Close
 


BULONG SA PATAY | JESTONI | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 27:56
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
00:11.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:24.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:37.0
May iba't ibang klase ng sumpa at ang sabi nila ay maaari itong may pasa sa ibang tao.
00:46.3
Pero ano nga ba ang pwedeng mangyari sa oras na ito ay may pasa natin?
00:51.6
Makakasama ba sa kanila kung makatanggap?
00:54.0
Magkatanggap tayo ng blessing dahil sa ginawa natin?
00:57.0
O mas dapat na tayo na lamang ang magdusang mag-isa ng walang ibang taong dinadamay?
01:03.0
Dear Papagdudud,
01:05.2
Karamihan sa atin ay may parte ng buhay na ayaw na sana nating balikan at alalahanin pa.
01:12.1
Lalo na kung masyado itong mabigat, mapanakit at nakakaiyak.
01:16.9
At ang bahaging ito ng buhay ko,
01:19.6
ang isa sa mga pinaka ayoko na sanang balikan.
01:24.0
Pero gagawin ko dahil gusto kong magbahagi ng sarili kong kwento.
01:30.6
Mahirap man itong paniwalaan lahat ng ito ay totoong nangyari.
01:34.9
Na kahit ako ay hindi ko alam na pwedeng magkatotoo dahil parang ligha lamang ito ng aking imahinasyon.
01:43.4
Ang buong akala ko ay yung mga ganitong klase ng kwento ay imposibleng mangyari sa totoong buhay.
01:51.1
Papagdudud ako nga pala si Justoni51.
01:54.0
Years old na ako sa ngayon at nakatira sa isang malayong probinsya.
01:59.2
Hindi ko na po babanggitin para mabigyan ng proteksyon ang aking pagkatao.
02:05.9
Nag-iisa lamang akong anak ng mga magulang ko at masasabi ko na mula kami sa mahirap na pamilya.
02:14.1
Walang trabaho ang nanay ko na sakitin.
02:17.5
At sa tubuhan naman nagtatrabaho ang tatay ko.
02:21.3
Maaga akong huminto sa pag-aaral noon.
02:24.0
Before pa lamang ay pinahinto na ako ni na tatay na pumasok sa eskwelahan.
02:30.3
Sapat na raw kasi yun para sa kalaman ko.
02:33.6
Sapat na ang apat na taon na ipinasok ko sa eskwelahan para hindi ako matawag na mangmang o walang alam ng ibang mga tao.
02:43.5
Sa totoong buhay daw kasi ang pinakamahalaga ay yung marunong kang magbasa at magsulat.
02:49.1
Pagkatapos noon ay sapat na yun para mabuhay ka sa masalimuot na mundong.
02:54.0
Sapat na yun para hindi ka maging kaawa-awa sa ibang tao.
02:59.4
Pero sa kinalaghan kong buhay alam ko na kulang pa yun.
03:04.4
Kailanman ay hindi sasapat sa buhay ng isang tao kapag wala siyang maraming pera.
03:10.9
Dahil yun ang madalas na nagpapaikot sa atin.
03:15.0
Yun ang pinakakailangan natin para mabuhay.
03:19.0
Hindi ako naniniwala na sapat na yung kasama mo ang pamilya mo.
03:22.8
Para maging masaya ka.
03:25.5
Dahil aminin man natin o hindi ay pera ang palaging nagpapaikot sa buhay natin.
03:31.4
Siguro ay masyadong malalim ang sinabi kong ito papadudut.
03:35.6
Pero ganon talaga kapag lumaki sa isang mahirap na buhay.
03:40.7
Ang tingin namin sa pera ay tunay na kasiyahan.
03:45.2
Ano Leticia?
03:46.8
Hindi pa rin ba kayo magbabayad ng utang ninyo?
03:49.5
Abay napakatagal na ng palugit na ibinigay ko sa inyo.
