Close
 


5 Investments Na Magpapayaman Sayo : Saan dapat ilagay ang ipon.
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video na ito, malalaman mo kung saan dapat ilagay ang iyong ipon. Seguro naman ay panahon na para bigyan ng trabaho ang iyong ipon at gawing katulong sa pagkita ng pera. Panuorin ang buong video para marami kang matutunan. Recommended video⬇️ Negosyo sa maliit na puhunan: https://youtu.be/T0ksfZ5mPBY VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 01:21 Paano makaahon sa hirap? 02:53 Bakit mahalaga ang mag-invest ng pera? 04:17 5 assets/investments na pwede mong lagyan ng iyong ipon. 04:44 #1 PAG-IBIG MP2. 07:09 #2 CDs o Certificate of Deposits. 09:28 #3 REITs o Real Estate Investment Trusts. 11:37 #4 Business 13:18 #5 Ginto. 14:50 Summary CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #IponTips #investmentTips #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 15:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Alam natin lahat kung gaano kahalaga ang pera. Kapag marami ka nito, marami ka rin options.
00:16.6
Nabibili mo yung mga bagay na nagpapasaya sayo, hindi ka namu-mroblema kung saan kakain at kaya mong i-provide ang sarili mong pangangailangan at pangangailangan ng iyong pamilya.
00:27.2
Ito ang desire at intention nating lahat. Ito ang dahilan kaya wiling tayong magtrabaho para maabot yung freedom na ating inaasam.
00:35.3
Pero ito ba ang tamang formula? Pagtatrabaho ba ang nag-iisang sagot para ma-achieve ang financial freedom?
00:41.7
Kung observahan mo ang mga tao sa iyong paligid, nakikita mo bang may freedom ang 30 years na sa kanilang trabaho?
00:48.4
Malamang ay majority sa kanila ay nagtatrabaho dahil walang choice. Kung hihinto sila sa pagtatrabaho, wala na rin silang kikitain.
00:56.6
At dito mo magkikita at malalaman ang problema, ang problema na wala kang income kapag wala kang trabaho.
01:03.1
Hindi ito problema kung bata ka pa at malusog pa ang iyong katawan. Pero kapag hindi mo binago ang ganitong strategy hanggang sa iyong pagdanda,
01:11.2
malaki ang chance na hindi mo kayang suportahan ang iyong sarili at iaasam mo sa iyong mga anak ang iyong mga pangangailangan.
01:18.4
Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan ng karamihan sa ating mga Pinoy. So ano ang dapat mong gawin para hindi hahantong sa ganito ang iyong buhay?
01:27.4
Ang una mong gagawin ay maghanap ka ng trabaho. Ito ang una mong responsibilidad ang magkaroon ng sariling income.
01:34.2
Hindi income ng iyong magulang, income ng iyong kapatid, kundi sarili mong income.
01:39.4
Pangalawa, every time na matatanggap mo ang iyong sahod, itabi mo agad ang minimum of 10% galing dito at huwag mo itong galawin.
01:48.0
Huwag mo itong ipautang, huwag ibili ng bagong gadget at magfocus ka lang na palakihin ito.
01:53.4
Tapos yung natirang 90%, doon mo ibase ang iyong lifestyle.
01:57.6
Kung hindi mo afford na mag-taxi at bumili ng mamahaling kape every week, huwag mo itong bilhin.
02:02.9
Tiis-tiis lang muna at sundin mo lang ang iyong budget.
02:06.2
Pangatlo, mag-aaral ka kung paano mag-invest ng pera.
02:09.7
Kapag meron ka ng income at meron ka ng naiipon, mas mabuting bigyan mo ng trabaho ang iyong ipon para meron kang katulong sa pagkita ng pera.
02:18.4
Ito ang tinatawag na investing.
02:20.6
Gagamitin mo ang iyong pera at ilagay sa isang asset na kayang mag-generate ng income.
02:26.0
Ang iyong asset o investment ay ang golden goose na kapag inalagaan ng maayos ay kayang magbigay sa iyo ng unlimited golden eggs.
02:34.7
May mga taong inaasa sa kanilang trabaho ang kanilang income pero iyong mga mayayaman nakafokus sila sa pagpapalaki ng kanilang assets.
