Close
 


Trillanes: ICC, nakipag-ugnayan na sa 50 pulis kaugnay sa drug war probe
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Isiniwalat ni dating senador Antonio Trillanes IV ang nakuha niyang impormasyong kinausap na ang International Criminal Court #ICC na dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police #PNP kaugnay sa imbestigasyon nito sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng #OneBalitaPilipinas ng One PH, iginiit ni Trillanes na dapat makipagtulungan ang mga opisyal dahil puwede sila madiin bilang suspek sa imbestigasyon at maaresto ng Interpol. Hindi rin umano dapat maniwala ang mga PNP official sa babala ng Department of Justice #DOJ na maaaring managot sa batas ang sinumang opisyal ng gobyerno na makikipagtulungan sa ICC. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 08:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Linawin lamang po natin, ano Senator, nakipag-ugnayan pa lang ba ang ICC dito po sa higit limampong polis na sinasabi po ninyo o actual na po silang nakausap?
00:13.6
Ang informasyon po natin na nakuha ay nakipag-ugnayan na ang ICC dun sa mahigit 50 na mga active and retired police officers the past two weeks.
00:28.1
Yan po ang nakuha natin, informasyon.
00:31.2
The past two weeks po, meron na po ba kayong, kasi po halo po ito, active and retired officials. May mga nakausap po ba kayo o kilalang nakipag-ugnayan na po sa kanila dito po sa limampong ito?
00:45.6
Hindi po kasi pwedeng mapangalanan kasi manganani po ang kanilang buhay dahil sila ngayon ay ma-identify na na pwede silang maging testigo.
00:56.7
Laban po kay Duterte. Kaya yun po yung confidentiality clause po nila.
01:04.1
So wala po kayong nakakausap ni isa dito po sa limampong kung saan nakipag-ugnayan po ang ICC?
01:12.4
Hindi po tayo pwede mag-comment sa ganyan mga tanong po. For their safety.
01:18.1
Alright. Pero meron po bang balita kayo o dun po sa nakukuha niyong informasyon na talaga pong ito pong limampong ito?
01:26.7
Are you willing pong makipag-cooperate po sa ICC?
01:32.3
Nasa sa kanila po yan. Kung hindi po kasi sila mag-cooperate, ay meron ng evidentia laban sa kanila. Implicated po sila.
01:42.6
So ito po yung kanilang opportunity to exonerate themselves. Pagka hindi po sila sumagot dyan, ay magiging suspects po sila.
01:50.6
At ganoon po. Pagkatuloy-tuloy po yung investigasyon na hindi nasasagot yung evidentia laban.
01:56.6
Sa kanila, eventually, ay ma-elevate po yung kanilang status at it may lead to an arrest warrant ng Bayan Interpol.
02:08.6
Kaya yun po. At sagutin ko lang po itong posisyon ng DOJ spokesman.
02:15.4
Maliliwanagin po natin, DOJ spokesman lang po ang nagpahayag na ito na ang ginagamit niyang posisyon ay yung statement ng Solicitor General, si Guevara,
02:25.9
na dating DOJ po ni Duterte. So ito po nag-aabogado ito kay Duterte.
02:31.4
At pagka sinunod yan ng mga polis, sila po ang mapapahamak dyan kasi sila po yung may asunto na hinaharap.
02:41.1
Yun pong sinasabing bawal mag-cooperate yung gobyerno or government officials,
02:46.8
this is in relation to your official status kung magbibigay ka ng dokumento o magbibigay ka ng pahayag,
02:55.9
hindi naman, hindi ka-involved sa case, pero ito po involved sila sa case eh.
03:00.7
Kaya hindi po sila, pwedeng hindi sumagot dyan.
03:03.9
At tignan na lang nila yung naging experience sila nung panahon ni Duterte na sinabi niya na,
03:09.8
sige patayin niyo yung mga tao, ako ang bahala sa inyo.
03:13.9
O ano nangyari nung sila ay nakasuan, yung kay Kian de los Santos, sila rin yung nakulong.
03:18.7
In-armor ba sila ni Duterte? Hindi.
03:21.1
Kaya pagkasunod pa sila dyan sa advice ni Guevara na ito ay,
03:25.9
pati ni Duterte ay lalo sila mapapahamag.
03:29.2
Pero Senator, ang sinasabi nga po ng DOJ, posible po silang maharap sa kasong administratibo?
03:39.3
Wala, ano lang po yan, it's a bluff.
03:41.8
Kahit tignan po natin kahit na anong batas sa RPC or yung sinasabi lang RA6713,
03:48.1
wala po nakasaad dyan na pag magbibigay ka ng statement to defend yourself as part of the due process,
03:55.9
sa International Tribunal, makakasuhan ka, pwede mong kasuhan yung magkakaso sa'yo dyan.