03:52.8
Bulyaw ni Tito Osting sa nanay ko.
03:56.5
Nang pumunta ito sa bahay namin para maningil ng utang.
04:00.8
Pasensya ka na kuya.
04:02.8
Gipit pa rin kasi kami hanggang sa ngayon.
04:05.6
Nagkasakit kasi ako at kinailangan kong bumili ng mga gamot.
04:09.6
Wika ni nanay.
04:11.7
Hindi siya nagdadahilan lang.
04:13.8
Totoo ang sinasabi niya na may sakit siya at alam ko na TB ang tawag sa sakit niya.
04:20.4
Hanggang kailan mo ba ay dadahilan sa akin yan?
04:22.8
Abay apat na buwan na akong nagpabalik-balik dito ha.
04:26.4
Para maningil pero ni isang daang piso.
04:29.3
Wala akong makuha mula sa iyo.
04:32.0
Sabi pa ni Tito.
04:34.1
Pinsang buo niya si nanay pero kung makipag-usap siya ay para bang hindi sila kamag-anak o magka-pamilya.
04:43.5
Kahit na isang linggo na lang magbabayad na ako.
04:46.6
Kahit yung isang linggo na lang ang ibinibigay ko sa iyo para mabayaran ako ng buo.
04:52.8
Kung hindi, kukunin ko ang alagang baboy ninyo bilang kabayaran sa utang mo na lumolobo na ng tubo dahil sa sobrang tagal.
05:01.8
Putol ni Tito sa sinasabi ni nanay.
05:05.4
Usting, huwag mo naman sanang kunin ang alagang baboy namin dahil malaki na rin ang naggastos namin doon.
05:12.1
Pakiusap pa ni nanay.
05:14.6
Hindi ko kukunin yun basta magbayad kayo ng utang ninyo.
05:19.1
Sigaw pa ni Tito.
05:21.7
Kung hindi ka nagkakasama, hindi ko kukunin yun.
05:22.7
Kung hindi ka nagkakasama, hindi ko kukunin yun basta magbayad kayo ng utang ninyo.
05:22.8
Kung hindi ka nagkakasama ka agad at nagkanak, hindi magihirap ng ganyan ang buhay mo.
05:27.9
Palibasa yung wala ka ng ibang ginawa noon kung hindi ang makipaglandian sa kung sino-sinong lalaki.
05:33.8
Ayan ang napala mo dahil sa ginawa mo sa buhay mo.
05:37.3
Sigaw pa ni Tito.
05:39.9
Nasa likuran ako ni nanay, 14 pa lamang ang edad.
05:43.9
Bala ko na sanang sugurin ang mayabang kong Tito pero kaagad akong naawat ng nanay ko.
05:50.8
Umiiling siya noon para sawayin ako.
05:52.7
Yin ako sa plano kong gawin.
05:56.0
Natahimik at naluhan na lamang si nanay hanggang sa umalis na siya Tito.
06:02.0
Ilang pang pangalipusta ang ginawa nito bago tuluyang umalis.
06:08.1
Awangawa ko noon kay nanay na hindi man lang naipagtanggol ang kanyang sarili.
06:13.7
Inayaan niyang hamakin siya ng tao na kanyang kadugo.
06:18.4
Naalala ko na ang perang sinisingil nito ay ang ginamit ng akusyeng.
06:22.7
Ako ay madengge at ilang araw na na-confine sa ospital.
06:27.7
At para tuluyan na akong gumaling ay kung kani-kanino nang utang ang mga magulang ko kasama na roon sa Tito ko na masama ang ugali.
06:37.7
Napakasama talaga ng ugali ni Tito.
06:40.4
Dapat siya yung nagkakasakit at hindi ang ibang tao.
06:43.8
Bulong ko.
06:45.4
Sobrang sama ng loob ko dahil sa naging pag-uusap nila ni nanay.
06:50.2
Huwag ka magsalita ng ganyan.
