Close
 


LAPID FIRE NI ROY MABASA (SECOND PART) JAN 24, 2023
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button.

LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute
Run time: 28:33
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
... Sa galit ng isang sinasabing mga kaibigan sabi niya, not credible, not capable, not qualified. Yan ang tanong, paano nakapasok yan ni PNL?"
00:30.0
... Alam niyo hindi naman kagulat-gulat na magsuspetsa itong mga matatalas na ating mga mababatas dito sa Global ComRCI. Sinasabi nila na ito ay maaring kasabwat, kasapakat o kasindigatuhan ng Pagcor o Pogo.
01:00.0
... So mantakin ninyo ang Pagcor. 46 years na silang tumatakbo bilang isang malaking korporasyon na nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno.
01:30.0
Hindi nila malaman na ito ay isang hausyaw o mambubudol.
02:00.0
... Ito ang narahil ang nagagawa ng salapi ng kwarta. Kaya magpapikit ng matang dilat na dilat at kaya din gawing tanga ang isang nakakaintindi. Ganyan lang kasimple ang salapi, ang kwarta, ang lagay, ang korupsyon.
02:30.0
... So as a bystander at isang miron kung yan ang sasabihin nila, namamanghana lang tayo.
03:00.0
Q1. Ano ang balak sa reaksyon ng ating Pangulo?
03:30.0
Kahit paalam niya na ito ay iligal sa China at mismo ang gobyerno ng China sa pamamagitan ng kanilang embahada dito ang nagsasabi na walang idudulotan niya na mabuti yan sa Pilipinas at maging sa relasyon ng dalawang bansa.
03:52.0
... Yan ang sinasabi ng China. Matigas lang talaga ang ulo nitong si de Junior. Bakit hindi niya mabasa ang lingwahe na napakadali?
04:22.0
... Ang mga tao na nakinabang na dyan sa loob ng nakalipas na 6 na taon.
04:47.0
Pero kung tayo ay kukonsultahin ng ating mahal na Pangulo, isa lang ang maipapayo natin kay Pangulong de Junior, ang maipapayo natin sa kanya ay to cut and cut cleanly.
05:10.0
Hindi ko siya pinagbibitaw, baka sabihin ninyo pinagbibitaw natin ng Pangulo. Di natin siya pinagbibitaw sa pwesto. Parang awa nyo na Mr. President huwag kayo magbibitaw kasi masama ang kahihinat ng Pilipinas pag ginawa nyo yan.
05:31.0
Ang ibig ko pong sabihin ay lubayan na natin niyang pogo sapagkat yan po ay isang bagay na masama at nakadikit sa pangalan ng inyong pinalitan mga kaibigan.
06:01.0
So bibigan lang natin, may kwento ko lang po sa inyo. Bibigan lang natin ng medyo historical perspective yung katagang cut and cut cleanly.
06:17.0
Yan pong kataga na yan ay mga pamosong salita na binitiwan ng isang Amerikanong politisyan na nagngangalang Senator Paul Laxalt.
06:35.0
Ito ay nang kausapin niya si former President Ferdinand Marcos Sr. Opo si Apo po yan. Ito po ay sa kanilang pag-uusap sa kasagsagan ng EDSA People Power noong 1986.
07:06.0
Ito ay nangyari sa isang telephone conversation. Sinanong ni Marcos Sr. si Senator Laxalt kung ano ang kanyang gagawin o kung kinakailangan na ba niyang magbibitaw sa tungkulin o bumaba sa pwesto sa mga sandaling iyon ng Pebrero 1986.
07:34.0
So ito po ang eksaktong sinabi ni Senator Paul Laxalt. Sabi niya, I think you should cut and cut cleanly. I think the time has come.
07:56.0
Yan po ang sinabi ni Paul Laxalt kay Marcos sabay baba po ng telepono mga kaibigan.
08:26.0
So tutusin mga kaibigan, kanina kasi habang tayo nag-iisip bumabalik sa atin, sinasariwa ng ating isipan ang nangyayari ng panahon na iyon.