02:43.0
Dahil kapag darating na iyong time na gusto na nilang magretiro o nakapagdesisyon sila na gusto nilang huminto sa pagtatrabaho, malaya silang gawin ito dahil meron silang income.
02:53.0
Maraming dahilan kung bakit mahalaga ang mag-invest.
02:56.2
Una, para malabanan mo ang inflation.
02:59.2
Kung hindi mo paalam ang meaning ng salitang inflation, ito yung pagtaas sa presyo na mga bilihin at pagbaba sa halaga ng ating pera.
03:07.4
Halimbawa, kung meron kang 100 pesos ngayon tapos ang presyo ng bigas ay 50 pesos per kilo, kaya mo pang bumili ng 2 kilo.
03:16.0
Pero kung nagkaroon ng inflation at naging 53 pesos na per kilo ang presyo ng bigas, nababawasan na ang halaga o purchasing power ng iyong 100 pesos.
03:25.7
At hindi na yun sapat para makabili ka ng 2 kilo ng bigas.
03:29.5
So kung patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin tapos yung income mo ay ganun pa rin, maaapiktuhan ka talaga ng inflation.
03:37.5
Kaya napakahalaga na mag-invest.
03:39.5
Kapag meron kang pera na nagtatrabaho sayo at nagbibigay sayo ng interest, meron kang pangontra sa inflation.
03:46.5
Pangalawang dahilan kung bakit mahalaga ang mag-invest ay katulad ng sinabi ko kanina.
03:51.5
Hindi habang buhay mananatili tayong bata, kaya kailangan nating paghandaan ngayon ang ating hinaharap.
03:57.5
Kapag marami kang investment, malaki ang chance na babibigyan mo ng mabuting kinabukasan ang iyong sarili dahil meron kang moneymaking machine na nagbibigay sayo ng passive income.
04:08.5
Marami pang dahilan kung bakit mahalaga ang mag-invest ng pera at idediscuss na lang natin yan sa iba pa naming videos.
04:15.5
Dahil ang main topic natin ngayon ay saan ka pwede mag-invest.
04:19.5
Ito ang madalas niyong tanong, saan mo pwedeng ilagay ang iyong ipon para kikita ka pa ng pera?
04:24.5
Saan safe mag-invest yung hindi scam?
04:27.5
Kaya naman sasagutin natin yan ngayon.
04:29.5
Ibabahagi ko sayo ang limang investments na pwede mong paglagyan ng iyong pera.
04:34.5
Make sure na malista mo ang limang assets na idediscuss ko para ma-review mo ito pagkatapos mong panuori ng video.
04:40.5
So simula na agad nating talakayin ang unang investment.
04:44.5
Asset number 1, Pag-ibig MP2. Siguro naman ay familiar ka na sa pag-ibig MP2.
04:50.5
Isa ito sa popular investment dito sa Pilipinas.
04:53.5
Ang kagandahan sa ganitong investment ay less hassle, tax-free, low-risk at tsaka kahit minimum wage earner ka ay pwede kang mag-invest.
05:02.5
Dahil nagre-require lang ito ng minimum of 500 pesos na initial investment.
05:07.5
Ayon sa website ng pag-ibig, ang kanilang average na debit and rate taon-taon ay 6%.
05:12.5
So kung ikaw yung tipo ng tao na gustong mag-ipon and at the same time kumikita yung ipon mo, bagay sayo ang mag-invest sa pag-ibig MP2.
05:20.5
Ang programang ito ay para sa mga kasalukuyan at previous member ng pag-ibig.
05:25.5
Para ito sa mga taong naghahanap ng low-risk investment at gustong ma-diversify yung kanilang investment portfolio.
05:32.5
One thing to consider lang kung gusto mong mag-invest dito, ay siguraduhin mo na ang perang ipapasok mo ay extra o perang hindi mo gagamitin sa ibang bagay.
05:41.5
Dahil merong maturity period ang pag-iinvest dito, which is 5 years.
05:46.5
Ibig sabihin, hindi mo pa magagamit ang perang pinasok mo sa investment hanggat hindi pa naabot nito ang kanyang maturity.