06:52.7
Saway ni nanay sa akin.
06:55.5
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na nagliligpit siya sa may lababo.
07:01.1
Nagulat ako kasi narinig niya ang bulong ko kahit na napakahina na ng boses ko.
07:08.5
Tito mo pa rin siya at kamag-anak natin siya kaya hindi ka dapat nagsasalita o nag-iisip ng kahit na anong masama sa kanya.
07:16.8
Ang sabi pa ni nanay.
07:19.4
Sinabi ko lang naman po yung totoo.
07:21.1
Hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol pa siya ni nanay kahit masyado na siyang nag-aagrabyado.
07:45.5
Masyado talagang mabait ang nanay ko.
07:47.5
Kung tutuusin ay parang hindi niya kadugo si Tito.
07:51.1
Sobrang sama ng ugali nito.
07:54.0
Papadudot makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin kami nakabayad ng utang kay Tito at tuluyan na nga niyang kinuha ang alaga naming baboy.
08:04.6
Sobrang sama ng loob ko at galit talaga ko.
08:08.4
Pero wala akong magagawa kasi kahit ng mga magulang ko ay wala na rin nagawa.
08:13.5
Hinayaan na lamang nila na tuluyang mawala sa amin ang baboy na matagal naming inaalagaan.
08:19.4
At pinagkakagasto sa...
08:21.1
Ang sabi nila kapag masamang damuraw ay matagal mamatay.
08:29.3
Pero bakit naman ganun?
08:30.7
Bakit kailangan na maunang mawala ang mabubuting tao?
08:35.7
Kasi ilang buwan ang lumipas ay lumala ang sakit ni nanay at nagpabalik-balik siya sa ospital.
08:42.5
Dahilan yun para mas mabaon kami sa utang sa iba't ibang kamag-anak namin.
08:47.9
Gusto na nga sumuko ni nanay pero ang sabi ko ay...
08:51.1
Gagaling siya.
08:52.6
Gagaling siya kahit na anong mangyari.
08:55.7
Nanalig ako noon papadudut.
08:58.3
Paulit-ulit akong nagdarasal sa Diyos.
09:02.0
Alam ko na gagaling ang nanay ko at mabuti siyang tao at hindi siya dapat kunin ka agad sa akin.
09:09.0
Dasal na paulit-ulit kong ginagawa pero sa huli.
09:13.4
Hindi rin naman ako pinakinggan dahil tuluyan na siyang kinuha sa amin noon papadudut.
09:21.1
Yun ang gabi ng burol ay kaunti lamang ang naging bisita sa bahay.
09:25.5
Wala rin namang kaming masyadong inaasahan na bisita.
09:29.0
Ilang kamag-anak lang ang dumating para maningil ng utang sa amin.
09:35.7
Grabe talaga sa mundong ito.
09:38.0
Lahat na yata talaga ay pinaiikot ng pera.
09:41.9
Namataya na nga kami pero hindi man lang hinintay na mailibing sinanay
09:45.9
bago kami singilin ang mga pinagkakautangan namin.
09:51.1
Papa dudot dumating din noon si Tito Osting sa bahay at nagabot ng isang daang pisong abuloy kay tatay.
09:58.4
Nagpigil ako noon na sugurin siya dahil parang nakapang insulto pa ang ginawa niyang yon.
10:05.4
Para sakin kasi isa siya sa mga dahilan kung bakit namatay sinanay.
10:11.1
Sila ang mga kamag-anak ko na wala namang ambag na mabuti sa buhay namin.
10:16.5
Oo, pinautang nila kami noon. Utang na paulit-ulit naman nila ang sinusumba.
10:21.1
Kaya kahit na lumapit sa akin si Tito Osting para sabihin na nakikiramay siya sa pagkamatay ni Nanay
10:29.5
ay hindi ko siya pinansin kasi hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya.