08:42.0
Nasa gitna rin ng kasaysayan ng panahon na iyon. Tayo ay nakatira noon kung di ko nagkakamali sa New Manila sa isang maliit na apartment doon at nakikita natin ang araw-araw na anti-Marcos rally na dumadaan sa ating harapan sa tungo sila ng EDSA noong panahon na iyon.
09:04.0
So naalala ko lang yan dahil medyo naguguluhan tayo kay Pangulong Marcos Jr. kung ano talaga ang gusto niyang maging posisyon dito sa Pogo.
09:16.0
Dapat bitawan mo na yan. Wala nang idinudulot na mabuti. Isipin mo, nagpapatayan, nakikidnapan na. Bumababa na rin ang value niya.
09:25.0
Mga nagiging source ng corruption sa iba't ibang ahensya ng gobyerno ang Pogo na yan. Wala na tayong konkretong pakinabang diyan.
09:36.0
Maging itong malilit na mamamayan na umaasa sa aming kinikita araw-araw, wala namang direct ang pakinabang diyan.
09:46.0
Nakakasira pa sa imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Di po ba? So yan po ang Pogo. Harinawa matauhan ng ating Pangulo.
09:59.0
At alam ko naman ang ating Pangulo kahit gaganyan-ganyan, nag-iisip din niya pagdating sa gabi.
10:07.0
Di ba sinabi niya? Malagi siyang gising mga kaibigan. Hindi siya pinapatulog ng problema diyan po sa West Philippines.
10:17.0
So bago natin puntahan, total binanggit ko na West Philippinesino, bago natin puntahan yan mga kaibigan tayo po muna ay babate ng ating mga...
10:45.0
Di lang ang ating mga tingkapakinig sapagkat meron pong nag-celebrate ng kanyang karawan ngayon, January 24.
10:56.0
Ito po ay walang iba kung hindi ang isa sa mga nakikinig yata sa atin ngayong gabi, ito po ay walang iba si Atty. Christy Agkawili.
11:10.0
Siya po ay kasalukuyang nasa Amerika sa mga panahong ito pero ang pagbati ay galing na rin bukod sa atin, bukod dito sa Lapid Fire,
11:21.0
nang galing ang pagbati kay Gen. Benny Bergara na siya naman po ay nasa Sydney, Australia mga kaibigan.
11:32.0
Ito po ang handog natin kay Atty. Christy Agkawili.
12:02.0
At abuting mo pa sana ang maraming kaarawan.
12:22.0
Ayan po mga kaibigan muli ang aming pagbati kay Atty. Christy Agkawili. Pinabati natin lahat ng mga nakikinig.
12:32.0
Ito si Janet Pe, si Myla Topacio, Nancy Ceriza, June Martinez.
12:53.0
Anyway, si Cez Cochon, si Ellie Albau, si Annie Tondreau from London, si Marita Montajes, si Ken Lim mga kaibigan,
13:13.0
si Zeke Lee, si Evangelista Mario, Leticia Gutierrez, Malixi Rafael Malixi, Nancy Ceniza, Junjumin Aceb Acabayo, Anita Japon,
13:30.0
si Sky High, si Del Pangilinan, si Tess Caraccio, happy birthday, bumabati siya, si Maria Teresa Palomo, si Liones Ader,
13:45.0
si Forex Sata Maria mga kaibigan, si Alexis B. Rinski, Gracia Gachupo, John Sison mga kaibigan, si Ernie Esguerra at si Lourdes De Vera.
14:09.0
Bumabati pa tayo ulit, may discuss lang ako sa inyo. Ito naman may kinalaman sa huling kataga na binanggit natin, ito ang may kinalaman sa West Philippine Sea.
14:24.0
Sa pagkat ito ay araw-araw may nangyayari, may nagtasalita dahil napaka importante nito sa ating kasarinlan, sa ating bansa bilang isang malaya na bansa at kailangan ng Pilipino ay paninindigan natin kung what ours is ours.
14:44.0
Ito ang nasabi ng isang dating foreign secretary natin, what ours is ours, ang atin ay atin. So ito naman habang pilit na pinuposisyon ni PDR, habang pinipilit niyang iposisyon...
15:04.0
Sorry, habang pinipilit niyang iposisyon ang Pilipinas na maging neutral dito sa banggaan ng mga dambuhalang elefante o ito mga superpowers, iba naman ang kinikilos at sinasabi ng kanyang second cousin.