04:02.9
Kasi alam niyo, pagka sila ay napahamag dahil hindi sila sumagot dyan sa asunto na yan,
04:09.8
eh wala namang pakialam itong mga spokesman na ito o si Guevara mismo.
04:14.2
Kaya nga iniexplain ko, si Duterte mismo nung presidente siya, binigyan niya ng assurance yung mga pulis.
04:21.8
Sundin niyo lang ako, patayin niyo lang itong mga pinapapatay.
04:26.3
Sasagutin ko kayo.
04:28.0
Di ba? Sinabi niya yan.
04:29.4
Pero ngayon nga, kaliwat ka ng kaso na kinakaharap ng mga pulis na sumunod sa kanya, ano ba ang nangyari?
04:36.8
Di ba? Sila ngayon napahamag.
04:38.5
Ganon din dito, pag sinunod nila itong mga ito, sila ngayon ang mapapahamag.
04:43.5
Kasi sasagot naman sila in their private capacity as a respondent to a case.
04:51.6
Hindi pwedeng hindi sila sumagot dyan. Sila yung may kaso eh.
04:54.9
Hindi naman ito sinagipag.
04:55.9
All right.
04:57.5
Senator, doon po sa limampung active and retired officials, ilan po doon ang reterado na at active pa?
05:06.6
Ang karamihan po doon ay reterado na pero meron pa pong mga active.
05:12.4
So sabihin na lang natin, mas malaki ang porsyento ng mga reterado doon sa mayigit 50.
05:18.7
Palagay ko pananakot lang yan ni Guevara.
05:21.3
I don't believe. Yan po ang posisyon ng ating presidente.
05:25.9
Na literal na kung ikaw ay nasasakdal or may asunto kang hinaharap, kahit government employee ka na hindi ka pinapasagot na ni Presidente Marcos,
05:37.0
hindi ganon ang intention doon sa sinabi niyang hindi pwede mag-cooperate yung gobyerno in their official capacity.
05:45.1
Hindi as individual na respondent sa isang kaso.
05:50.5
Malaki po ang diferensya noon.
05:52.0
Apo. Doon po sa sinasabi natin na mga reterado.
05:55.1
So karamihan na ay reterado. Sinabi naman po ng DOJ na hindi po nila sakop itong mga reteradong polis.
06:01.2
So meron po ba kayong idea kung talagang they're seriously cooperating or nagbigay na po ba itong mga ito ng talagang statement?
06:14.1
Meron na pong nagbigay. Meron na pong nagbigay at meron na po nag-cooperate.
06:18.6
Pero itong sasabihin natin, hindi po ba unfair yan doon sa aktibo?
06:25.1
Pinagbabawalan silang depensahan yung kalilang sarili.
06:28.1
Pero yung mga reterado, pwede nilang depensahan yung kalilang sarili.
06:31.8
So ano po yan?
06:34.1
Palagay ko hindi kaanong nagbasa ng references niyan.
06:40.1
Itong DOJ spokesman ito, bago siya nagsalita dyan sa media.
06:46.2
So you can revisit. Titignan niyo. Within the next few months, mag-iibang posisyon niyan.
06:52.5
Babalikan po nila yan.
06:53.9
Ito po mga details.
06:55.1
Ito po mga details that you have na may mga nakikipag-ugnayan na nga po ay kumpermado po ito ng ICC sa inyo.
07:03.5
Sabihin na lang natin po na meron tayong mga nakaka-ugnayan na privy dyan sa investigasyon sa ICC.
07:12.6
At since 2017 po, nakikipag-ugnayan po ako sa kanila dahil isa po tayo sa mga naunang nag-file ng communication na ito.
07:21.6
So ilang years na po ang aming...
07:25.1
engagement with them.
07:27.1
So tayo rin po ang nagsabi na maglalabas ng preliminary examination decision yung ICC.
07:34.7
Ganun din sa investigation.
07:36.7
Pati yung mismong pagbisita nila noong December, tayo rin po ang naglabas niyan.
07:42.2
At nakumpirma mismo yan noong kampo nila Duterte.
07:45.5
So palagay ko naman yung ating mga informasyon ay nababalidate po.
07:50.0
Una na po sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi kikilalanin.
07:54.1
Ang anumang arrest warrant kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang sangkot sa drug war.
08:01.7
Sa kabila po nito, naniniwala po ba kayo na may patutunguhan pa itong investigasyon laban po sa war on drugs noong nagkaraang administrasyon?
08:11.1
Ako po naniniwala na si President Marcos will say what he needs to say, but eventually he will do what he needs to do.
08:18.9
Yun na lang po. Antayan na lang po natin pag lumabas na yung warrant.