10:36.0
Huling gabi ng burol ni Nanay mas marami ang nakiramay kumpara noong nagdaang mga gabi.
10:43.8
At hindi nakaligtas sa pansin ko ang paglapit ng pinsang kong si Lauro sa kabaong ni Nanay.
10:51.1
Hinaplos niya ang salami noon kasunod ang paglapit ng mukha niya doon at pagbuka ng kanyang bibig.
10:58.6
May binig ka siyang mga salita pero hindi ko alam kung ano yon.
11:02.7
At maya-maya lang ay umalis na rin siya ng bahay namin.
11:07.0
Hindi ko alam kung bakit nahihiwagaan ako sa ginawa niya siguro kasi hindi naman kami masyadong close.
11:13.5
At hindi rin sila close ni Nanay.
11:15.7
Kaya nakapagtataka na gawin niya yon.
11:18.3
Walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha.
11:20.5
At hindi rin siya umiiyak.
11:23.3
Ang pinaka-curious ako sa lahat ay ano mga salitang binitawan niya at binulong niya sa kabaong ng Nanay ko.
11:31.9
Papadudot ng mailibing si Nanay ay hindi nang imadali para sa amin ni Tatay ang makausad kaagad.
11:38.7
Lalo na at sanay kami na kumpleto sa aming tahanan.
11:42.7
Si Nanay ang tagagising namin sa umaga at siya rin ang naghahanda ng aming almusal.
11:48.3
Siya lahat ang kumikilos.
11:50.5
Para doon at para asigasuhin kami ni Tatay.
11:55.8
Pareho pa naman kami ni Tatay na hindi marunong magluto o kumilos sa mga gawaing bahay.
12:02.1
Hindi namin yon iniasa kay Nanay pero lahat ay ginagawa ni Nanay ng mag-isa.
12:08.0
Gusto niya na siya ang naglilinis ng bahay, nagluluto o kahit pa nagliligpit ng pinagkainan.
12:15.2
Ang sabi niya ay ginagawa niya lang daw ang responsibilidad niya sa pamilya.
12:20.6
Kaya hindi namin kailangan natulungan siya.
12:24.4
Nasanay kami na siya lang ang mag-isa.
12:28.0
Ang gumagawa pero lahat naman yon ay napag-aaralan at natututunan.
12:33.3
Dahil sa kalaunan ay natutunan din namin gawin ang mga bagay na yon.
12:38.8
Dahil wala namang kaming ibang pagpipilian kung hindi ang gawin yon.
12:43.1
Isa pa ay sa aming dalawa ni Tatay siya ang mas apektado sa pagkawala ni Nanay.
12:51.4
Masayahing kasi si Tatay at pala kwento pero mula nang mawala si Nanay ay naging tahimik na siya.
12:57.4
Palaging na sa trabaho o madalas na umiinom ng alak.
13:02.1
Uuwi siya galing sa inumaan sa kapitbahay at hilo na sa paglalakad.
13:08.1
Alalayan ko yan hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya.
13:12.8
Alam mo just Tony, wala kong ibang naging nobya kung hindi ang nanay mo.
13:18.0
Siya lang ang naging isang babae na nagpapasok.
13:20.5
Nagpatibok ng puso ko.
13:23.1
Sa kanya ko lang nakita ang sarili ko bilang isang kabiyak at haligin ng tahanan.
13:28.5
Medyo naiiyak na wika ni Tatay Papadudut habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya.
13:36.0
Nakaalalay ako sa kanyang paglalakad patungo sa kwarto niya at hindi naman ako sumagot pero nagpatuloy siya sa pagkukwento.
13:44.7
Mula nang magpakasal kami, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maging mabuting asawa sa akin.
13:51.0
Napakabuting tao ng nanay mo kaya bakit kailangan na kunin ka agad siya ng Diyos mula sa atin?
13:58.1
Bakit?
13:59.3
Naiiyak na sabi pa ni Tatay.