05:54.5
Pero regarding dun sa dividend o interest ng iyong investment, ibibigay naman yun ng pag-ibig sa iyo taon-taon.
06:00.5
At desisyon mo na yun kung gagamitin mo ito o ibabalik sa iyong investment para mas lumaki pa ito lalo.
06:06.5
So advice ko kung gusto mong mag-invest dito ay una, mag-invest ka lang ng sakto.
06:11.5
Hindi yung sapilitan ng paglalagay ng malaking halaga pero short ka na sa iba mong pangangailangan.
06:17.5
Pangalawa, dapat meron kang emergency fund.
06:20.5
Dahil hindi mo pwedeng galawin yung perang inilagay mo sa iyong investment, mas mabuting may pera kang nakalaan para sa mga unexpected na pangyayari.
06:29.5
So ang mabuti mong gawin ay i-divide mo ang iyong ipon.
06:32.5
Pwede mo gawing 50% sa investment at 50% sa emergency fund.
06:37.5
Halimbawa, kung kaya mong mag-ipon ng 10,000 pesos buwan-buwan, ilagay mo ang 5,000 pesos sa pag-ibig in P2 at ang kalahating 5,000 pesos naman ay para sa iyong emergency fund.
06:49.5
Mas mabuting meron kang strategy sa pag-iinvest para hindi ka mahirapan sa huli.
06:54.5
So isipin mo nalang kung magsisimula ka ngayon sa pag-iipon at ipapasok mo ito sa investment na may 6% interest taon-taon, magkano kaya ang posibleng aabuti nito after 5 years?
07:06.5
Hindi na masama, di ba?
07:08.5
Asset number 2, CDs or Certificate of Deposits.
07:13.5
Kung ikaw yung tipo ng tao na naghahanap ng isang secure at low risk investment, ito na ang pinakamagandang investment para sayo.
07:21.5
Ang CDs or Certificate of Deposits ay isang produkto ng mga bangko na nagbibigay ng mas mataas na interest kumpara sa iyong regular savings.
07:30.5
Simple lang kung paano ito gumagana.
07:32.5
Una, syempre dapat meron kang ipon, pera na nakalaan lamang sa investment, pera na hindi mo gagalawin at gagamitin sa ibang bagay.
07:41.5
Pangalawa, ilagay mo ito sa bangko as time deposit at hayaan mong sila muna ang gagamit ng iyong pera.
07:47.5
Pangatlo, kailangan mo lang hintahin ang maturity ng iyong investment.
07:51.5
At pangapat, ibabalik na ng bangko ang hiniram nilang pera sa iyo kasama ang napagkasundoang interest.
07:58.5
Kung ang regular savings account ay nagbibigay lang ng 0.1 to 0.5 percent interest sa iyong ipon taon-taon,
08:05.5
ang CDs ay kayang magbigay ng average 4 percent taon-taon, pero depende pa rin yan sa offer ng mga bangko.
08:12.5
Posibleng mas maliit o mas malaki pa ang pwede mong kitain na interest.
08:16.5
Ang maturity ng ganitong investment ay nagmumula 6 months hanggang 5 years.
08:21.5
The more na hindi mo gagalawin ang iyong pera hanggang sa maturity period nito, mas malaking interest ang pwede mong kitain.
08:28.5
Isa pang kagandaan sa ganitong investment, aside sa malaking interest, protected ito ng FDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation.
08:36.5
Kung sakaling nalugi o nagsara ang bangko na nilagyan mo ng iyong pera, kaya nilang ibalik ang halaga na hindi lumagpas ng 500,000 pesos.
08:45.5
Ang risk naman dito ay kapag lumagpas ng 500,000 pesos ang pera mo sa bangko, halimbawa meron kang 570,000 pesos sa iyong savings account,
08:55.5
tapos nalugi ang bangko na nilagyan mo nito, unfortunately 500,000 pesos lang ang kaya nilang ibalik sayo dahil yan lang ang maximum na halaga na insured ng FDIC.
09:06.5
Pero bihira lang ang bangko na nalugi, gumagawa rin sila ng paraan para maiwasan ito.
09:11.5
Kaya kung naghahanap ka ng safe investment, yung parang nag-iipon ka lang, magandang panimula ang ganitong investment.