15:25.0
Sino po yan? Yung ating ambasador sa USA. Wala pong iba kung ito pong si Jose Romualdez. So hindi tayo nakakatiyak kung itong dalawang ito ay nag-uusap.
15:43.0
Kasi nga magkaiba sila ng sinasabi, nag-uusap pa kayang magpinsan, magkaiba ang direksyon ng inyong pinagsasabi. Nagbibigay lamang ng kalituhan ang kanilang conflicting statements sa mga tagamasid at usyuserong kagaya natin.
16:04.0
Nalilito ko. Sinasabi nito si Romualdez mga kaibigan kaninang umaga, tandaan ninyo ang posisyon ng Pangulo natin si Pangulong BBM ay hinahanap niya na maiposisyon niya ng neutral ang Pilipinas.
16:21.0
Which is ipinaliwanag ko sa inyo, napaka-imposible dahil po sa tratado at kasunduan ating nilagdaan sa kabilang dagat, ito ang USA.
16:35.0
Anyway, ang sinasabi kaninang umaga nitong kanyang pinsan, second cousin na si Romualdez, mayroon na daw nagaganapan niya na talakayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pagsasagawa ng joint patrol sa West Philippine Sea.
16:59.0
Tandaan ninyo mga kaibigan ang joint patrol ay magkasanib na pwersa ng Amerika at Pilipinas kung yan po ay matutuloy.
17:09.0
Sila po ay maglalayag sa West Philippine Sea na alam naman natin na yan po ay pinamumutik-tikan ng mga Chinese Coast Guard ships at mga Chinese militia boats.
17:27.0
Ibig sabihin kapag yan ay nangyari, malamang kung hindi sa malamang magkakaroon ng iskisan sa parte ng dagat na yan mga kaibigan.
17:40.0
Yan ang maliwanag na kayihinatnan natin dyan.
17:44.0
Anyway, sinabi ko sa inyo na wala tayong choice kung hindi irespeto ang ating kasunduan sa Amerika.
17:55.0
Isipin ninyo, binubuli ka araw-araw, halos madalas binubuli ka, wala ka magawa. Anong gagawin mo?
18:04.0
Bakit pag-uusap ka sa mga alay mo kagaya nung sinasabi ko.
18:08.0
Ngayon, ipinayihihwating nito si Romualdez na itong pag-uusap para sa isang joint patrol sa West Philippine Sea ay magiging bahagian niya ng pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Estados Unidos na sa isang mas mahusay o pinahusay na pagpapatrolya sa karagatan.
18:37.0
Yan na.
18:38.0
Sabi niya pa, ang pag-uusap niya na yan ng Amerika at ng Pilipinas ay nasa ibabaw na ng lamesa.
18:47.0
Ipinisipin, nakalatag na ang pag-uusap niya.
18:50.0
Pinag-uusapan na raw sa isang malalim na pag-uusap at alam niyo, minsan kasi ako matagal din po akong naging observer ng salarangan po ng foreign affairs at diplomacy.
19:08.0
Minsan po nabubuhisi talaga ako sa mga salita na ginagamit dito. Isipin ninyo ito, sabi niya, ang pag-uusap ay nasa ibabaw na ng lamesa.
19:20.0
Pinag-uusapan at malalim ang pag-uusap na ginagawa.
19:25.0
Diba ang dami pang kaletsihan eh.
19:27.0
Hindi pa diretsuhin ang statement na sinasabi, oo nag-uusap na kami ng malaliman. Pinag-uusapan na namin ang joint patrol sa West Philippine Sea. Tapos hindi po ba? At least malinaw.
19:39.0
Ito talagang pinipilit nilang ibali para palabuin, para hindi maintindihan nating mga Pilipino, tayong mga pangkaraniwang Pilipino.
19:49.0
Ginagawa nila ang mga lingwahing ganyan para lalo nating hindi maintindihan. Mga kaibigan, yan ang lingwahe na ginagamit kadalasan sa diplomacy.
20:00.0
So ang dami talagang kaartihan at kaiklatan.
20:03.0
So sa akin lang lahat ng ito ay itong ginagawa natin, pag-i-pag-uusap, lahat po yan ay party po ng tratado o treaty natin sa Amerika. Yan pong binanggit ko sa inyo.
