Close
 


PT2 KWENTO NI SATANAS
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANG KWENTO NI SATANAS AYON SA MATA NG ISA SA PINAKA MAGALING NA MANUNULAT SA KASAYSAYAN SAMA SAMA NATING TUKHAYAN SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 08:21
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Itong si John Milton ay kilala bilang isang makata na siya namang sumulat at may akda.
00:06.0
Ito ay ang libro na tinatawag na ang Paradise Lost.
00:10.0
Ito ay ang kwento ng Biblia ayon sa kanyang mata.
00:13.7
Kasama na dito ay ang kwento ni Satanas.
00:16.3
Mas ninais nitong maintindihan kung bakit ito ay nangyari kay Lucifer kesa sa sabihin na likas lamang ito na masama.
00:24.6
Ito po ay ang kwento ni Satanas Part 2.
00:28.1
Narinig ni Satanas si Adan na sinasabihan si Eva na maiging sumunod sa Ama.
00:33.6
Dahil ang lahat ng mayroon sila ay ibinigay niya sa kanila.
00:37.8
At huwag na huwag susuwayin ang kaisa-isang utos na Ama na huwag na huwag kakain ng bunga ng puno ng karunungan.
00:46.5
Huwag na huwag itong magrereklamo sa mga dapat nila nagagawin.
00:50.4
Dahil ang kapalit naman nito ay maaari silang mamuhay sa paraiso na sa kanila ay ibinigay. Pagsapit ng gabi,
00:58.5
nagsimula ng libutin ng anghel na si Gabriel ang Hardin ng Eden.
01:03.8
Doon nila sa wakas nahuli itong si Satanas.
01:07.0
Mula sa pagbabalat kayo nito bilang isang ibon, binago nito ang itsura niya at nagkunwari na isang palaka.
01:15.2
At dahil hindi nito malilin lang ang anghel na si Gabriel, agad siya nitong tinanong kung ano ang pakay niya sa paraiso.
01:22.8
Sumagot si Satanas na wala itong balak at wala naman itong dapat na ikabahala.
01:27.8
Ngunit hindi kumbensido si Gabriel sa sinabi nitong si Lucifer.
01:32.5
Agad na sinabi nito na kung hindi ito magsasabi ng totoo, ay agad na ibabalik siya nito sa impyerno na pinanggalingan nito.
01:40.9
At dahil sa bantang ipinupukol sa kanya ng anghel na si Gabriel, ay nagalit si Satanas at pumorma na mag-aaway na ang dalawa.
01:49.9
Ngunit bago pa man magsimula ang matinding duwelo ng dalawa, napigil ito ng dalawang ginintoang kaliskis na mula sa langit.
01:58.3
Alam ni Satanas saan ito ay nanggaling.
02:01.1
Alam din ito na sa lakas na mayroon ang anghel na si Gabriel, ay hindi niya ito matatalo.
02:06.8
Kaya naman napilitan ito na umalis sa hardin, ngunit hindi pa dito natatapos ang plano niya na nais niya na maisakatuparan.
02:15.2
Ito ay sa nilalang na tinatawag pala na sangkatauhan.
02:19.2
Dali ang ginising ni Eva si Adam.
02:21.5
Ayon kay Eva na siya ay nanaginip at nagising.
02:24.7
Ito ay dahil sa boses na kanyang narinig na nagmumula diumano sa puno ng karunungan.
02:31.2
Dagdag na Eva, sa kanyang panaginip nakita nito ang isang diumano ay anghel na kumakain ang bunga ng puno ng karunungan.
02:39.8
At ayon sa anghel na dapat daw na ang prutas na ito ay kanya rin na matikman.
02:45.6
Dagdag ng anghel ayon sa kanyang panaginip na sa pagtikim nito sa prutas, siya mismo ay magiging isa rin gyosa na walang hanggan ang maaarok na karunungan.
02:57.1
Sa panaginip niya, nang akmana niya ito natitikman ay nagising itong si Eva at sa kaginising naman ito si Adam.
03:05.3
Wala na ang anghel na kanyang napanaginipan.
03:08.5
Nababagabay man, ngunit ayon kay Adam na ito ay walang katotohanan at pawang panaginip lamang.
03:14.8
Sa panahong ito, alam na ng Diyos Ama ang binabalak nitong si Satanas.
03:19.5
Ngunit pinili nito na manalig sa espesyal nakakayahang iginawad niya sa ating mga tao.
03:25.3
Ang pagkakaroon ng layang pumili ng alin sa tama at mali.
03:30.2
Nananalig ang Diyos dahil sa alam na ni Adam at Eva ang mahigpit na ipinag-utos niya at gagawin nila ang tama para sa kanila.