09:18.5
Kung gusto mong sumubok, puntahan mo lang ang mga bangko sa inyong lugar at mag-inquire ka tungkol dito at ikumpara mo kung sinong bangko ang may pinakamagandang offer.
09:27.5
Asset number 3, REITS o Real Estate Investment Trust.
09:32.5
Ang real estate ay isa sa mga subok at profitable investments na available sa market ngayon.
09:37.5
Pero kunti lang nagkakaroon ng ganitong asset dahil sa obvious na dahilan, kailangan mo ng malaking kapital para magmayari ng isang property.
09:46.5
Kaya kung sakto lang ang iyong pera ngayon, pero gusto mong mag-invest sa real estate, magandang option ang REITS o Real Estate Investment Trust.
09:54.5
Katulad ng ibang investment, bibili ka ng REIT shares sa isang kumpanya na nagmamayari ng isang real estate properties.
10:01.5
Gagamitin nila ang iyong pera sa pag-expand ng kanilang business kagaya ng mga hotel, mall, apartment at commercial building.
10:09.5
Nakakatanggap sila ng income galing sa kanilang mga properties.
10:13.5
At ikaw bilang isang shareholder ng kanilang kumpanya, bibigyan ka rin nila ng dividend o interest sa perang ininvest mo sa kanila.
10:21.5
Ang maganda sa ganitong investment ay low risk at mataas na profit ang kayang ibalik sayo.
10:27.5
Average 3-8% interest per year ang pwede mong kitain.
10:31.5
Simple lang kung paano mag-invest sa REITS.
10:34.5
Kailangan mo lang bumili ng shares sa mga malalaking kumpanya na merong real estate properties.
10:39.5
Gaya ng Ayala Land, Double Dragon Properties, Robinson's Land Commercial, Philinvest, Megaworld at Vestaland.
10:47.5
Makakabili ka nito sa mga accredited online broker ng Philippine Stock Exchange gaya ng Call Financial,
10:53.5
BPI Trade, First Metro Securities at BDO Securities.
10:58.5
Ang kikitain mo sa ganitong investment ay nakabase sa performance ng kumpanya na nilagyan mo ng iyong pera.
11:05.5
Kaya mabuting pag-aralan mo muna kung sinong kumpanya ang consistent na may malaking return bago ka mag-invest.
11:11.5
Isa pang maganda sa ganitong investment ay ang kanyang liquidity.
11:15.5
Ibig sabihin, pwede mong i-withdraw anytime ang iyong pera dahil nakatrade ito sa loob ng Philippine Stock Exchange.
11:22.5
Hindi katulad ng time deposit na merong maturity at posible ka pang ma-penalize kung i-withdraw mo ng maaga ang iyong pera.
11:29.5
Ang REITs ay isa sa mga safe investment na pwede mong simulan ngayon at maganda itong idagdag sa iba mo pang mga investment.
11:37.5
Asset number four, business o sarili mong negosyo.
11:41.5
Isa ring magandang asset ang pagkakaroon ng negosyo.
11:44.5
Ito ang madalas na goal ng karamihan especially mga employee.
11:48.5
Dahil sa negosyo, flexible ang iyong oras at kapag napatakbo mo ito nang maayos,
11:53.5
posibleng kikita ka ng 10 times mahigit sa sahod mo sa iyong trabaho.
11:58.5
Ang inaakala ng karamihan, kailangan mo ng malaking kapital para magsimulan ng negosyo
12:03.5
at dahil sa ganitong ideya, wala na silang nasisimulan.
12:06.5
Ang hindi lang nila alam, maraming negosyo ang pwede mong simulan ngayon gamit lang ang maliit na puhunan.
12:12.5
Kung gusto mong malaman ang mga negosyo na iyon, panoorin mo ang nagawa na naming video tungkol dito.
12:18.5
Hanapin mo nalang ang link sa description at comment section ng videong ito.
12:22.5
Ang pagkakaroon ng negosyo ay hindi biro.
12:25.5
Mas risky ito na investment dahil posibleng ka talagang malugi rito.
12:29.5
Ayon nga sa report, 80 to 95 percent ng mga small businesses
12:33.5
ay nagsara at nalugi sa loob ng limang taon na pag-u-operate.
