Close
 


Mensahe ni PBBM sa ika-503 anibersaryo ng Kadaugan sa Mactan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sinabi ni Pres. #BongbongMarcos ngayong ika-503 anibersaryo ng Kadaugan sa Mactan na patuloy na nagwawagi ang mga Pilipino sa mga kinahaharap na pagsubok. Dagdag pa niya, sa pagdating ng iba't ibang pagsubok, mas kakailanganin ng bansa ang pagkakaisa at katapangan na labanan ang opresyon. "Ipagpatuloy natin ang laban at pag-tiyak na ang Bagong Pilipinas ay umapaw ng pag-asa, pagkakaisa, at pagkakataon para sa susunod na mga henerasyon," ani Pangulong Marcos. #News5Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 05:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maayong buntag sa inuntanan, nandito tayo ngayon upang sariwain ang kabayaniyang naganap mahigit limang daong taong nakaraan.
00:14.6
Ngunit ang mas mahalaga ang pagbabalik tanaw ang ating sagradong panunumpa na ating ipapagpatuloy ang diwang ipinamalas nila dato lapu-lapu.
00:28.0
Sa pagkat ang kanilang tapan at panindigan ay hindi lilipas kailanman, tulad ng hindi pagkupas ng ating pagmamahal sa bayan, sa kalayaan at sa ating kapwa-Pilipino.
00:44.1
Ang diwang makabayan ay hindi mabubura sa paglipas ng panahon, hindi lumulumbay sa pag-usad ng sibilisasyon at hindi nabubura ng teknolohiya.
00:58.0
Ang diwang makabayan ay hindi mabubura sa paglipas ng panahon, hindi lumulumbay sa paglipas ng ating pagmamahal sa bayan, sa kalayaan at sa ating kapwa-Pilipino.
01:28.0
Ito ay nakikita sa pagtitiwala natin sa ating sariling lakas at paniniwalang nakasalalay sa ating pagpupunyagi ang pagunlad ng ating bansa.
01:41.0
Ito ay nakikita sa pagmamahal natin sa ating kapwa, pag-aaruga sa mga napinsala, pagtulong sa mga nagdarahop at pagtanggol sa mga inaapit.
01:54.7
Ito ay nakikita sa matapang natin sa ating kapwa-Pilipino.
01:58.0
Ito ay nakikita sa ating pagpupunyaga at sa ating karapatan at sa pagtanggol kung anong ang atin ayon sa ilalim ng batas, sangayon sa pandaigdigang kaayusan at sa mata ng ating Diyos.
Show More Subtitles »