Close
 


Supply ng lokal na bawang sa Metro Manila, bumababa | SONA
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Bukod sa sibuyas, problema na rin daw sa Metro Manila ang supply ng lokal na bawang. Si Pangulong Marcos naman, nanghihingi ng paliwanag sa pagtaas ng presyo ng itlog. May report si Bernadette Reyes. State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo and Maki Pulido. It airs Mondays to Fridays at 10:30 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
GMA News
  Mute
Run time: 02:42
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Bukod sa sibuyas, problema na rin daw sa Metro Manila ang supply ng lokal na bawang.
00:05.8
Si Pangulong Marcos naman, mag-ihingi ng paliwanag sa pagtaas ng presyo ng itlok.
00:10.0
May report si Bernadette Reyes.
00:15.0
Pahirapan na raw makakuha ng supply ng lokal na bawang ang mga nagtitinda nito sa Metro Manila.
00:21.0
Hirap din silang maibenta ito.
00:23.0
Hindi po mabili yung native na bawang kasi mataas, malayo yung difference sa imported na bawang.
00:29.0
Nasa P260 to P300 pesos per kilo ang local garlic, habang P90 to P140 pesos lang ang imported.
00:37.0
Doon po tayo nakakatipid. Kung ano po yung mura, doon po tayo.
00:40.0
Sa Mindoro naman, bukod sa masamang panahon,
00:43.0
nagiging problema na rin daw ng mga onion farmers ang paunaan sa reservation sa mga storage facility.
00:49.0
Panay ang ulan. Kaya ng mga katabi ko dyan ay sira ng mga sibuyas.
00:54.0
Buti nga sa akin medyo nahuli kaya nakakaligtas sa ulan.
00:58.0
Hiling nila tulungan sila ng lokal na pamahalaan upang tumaas ang bentahan ng sibuyas.
01:03.0
Nag-inspeksyo naman ang National Plant Quarantine Services Division 4B sa mga cold storage facilities
01:10.0
upang masiguro ang kalidad at kapasidad ng mga ito para sa aanihing sibuyas.
01:15.0
Talagang for this time ay pagbibigyan nila yung maliliit nilang farmers.
01:19.0
And then by the month of March, first week ng March to second week,
01:23.0
mag-estart sila ng accommodation ng anumang na-harvest na sibuyas dito sa Occidental Mindoro.
01:28.0
Sabi naman ng Cold Chain Association of the Philippines,
01:31.0
Handa naman kami makipagtulungan lagi sa gobyerno.
01:34.0
Pwede kaming pumasok to enter into a partnership agreement with government
01:40.0
whereby we can offer to run the operations and manage the facilities.
01:47.0
Naghihingi naman ang paliwanag si Pangulong Bongbong Marcos sa labis na pagtaas ng presyo ng itlog kahit sapat ang supply.
01:54.0
Inutusan ng Pangulo si Department of Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban
01:59.0
na makipag-usap sa mga egg producer at traders kaugnay nito.
02:03.0
We determined that the increase of price of eggs is not commensurate to the increase in production cost.
02:10.0
So we will have to have a look to see how to control that
02:14.0
because we cannot explain almost one half of the profit margin that we're seeing.
02:22.0
We cannot attribute it to cost.
02:24.0
Base sa price watch ng DA nitong January 13,
02:27.0
umabot na sa P9 ang presyo ng medium-sized na itlog
02:31.0
kumpara sa P6.90 na retail price noong December 2022.
02:37.0
Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.