12:37.5
Obserbahan mo nalang yung mga food carts sa loob ng mall.
12:40.5
Alam mo pa rin ba hanggang ngayon ang mga nagtitinda five years ago?
12:44.5
Malaki ang chance na majority sa kanila ay walang naibabalik na profit sa kanilang negosyo kaya sila nagsara.
12:50.5
Kaya napakabuting maglaan ka muna ng sapat na oras para pag-aralan kung ano yung fundamental sa negosyo.
12:56.5
Dahil ang madalas na nangyayari kaya nag-fail ang isang negosyo,
12:59.5
hindi dahil pangit yung product nila kundi hindi alam ng business owner ang tamang pagpapatakbo ng kanyang negosyo.
13:06.5
Pero kahit ganun pa man, kahit medyo risky ang pagnenegosyo,
13:10.5
mataas pa rin ang iyong chance na mag-succeed at magkuhang malaking reward
13:14.5
kung willing ka na matuto at mag-adapt sa kondesyon ng market.
13:18.5
Asset number five, Ginto.
13:21.5
Alam naman nating lahat ang popularity at halaga ng ginto.
13:24.5
Malaking parte ito sa ating kasaysayan dahil meron ng gold noong sinaunang panahon
13:29.5
at isa ito sa pinakaunang currency o pera na ginagamit ng mga tao dati.
13:33.5
Ika nga sa statement ni Robert Kiyosaki,
13:36.5
Gold is God's money.
13:38.5
Magandang investment ang ginto dahil pihira lang bumababa ang halaga nito.
13:42.5
Sa katunayan, mas lalo pang tumaas ang value ng gold noong nagdaang pandemic.
13:46.5
Sa tingin ko, mas mabuting magstore ka ng ginto sa halip na cash
13:50.5
dahil mapoprotektahan nito ang purchasing power o halaga ng iyong pera
13:55.5
at yan ang main purpose ng pag-iinvest sa gold.
13:58.5
Kahit hindi siya ang uri ng investment na magbibigay sa iyo ng malaking income
14:02.5
pero kaya naman niyang protektahan ang iyong yaman.
14:05.5
Merong iba't ibang strategy ang mga taong nag-iinvest sa gold.
14:08.5
It's either bumibili sila ng physical gold sa mga pawnshop at banko
14:12.5
o di naman kaya'y nag-iinvest sila sa mga kumpanya na nagmimina ng ginto.
14:17.5
Kung interesado kang pumasok sa ganitong investment,
14:19.5
wala akong ibang maipapayo kundi pag-aralan mo ito ng mabuti
14:23.5
at huwag basta magtitiwala sa mga taong nagbibenta ng ginto, especially online.
14:28.5
Mas mabuting bumili ka lang sa mga trusted na pawnshop.
14:31.5
Lahat ng investment ay merong kasamang risk
14:34.5
kaya napakalagang mag-aral ka ng mabuti sa investment na plano mong pasukan.
14:39.5
Dahil ikaw ang nagmamanage ng iyong mga asset,
14:41.5
dapat ay marunong ka rin gumawa ng mabuting desisyon
14:44.5
at makapagdesisyon ka lang ng maayos kapag marami kang alam sa iyong investment.
14:49.5
So in summary, ang limang assets na pwede mong lagyan ng iyong pera ay
14:54.5
1. Pag-ibig MP2
14:56.5
2. CDs or Certificate of Deposits
14:59.5
3. REITs or Real Estate Investment Trust
15:03.5
4. Business o Negosyo
15:06.5
5. Ginto
15:08.5
Sa limang assets na tinalakay natin ngayon,
15:11.5
alin sa mga ito ang balak mong simulan?
15:13.5
At sa iyong opinion, ano pang investment ang magandang pasukan?
15:16.5
Magbigay ka ng comment sa iba ba.
15:19.5
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayong araw.
15:22.5
Huwag kalimutang mag-subscribe para lagi kang updated sa bagong videos na i-upload namin.
15:28.5
I-like, mag-comment at i-share mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
15:32.5
Maraming salamat sa panunood at sana ay magdagumpay ka!