Close
 


'My Puhunan: Kaya Mo!': Paresan ni Diwata, nagbigay-asenso at yaman sa kaniya
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mula sa pagpasok sa iba't ibang klase ng trabaho gaya ng pagiging construction worker at parlorista, hindi sukat akalain ni Deo Balbuena o mas kilala ng nakararami sa tawag na "Diwata" na mararating niya ang tagumpay sa buhay nang dahil sa pagbebenta niya ng kaniyang pamosong "pares overload". "Maraming beses na talaga akong nagtinda na nalugi tapos tinda ulit. 'Pag wala nang puhunan trabaho," pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!". Umaga hanggang gabi, hindi nawawalan ng pila ang kainan ni Diwata simula nang magviral siya sa social media dahil sa kaniyang natatanging personalidad at abot-kayang pagkain na tiyak bubusok sa sikmura ng bibili nito. Binabalik-balikan sa kaniya ang pares overload at ang sumisikat niya ngayong fried chicken. "Binutasan ko sa gitna 'yan para mabilis maluto," paliwanag niya sa kaniyang "manok with a twist". Sumugal na magnegosyo si Diwata sa bangketa sa Pasay City. Ang naging problema niya ay ang clearing operations sa lugar. Dalawang buwan
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 09:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
May puhunang...
00:03.0
LINE!
00:18.1
Nakakatawa nga naman o, dahil ngayon po mga kapuhunan, e dalawang linya po ito.
00:22.4
Merong Paris Overload dito.
00:24.2
Paris Overload Line.
00:26.5
At meron ding Seekin Line.
00:30.5
Aba, e syempre, pag dumayo ka na dito, gusto mo na rin tikmang parehas.
00:36.3
Kaya, lahat po ng mga tao dito e, hindi lang minuto, kundi oras din silang pumipila para lang ma-experience.
00:43.3
Ang sikat na sikat at hype na hype.
Show More Subtitles »