable naman yung ginagawa niyo.
01:18.9
Ayon sa Meralco, nagkakaroon talaga ng tensyon.
01:21.6
Kapag nagpuputol sila ng jumper, lalo pa itong dumami ngayong tag-init.
01:27.1
Dahil dyan, 24-7 ang operasyon nila para mabilis na matanggal ang mga iligal na koneksyon ng kuryente.
01:33.2
Lubang, napaka-delikado. Kasi ito pwede pagsimulan ng sunog.
01:40.6
So, ang ano pa natin, pag nag-overload yung mga ating linya,
01:45.6
pwede rin siya maging cost na yung transformer natin bumigay at mag-brown out.
01:52.3
Minsan, may initulo nila kasi kinukuha natin yung alambre nila.
01:56.6
At maubliga ulit silang bumili ng bago.
02:00.0
Hindi lang sa Intramuros nagsagawa ng operasyon kontra jumper.
02:03.2
Pati sa Santa Mesa at Ondo, nagputol ang Meralco ng mga iligal na koneksyon.
02:10.0
Nadiscover nilang dumaan sa bubunga ng mga kable at meron pa nga sa Imburna.
02:15.5
Ito yung kable ng kuryente na iligal na kinakabit sa linya ng Meralco.
02:19.5
Bawat kable, kaya makapagsupply ng sampu hanggang higit 20 na bahay.
02:23.8
Ang ginagawa lang ng mga residente, nag-aambagan sila at makakakuha na sila ng kuryente.
02:28.7
Mas madali daw ayon sa kanila at mas mura sa ngayon.
02:31.3
Kaya ang ginagawa nila, kahit pa ulit,
02:33.2
ulit na tinatanggal itong mga iligal na kable nito, pilit nilang binabalik.
02:38.4
Ayon sa mga residente, aabot ng 18,000 piso kung magpapakabit sila ng iligal na koneksyon ng kuryente.
02:45.8
Gagastos pa sila sa buwan ng bill.
02:48.0
Pero ang jumper, 100 hanggang 500 piso lang kailangan nilang pag-aambagan.
02:53.9
Ayon nga, sana pagbigyan kami ng Meralco. Kasi syempre yung iba, walang kakayanan.
02:57.6
Yung sobrang init ngayon, kung may nag-nebulizer dyan, natigok na.
03:03.2
Napipilitan lang kaming magnakaw. Sa totoo lang, matagal na kami nakikiusap na sana naman babaan.
03:10.5
Kasi wala naman problema magligal kami, lalo't ako may maliit.
03:14.7
Ang ilan sa kanila, gusto namang mag-apply, pero di raw inaaprubahan, lalo't kulang sila sa dokumento tulad ng titulo ng lupa.
03:22.9
Paliwanag ng Meralco, kailangan magpag-ugnayan ng residente sa mga may-ari ng lupa.
03:28.4
Dagdag pa nila, hindi dahilan ang kapos na budget o kakulangan sa titulo.
03:33.2
Para lumabag sa batas.
03:35.0
Ang mga legal din kasing nakakabit sa koneksyon ng kuryente ang sumasalo ng gastos dito.
03:40.4
Walang excuse. Kung lumabag ka sa batas, malanag ka.
03:44.7
And no amount of reasoning will extricate you.
03:49.8
Tayo din yan eh, ang nagsusolder ng mga nagnanakaw na yan, diba?
03:53.8
Kasi instant na gumamit sila ng legal na pamaraan through their electric meters kung saan magre-reflect yung actual.
04:03.2
Yung usage nila and the consumption is billed every month. Eh ito free of charge.
04:09.5
Babala ng Meralco, ang mga mahuhuling nagkakabit ng jumper ay maaaring pagmuntahin ang hindi bababa sa 10,000 pesos o pagkakakulong ng hanggang labing dalawang taon.
04:20.8
Nagbabalita mula sa Frontline, Shaila Francisco, News 5.
04:25.2
Mga kapatid, Sheryl Cosimpo, huwag maging guling at maging una sa lahat sa balitaan.
04:30.8
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa Frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.