03:39.5
Ipinatawag ng Diyos Ama ang anghel na si Raphael upang ipaliwanag kay Eva at Adam ang kaibahan ng prutas na dapat kainin
03:48.4
at ang prutas na dapat ay huwag suwayin at hindi dapat nila nakamin.
03:54.1
Para naman sa oras na dumating si Satanas ay mas maintindihan nila ang kanilang gagawin at sa oras na ito ay suwayin naman nila.
04:02.3
Ang parusang ipapataw sa kanila ay walang katumbas ang bigat.
04:06.8
Inaasahan ng Diyos Ama na ang paliwanag na ito ay ipahahatid ni Adam sa kanyang asawa na si Eva.
04:13.5
Ito ay upang maibsa na ang kalituhan na kanyang nararamdaman.
04:18.3
Nang tanungin ni Adam si Raphael kung bakit naman ang nilikha ng ama ay magkakaroon ng lakas ng loob upang suwayin siya.
04:26.5
Saka ikinuwento ng anghel ang naganap kay Satanas at sa mga anghel na nag-aklas upang sana ay mas maliwanagan pa siya.
04:35.4
Dagdag ni Raphael na lahat naman sana ay mapayapa hanggang sasabihin ng Diyos Ama na nais niyang magkaroon ng supling na kasama niya na mamumuno sa lahat ng kanyang nilikha.
04:47.5
Sa balitang ito naggalit si Satanas, ito ay dahil naniniwala siya na dahil nga tila ba perfecto siya sa paningin niya ay siya dapat ay ang kasama ng Diyos Ama na mamuno sa lahat ng nilikha niya.
05:00.9
At dahil dito kinumbinsi niya ang mahigit sa dalawang libong mga anghel upang hamunin at baguhin ang pamumuno ng amang lumikha sa kanyang sansinuko na ginawa.
05:12.2
Isa sa mga anghel na tinatawag sa pangalan na Abidel ang nagsabi kay Satanas na wala silang pag-aasang manalo sa rebeliyon na kanilang nais nasimulan kaya dapat lamang na sila ay huminto.
05:25.5
At ang anghel na si Abidel ay humingi ng tawad sa Diyos Aba sa pagkakamali na nagawa niya at siya naman ay pinatawad ng Aba.
05:34.5
Isang patunay na kung sino man ang nagkamali at tapat na nagsisisi ay talaga namang patatawarin ng Aba na lumikha.
05:42.3
Ang kwentuhan ng dalawa ay natapos sa pagsasabi ng anghel na si Raphael na itong si Satanas at lahat ng kaanib neto ay nagsimula na sa plano upang pabagsakin ang lahi ng mga tao.
05:56.3
Sila ay lilinlangin nito kaya dapat na ito ay katakutan ngunit dapat na maging matapag upang iwaksi nito ang mapanukso nito na panlilinlang.
06:06.0
Dito muli na naman nagtanong si Adan kung papaanong nilikha ng Ama ang tao.
06:11.0
Sinagot naman ito ni Gabriel na matapos ang digmaan sa kalangitan, labis na nalungkot ang Ama na lumikha.
06:18.3
Kaya naman ang bakanting lugar sa sanlibutan ay binigyan ng buhay ng Ama.
06:24.6
Sa kanya ginawa kayong mga tao at kung magiging matuwid kayo darating ang panahon na ang langit at lupa sa wakas ay magiging iisa na.
06:34.3
Natapos ang pag-uusap nila na kinakailangan na bumalik ni Raphael at sa kalangitan, muli nakabalik si Satanas sa Hardin ng Eden.
06:43.1
Matapos na makaiwas sa mga anghel na nagbabantay sa pader ng Hardin, nagbalat kayo ito sa pagkakataong ito bilang isang ahas.
06:52.6
Kinabukasan ng magising si Eva at Adan ay kinailangan nila na gawin ang gawain nila.
06:58.6
At dahil tila ba marami ito masyado, sinabihan ni Eva na ito ay hakatiin nila upang ito naman ay matapos nila ng maaga.
07:07.8
Alangan man sa sinabi ng asawa ay napapayag na rin ni Eva si Adan at silang dalawa ay naghiwalay ng lugar na pagtatrabahuan.
07:17.8
Doon na chempuhan ni Satanas na mag-isa itong si Eva at ito naman ay pilit na tinatawag niya.
07:24.6
Ayon sa ahas na si Satanas na ang prutas ng karunungan ang nagbigay sa kanya ng kaalaman at kagalingan upang ang ahas na katulad niya ay matatas na makapagsalita at makapag-usap sa kanya.
07:38.6
Mga Katinagalog ko, medyo napapahaba na po pero meron pa pong kasunod ito na agad ko naman po na ipopost para mabilis na matapos po.
07:47.6
Mga Katinagalog ko, abangan po ang part 3 ng kwento ni Satanas, ni Adan at Eva at marami pang iba.
07:54.6
Mga Katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.