* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:11.5
Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga hilig ng mga Pilipino.
00:19.0
Ano ba ang hilig?
00:21.1
Yung hilig, sa Ingles, yung pwedeng hobbies, pwedeng pastime, pwedeng mga interes, pwedeng mga likes o mga dislikes.
00:33.9
Yun ang hilig o mga hilig ng mga Pilipino ang tema natin.
00:42.6
At syempre, ito, subjective lang.
00:47.5
Hindi ako nakahanap ng survey o ng poll, pero ito lang yung opinion ko, yung sa tingin ko na karaniwang mga hilig ng mga Pilipino.
01:03.9
At pwedeng iba sa iba't ibang parte ng Pilipinas at iba't ibang social class, social status sa Pilipinas.
01:17.5
So, meron akong walo na naisip na hilig ng mga Pilipino.
01:24.1
Una, mahilig ang mga Pilipino mag-social media at mag-cellphone.
01:31.7
At siguro alam nyo na na yung Pilipinas ay tinatawag na social media capital ng mundo.
01:41.4
Kasi sa Pilipinas yung pinakamadaming tao na gumagamit.
01:47.5
So, madalas gumamit ng Facebook, ng Instagram, at kung ano-ano pang social media ang mga Pilipino.
02:01.0
So, isa yun sa mga hilig ng mga Pilipino.
02:05.7
Mag-social media, mag-share ng mga selfie, ng mga litrato, at mag-scroll, at kung ano-ano pa.
02:17.5
Mahilig ang mga Pilipino magluto.
02:23.3
At lalo na yung mga babae, kadalasan sila ang nagluluto sa bahay sa Pilipinas.
02:34.9
At yun, madaming iba't ibang recipe, madaming iba't ibang luto ang tinuturo sa kanila, sa amin,
02:47.5
At pinapasa sa susunod na henerasyon.
02:55.4
Siyempre, nandyan yung mga iba't ibang pagkain tulad ng adobo, sinigang, kare-kare, dinuguan, at iba pa.
03:08.4
Yung susunod naman ay yung nightlife.
03:14.2
Siyempre, depende sa tao.
03:17.5
Sa tingin ko, madaming Pilipino ang nag-e-enjoy sa nightlife.
03:24.4
At lalo na kung may alak, minsan, yun, nagkikita-kita ang mga kaibigan para uminom ng Red Horse,
03:35.5
uminom ng Sunnig Light, o kung anumang mga alak na meron kasamang pulutan.
03:49.2
hindi mahal ang alak sa Pilipinas.
03:52.6
At ang pulutan, kadalasan,
04:00.7
ang mahalaga yung magkakasama, yung mga magkakaibigan.
04:05.9
Yung susunod naman ay
04:14.9
So, depende sa lugar,
04:16.5
may mga lungsod na may parke o may plaza.
04:25.2
At, halimbawa, sa Luneta Park,
04:28.9
gusto ng mga Pilipino na tumambay sa parke.
04:35.7
At, umupo lang, makipagkita sa mga kaibigan,
04:41.0
at minsan, magpiknik o kumain.
04:46.5
At, manatili lang sa labas, sa parke.
04:51.0
Susunod naman, yung basketball o volleyball.
04:55.8
Kung makikita nyo sa iba't-ibang probinsya,
04:59.8
iba't-ibang lungsod,
05:01.7
madalas merong basketball court
05:04.5
na pwede rin maging volleyball court.
05:08.9
At, mahilig ang mga Pilipino
05:10.5
maglaro ng basketball
05:17.7
Ito siguro ang pinakasikat na sports sa Pilipinas.
05:22.5
At madaming tao, lalo na mga lalaki,
05:27.0
naglalaro ng basketball.
05:30.4
At, alam ang mga rules sa
05:34.6
At, magaling mag-basketball.
05:38.9
Ang susunod naman ay ang MALLING .
05:45.7
Pagpunta sa mall. Pagpunta sa isang mall. At syempre mainit sa Pilipinas kaya gusto ng mga Pilipino na pumunta sa mall, magpalamig at makipagkita sa mga kaibigan.
06:06.1
At susunod naman, nadalas hindi para gumastos, hindi para bumili kasi magastos, kasi mahal. Pero manatili lang sa lugar na malamig at magandang parang lugar para makipagkita sa mga kaibigan. Lalo na kapag tag-init.
06:32.8
Susunod naman yung vidyoke.
06:36.1
So sa Tagalog, yung tawag sa karaoke ay vidyoke or bidyoke.
06:45.5
At siguro alam nyo na madaming Pilipino ang magaling kumanta.
06:51.3
At siguro dahil yun sa vidyoke.
06:55.3
At kadalasan sa gabi, kung may vidyoke, kumakanta ang ibang mga Pilipino.
07:06.1
Hanggang umaga, ng malakas, at kahit natutulog na yung ibang mga tao, tuloy-tuloy pa din ang pagkanta.
07:18.8
At yun, depende. Minsan mayroon din alak, minsan mayroon din pulutan habang nagbibidyoke ang mga magkakaibigan, ang mga Pilipino.
07:36.1
Yung huli naman ay yung pagpunta sa pool o pagpunta sa isang dagat, pagpunta sa beach.
07:46.6
So mahilig dito ang mga Pilipino.
07:51.2
Lalo na kung mainit, sa tag-init, at syempre lalo na kung malapit sila sa dagat, may mga probinsya na malayo sa dagat.
08:04.8
Pero mayroon naman yung...
08:06.1
Mga nakatira malapit sa dagat at magandang pastime, magandang hilig ito ng mga Pilipino kasi mainit at maalinsangan at isang paraan ito para maging maayos ang pakiramdam.
08:27.4
Yun lang ang mga sikat na hilig ng mga Pilipino sa opinion ko.
08:34.0
At kayo, ano yung mga hilig nyo? Pareho ba yung hilig nyo sa mga hilig ng Pilipino?
08:43.0
So pwede nyo akong imensahe kasi interesante para sa akin.
08:48.6
Yun lang, salamat sa oras nyo.
08:51.5
Mayroong transcript, libre lang kung kailangan nyo at mayroong Patreon kung gusto nyo itong podcast.
08:59.6
Salamat at paalam.
09:04.0
Thank you for watching!