14:02.0
Hindi pa rin ako sumagot.
14:04.1
At muli siya nagpatuloy sa kanyang pagkukwento hanggang sa tuluyan na rin siyang mapahiga sa matigas na katre sa loob ng kwarto nila ni nanay.
14:15.1
Sa totoo lang, Papadudut ay nagsisimula na rin akong panghinaan ng loob.
14:19.2
Dahil sa nakikita ko kay Tatay.
14:22.5
Yung dating idol ko ay madalas na umiiyak dahil sa taong kahit kaila na hindi na babalik pa sa amin.
14:30.1
Pero syempre alam ko na ako na lang ang pwede niyang kuhanan ng lakas.
14:35.0
Kaya kailangan ko na magpakatatag.
14:38.9
Kain ka muna pinsan.
14:40.7
Uwi ka ng pinsan kong si Lauro.
14:43.0
Inabutan niya ako noon ng isang plato ng inihaw na manok.
14:46.9
Salamat pinsan.
14:47.9
Tugon ko at naglabas pa siya ng soft drinks, salad at tinapay.
14:53.3
Kagaya ng sabi ko kanina ay hindi naman talaga kami masyadong close ng pinsan kong iyon.
14:58.4
Pero mula nang mamatay si nanay ay madalas na kaming mag-usap.
15:02.2
Siya ang madalas na konekwentuhan ko ng mga problema ko sa buhay lalo na pagating sa tatay ko.
15:10.2
Siya ang sumasalo ng bigat ng nararamdaman ko.
15:13.3
Mabait si Lauro at magaan kausap kaya naman hindi nagtagal.
15:16.7
Naging malapit na rin kami ng pinsan ko na iyon.
15:20.6
At madalas na akong tumatambay sa bahay nila para makikain at makipagkwentuhan.
15:28.0
Anong meron at parang ang dami ninyong pagkain ngayon dito sa bahay ninyo?
15:32.8
Pagtatak ako.
15:34.7
Wala naman mula kasi ng swertehan si tatay sa pagbento ng mga gulay sa kabilang bayan.
15:40.1
Madalas nang nagluluto si nanay ng mga pasobrang pagkain dito sa bahay.
15:44.9
Tugon niya.
15:46.7
Napansin ko rin na may mga bago kayong gamit dito sa bahay ninyo.
15:50.7
Akatuwa naman kasi parang tuloy-tuloy ang pagkasenso ng buhay ninyo.
15:55.9
Wika ko.
15:57.4
Oo nga eh.
15:58.6
At lahat ng iyon ay pinagpapasalamat ko sa nanay mo, Jestoni.
16:02.5
Tugon niya.
16:04.4
Labis ang naging pagtatak ako sa sinabi ng pinsan ko, Papa Dudut.
16:09.0
Wala na si nanay kaya bakit sa kanya nagpapasalamat ang pinsan ko?
16:13.4
Nakita ko ang pagkagulat niya nang sabihin niya iyon na para bang hindi ko magpapasalamat.
16:16.7
Hindi niya sinasadyang ipaalam sa akin.
16:19.8
Sinubukan niya pang baguhin ang topic namin pero hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-usisa sa kanya.
16:27.5
Ayaw niya na sanang ipaalam sa akin ang tungkol doon pero hindi ako tumigil sa pangungulit sa kanya hanggang sa ikwento niya
16:35.4
na sa akin ang mga nangyari noong huling gabi ng lamay ni nanay na nakita ko siya.
16:42.6
Papa Dudut may paniniwala.
16:45.6
Nanalaman si Laura.
16:46.7
Si Laura na kapag bumulong daw siya ng isang kahilingan sa isang patay ay magkakatotoo iyon.
16:53.3
At napatunayan niyang totoo iyon nang gawin niya ang paniniwala na iyon.
16:59.2
At bumulong siya sa isang kabaong kung nasaan ang nanay ko.
