Close
 


Chinese tourists na dumating sa bansa, sinalubong ni DOT Sec. Frasco at ng Chinese Ambassador| Saksi
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.
Mga turistang galing China, sinalubong nina Tourism Secretary Christina Frasco at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 11:00 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ #Nakatutok24Oras Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
GMA News
  Mute
Run time: 02:22
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Mga turistang galing China, sinalubong nila Tourism Secretary Christina Frasco at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Shilian.
00:10.4
January 17 pa nagsimulang magdatingan ang bulto ng mga Chinese tourists sa bansa simula ng luwagan nila ang kanilang zero COVID policy.
00:19.0
Mula noong taong 2020, ngayon lang ulit pinayagan ng China ang kanilang mga kababayan sa mga group tour.
00:25.5
Ayon sa Tourism Department, isa ang Pilipinas sa dalawampung bansa na pinayagan ng China na makabiyahe ang kanilang mga kababayang turista.
00:34.0
Tulad ng ibang bibisita sa bansa, hindi na kailangan ng screening para sa mga fully vaccinated na turista.
00:40.5
Pero kapag walang bakuna, kailangan magpakita ng negatibong RT-PCR test result.
00:47.0
Suspended Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag, hindi dumalo sa preliminary investigation.
00:52.8
Kaugnay sa reklamong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapi at ang sinasabing middleman na si Cristito Villamor Palania.
01:00.2
Ayon sa kanyang abogado, may mahalagaumanong aayusin si Bantag.
01:04.5
Pinayuhan din nila ang kanyang kliyente na huwag nang dumalo dahil submission lamang ito ng kanilang motion for reconsideration.
01:11.7
Yan ay para sa naunang desisyon ng prosekusyon sa kanilang motion for inhibition laban sa DOJ prosecutors.
01:18.7
Nais din ang kampo ni Bantag na ang Office of the Ombudsman ang duminig sa kaso at doon siya magsusumite ng kanyang counter-epidavit.
01:26.7
Itinakda ang susunod na hearing sa January 31.
01:31.2
Sakit sa puso, nangungunang cause of death sa Pilipinas, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
01:37.7
Mula January hanggang September 2022, 77,173 ang namatay sa ischemic heart diseases
01:45.7
o heart problem na dulot ng kumitid na daluyan ng dugo papuntas sa puso.
01:50.7
Sinundan niya ng cerebrovascular diseases gaya ng stroke na ikinumatay ng 42,890 na tao.
01:58.7
Neoplasms o cancer naman ang third leading cause of death na may 42,497 recorded cases.
02:06.2
Sinundan niya ng diabetes at hypertensive diseases.
02:09.7
Ang COVID-19 kasama pa rin sa top 20 ng mga leading cause of death sa bansa.
02:15.2
Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, ang inyong saksi!


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.