17:03.7
Sinabi niya sa akin na sana raw ay hindi ako magalit dahil sa ginawa niya.
17:09.2
Pero ang sabi ko ay ayos lamang iyon dahil ang mahalagay na pabuti naman ang buhay niya nang magkatotoo ang hiling niya.
17:16.7
Na sana ay hindi na sila maghirap ng kanyang pamilya.
17:20.6
Mabilis na lumipa sa mga taon at patuloy na nakulong si tatay sa matinding kalungkutan na kanyang pinagdadaanan.
17:28.8
May mga oras na hindi ko alam kung paano pa siya dadamayan.
17:33.1
Basta ang gusto ko lang ay maging maayos na sana siya at bumalik na sa dating sigla niya.
17:39.6
Bagay na parang imposible nang mangyari lalo na nang tuluyan na nga ring malulong siya sa alak.
17:46.7
Isang gabi habang naglalakad ako pa uwi sa bahay namin ay nadaanan ko si Lauro na nakatayo at nakaharap sa isang puno.
17:54.5
Sinabi ko naman sa inyo na wala akong kasalanan.
17:58.0
Hindi ko ginawa iyon at hindi ako.
18:00.2
Malakas na bulong ni Lauro.
18:02.9
Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon sa akin kaya kinailangan ko pang lumapit sa kanya.
18:08.7
Lauro sinong kausap mo?
18:11.0
Nagtatakang tanong ko at nang makalapit ako sa kanya ay wala akong kahit na sinong nakita na kasama niya.
18:16.7
Pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
18:20.4
Hindi nga ako naririnig at parabang may kausap siya na hindi ko nakikita.
18:25.7
Sinabi ko naman sa inyo wala nga akong kasalanan.
18:30.1
Hindi ako.
18:31.4
Hindi akong gumawa noon kaya tigilan nyo na ako.
18:34.8
Malakas pa na wika niya.
18:36.8
Doon na ako nagsimulang balutin ang kakaibang takot papadudot.
18:41.0
Hindi ko maintindihan pero may kung anong malamig na hangin ang biglang
18:45.4
yumakap sa katawang ko.
18:48.3
Muli akong naglakad palapit sa kanya at bahagyang tinapeg ang kanyang balikat.
18:53.1
Lauro?
18:54.4
Pagtawag ko sa pangalan niya.
18:56.7
Kasunod ang pagigtad niya sa kinakatayuan dahil sa pagkagulat sa ginawa ko.
19:04.4
Papadudot na gulat din ako nang bigla na siyang mapaharap sa akin.
19:09.6
Namumula kasi ang kanyang mga mata, magulo ang buhok at pinagpapawisan ang kanyang muka at leeng.
19:14.5
Kahit na malamig ang hangin ang gabing yon.
19:18.1
Tumingin siya sa likuran ko at kaagad na bumakas ang takot sa kanyang mukha.
19:24.1
Marin siyang umiling na para bang may kinakausap sa likuran ko.
19:28.9
Hindi ko maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi hanggang sa kaagad na siyang kumaripas ng takbo.
19:35.5
Dahil sa takot na nararamdaman ko noon sa naging reaksyon niya, dahan-dahan din akong napalingon sa likuran ko.
19:42.2
Inisip ko na baka bigla ko na lamang makita kung anuman ang nilalang na nananakot sa pinsang ko.
19:50.5
Pero nakahinga ko ng maluwag nang wala akong kahit na anong nakita mula sa likuran ko.
19:56.6
Papadudot kumalat ng usap-usapan sa lugar namin ng tungkol sa nangyari sa pinsang kong si Lauro.
20:03.2
Ang sabi nila ay madalas daw na nakikita si Lauro sa gubat na bigla na lamang nagwawala, iiyak si sigaw o nananakit ng ibang tao.
20:11.2
May inaaway daw ito at madalas naman ay may kinakatakutan na kung sino.
20:18.4
Iniisip ng iba na baka may nangkukulam kay Lauro.
20:22.8
Pero ang sabi naman ng iba ay nasisira na raw ng bait ang pinsan ko.
20:27.7
Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng tama o totoo sa mga napapakinggan ko.
20:33.2
Kaya sinubukan kong kausapin si Lauro pero ang sabi nito ay dalawang araw na raw itong hindi umuuwi sa bahay nila.
20:41.2
At labis na silang nag-aalala.
20:44.5
Hindi baliwang anak namin, Justoni.
20:47.3
Nasa tamang pag-iisip si Lauro, ang wika pa ng nanay niya.
20:52.2
Naniniwala po ko sa inyo pero ano po kayo nangyari sa kanya at bigla na lamang naging kakaibang mga kilos niya?
20:58.9
Pag-uusisa ko.
21:01.1
Hindi ko rin alam pero madalas kong naririnig mula kay Lauro na sinisingil na raw siya dahil sa bulong na ginawa niya noon.
21:09.0
Ang sabi pa ni tita.
21:12.0
Bulong?
21:13.4
Pag-uulit ko sa sinabi niya ngayon.
21:16.0
Sinalubong ni tita ang mga tingin ko at tumango siya.
21:19.4
At may labis na takot at pag-aalala sa kanya muka na hindi ko maintindihan.
21:25.6
Tumango siya bago muling nagsalita.
21:28.7
Oo, hindi ko ganong naintindihan pero noong bago siya magkaganyan ay sinabi niya na dapat daw ay hindi niya ginawa ang bulong na yon.
21:37.1
Dapat ay hindi siya bumulong sa patay.
21:39.8
Justoni, alam mo ba kung ano?
21:41.2
Anong bulong ang tinutukoy ng anak ko?
21:43.9
Tanong pa ni tita.
21:46.2
Dahan-dahan akong umiling kahit na alam ko sa sarili ko na parang may ideya ko sa kung ano ang tinutukoy niya.
21:53.3
Natakot kasi ako noon na sagutin ang tanong niya.
21:56.6
Natakot ako na malaman ang totoo at tama ang hinala ko.
22:01.7
Umalis ako noon na baon ng pag-aalala sa pinsang ko na naging malapit na rin sakin.
22:07.1
Lalo na at dalawang araw na rin kaming walang balita sa kanya noon.
22:11.2
Hanggang isang gabi nagulat na lamang ako ng biglang paglitaaw ni Lauro sa harapan ko.
22:17.7
Madungis ang kanyang itsura, malalim ang eyebags at namumutla ang mga labi niya.
22:24.9
Lauro?
22:26.5
Saan ka ba nagpunta? Ilang araw ka nang hinahanap ng mga magulang mo.
22:31.0
May pag-aalala ang wika ko, Papa Dudot.
22:34.4
Shhh! Huwag kang maingay.
22:37.8
Naririnig nila tayo.
22:39.3
Kaagad nasaway sa akin ni Lauro.
22:41.1
Ha? Eh sinong sila?
22:44.4
Tanong ko.
22:45.5
Muli siyang tumingin sa likuran ko at nandoon na naman ang matinding takot na bumakas sa kanyang mukha.
22:52.7
Tumingin din ako sa likuran ko pero wala pa rin akong kahit na anong kakaibang nakita.
22:57.6
Pero nang ibalik ko ang mga tingin ko kay Lauro ay napakalapit na na mukha niya sa akin.
23:03.9
At nandidilat ang mga mata niyang namumula at inuugat.
23:08.1
Nayak na rin siya kasabayin ng pagtulo.
23:11.1
Ang pawis at luha niya.
23:13.9
Hindi ko dapat ginawa yun.
23:15.9
Hindi ko dapat binulungan ang bangkay ng nanay mo.
23:19.3
Hindi dapat dahil ngayon ay hindi lang siyang naniningil sa akin.
23:23.7
Marami sila, Justoni.
23:25.6
Marami silang patayang gustong isama ako sa hukay.
23:29.5
Pero hindi, hindi ako papayag.
23:32.0
Hindi ako sasama sa kanila, hindi.
23:34.5
Sigaw niya kasunod ang pagalis bigla sa harapan ko.
23:38.6
Mabilis siyang tumakbo palayo mula sa akin.
23:41.1
Pumasok siya ng gubat at sinubukan ko siyang habulin pero nilamo na siya ng dilim, papadudot.
23:49.6
Papadudot, iyon ang huling beses na nakausap ko si Lauro.
23:53.7
Iyon ang huling beses na nakita ko siyang buhay.
23:57.4
Dahil kinabukasan ng araw na iyon ay kumalat ang balita sa lugar namin na nakita siyang wala ng buhay sa may kabundukan.
24:05.6
Nahulog daw siya sa isang bahagi ng bangin doon at lahat kami ay labis na nalungkot.
24:11.1
Dahil sa pagkawala niya, lalo na ang mga magulang niya.
24:16.1
Sinabi na mga ito sa akin na marami pa raw plano si Lauro para sa kanila.
24:21.4
Marami pa raw itong pangarap na kahit kailan ay hindi na nila maaabot pa dahil wala na ang pinsan ko.
24:29.6
Hindi ko alam, papadudot, kung ano ang mga bulong na narinig ni Lauro.
24:34.7
Hindi ko alam kung ano ang mga nakikita niya o kung kaninong kalawang palaging sumusunod sa kanya.
24:41.1
Pero naniniwala ko na hindi baliw ang pinsan ko at hindi siya baliw at mas lalong hindi katang isip ang mga bagay na sinasabi niya sa akin noon.
24:51.3
Dito na po pala nagtatapos ang sulat ko, papadudot.
24:56.6
Lobos na gumagalang,
24:59.4
Justoni
24:59.9
Maraming maraming salamat Justoni sa pagsulat mo sa aking YouTube channel.
25:07.1
Salamat sa pagbabahagi ng kwento mong ito.
25:09.1
Hindi ako eksperto pagating sa kahit na anong sakit sa katawan o mas lalo na sa pag-iisip.
25:15.9
Pero marami talagang nangyayari sa buhay natin ang mahirap ipaliwanag.
25:20.4
Maraming bagay ang mahirap bigyan ng explanation.
25:24.2
Kagaya ng nangyari sa pinsan mong si Lauro.
25:27.4
Pero ganun pa man ay patuloy na lang nating ipagdasal na sana ay matahimik na ang kanyang kaluluwa kung saan man siya naroon sa ngayon.
25:35.4
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
25:40.8
Maraming salamat po sa inyong lahat.
25:42.6
🎵 Music 🎵
25:59.6
🎵 Ang buhay ay mahihwaga 🎵
26:05.6
🎵 Laging may lungkot at saya 🎵
26:12.6
🎵 Sa papadudod stories 🎵
26:16.8
🎵 Laging may karamay ka 🎵
26:24.7
🎵 Mga problemang kaibigan 🎵
26:31.4
🎵 Dito ay pakikinggan ka 🎵
26:37.6
🎵 Sa papadudod stories 🎵
26:42.6
🎵 Kami ay iyong kasama 🎵
26:50.6
🎵 Dito sa papadudod stories 🎵
26:54.6
🎵 Ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
27:01.6
🎵 Dito sa papadudod stories 🎵
27:07.7
🎵 May nagmamahal sa'yo 🎵
27:12.6
🎵 Papadudod stories 🎵
27:19.6
🎵 Papadudod stories 🎵
27:27.6
🎵 Papadudod stories 🎵
27:34.6
Hello mga ka-online! Ako po ang inyong si Papadudod.
27:38.7
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
27:42.6
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanoodin nyo.
27:47.7
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.