20:20.0
Binabanggit araw-araw sa mga pahayagan ng Mutual Defense Treaty of 1951. Kasama na dyan lahat po ng iba-iba pang kasunduan na ating nilagdaan sa kasama ang Amerika.
20:36.0
Hindi ba ang pinag-uusapan natin ang ginawang ito, kaya na naman umuusbong itong usapin na ito dahil na naman sa latest na pagtataboy sa ating mga manging isda sa Iungin Shoal.
20:52.0
So aba pagkagising ko kanina maga tayo nagrepaso ng mga balita, nagulat ako at nakatanggap ako ng isang mensahe mula po sa pahayag pala, hindi pahayag ng Department of Foreign Affairs.
21:10.0
Para palang kung ano sinabi ko sa inyo nung nakarang araw, yan po yung sinabi ng Department of Foreign Affairs. Para pa tayong naging tagapagsalita ng DFA sa kanilang sinabi tungkol doon sa nangyari na pagtataboy ng mga Filipino fishermen sa Iungin Shoal.
21:32.0
Kaya halos eksakto po yung kanilang ginamit ng mga kataga. Ito, pakinggan ninyo ha. Ang Iungin Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas. Nakita na ninyo.
21:52.0
Ang Pilipinas ay may karapatan na gamitin ang soberennya at kanyang karapatan within doon po sa jurisdiksyon ng kanyang lugar, nang walang ano mang intervention mula po sa ibang bansa.
22:11.0
Ibig sabihin malaya nating magagamit ang karagatan yan sa ating gustong purpose lalo na kung mangingisda tayo. So yan ang nilalaman ng pahayag ng DFA na sinabi na natin sa inyo noong mga nakarang araw.
22:31.0
Kaya itong sigalot sa West Philippine Sea, sinabi natin ito'y nangangailangan ng isang matatag na desisyon mula po sa isang matatag na Pangulo.
22:48.0
Pero sa ipinapakita ni Pangulong Marcos Jr. sa mga nakarang araw, pagewang-gewang ang mga statement nito. In fact, nakakayaman sabihin sa parte ng Pangulo,
23:03.0
nagmukhang tanga ang ating Pangulo noong umuwi siya rito nang sabihin niya na anya ay malaya ng makakapangisda ang ating mga mangingisda dahil hindi na rao po sila itataboy o hahadlangan ng China.
23:22.0
Kamukat-mukat mo, ilang araw pa lang siya nakaka-uwi at lumipad siya pa kuntang Switzerland, ayun mga kaibigan, pinatataboy ang ating mga fishermen, alam niyo kusahan? Doon po sa Ayungin Shoal.
23:38.0
Alam niyo po ba ang Ayungin Shoal? Noon pong 1995, meron po tayong barko na ito po ay puro kalawang na. Ito po ang BRP Sierra Madre.
23:58.0
So puro kalawang na po yan mga kaibigan. At pwede na nga pong lumubog yan noong mga panahon noon dahil puro kalawang. Yan po ay isinadsad mga kaibigan ng ating militar doon po sa isang shoal.
24:16.0
Yan nga po ang Ayungin Shoal dahil pag yan lumulutang sa low tide lumulutang ang buhangin niya mga kaibigan. At pag sa high tide ito lumulubog. Pero pwede humimpil yan ang barko na yan at nakatayo lang siya diyan na hindi siya inaanod.
24:34.0
So doon po sa barko na yan may nakasakay na ilang mga sundalong Pilipino na sila ay diyan na nagpapalit-palit at sila pinapadala na lamang ng pagkain diyan.
24:46.0
Kung makikita niyo sa television kapag sila pinupuntahan ng mga television crew, sila may mga balbas na mga ganoon mga kaibigan.
24:54.0
So ibig sabihin napakahirap ng ginagawang pagbabantay ng ating mga sundalo diyan. At yan po ay nilalapastangan lang unti-unti kinakainan ng mga Chinese mga kaibigan.
25:09.0
Papunta na sila doon sa ating barko na kung itinuturing natin na nasa loob pa po ng ating karagatan. So yan po yung kalunos-lunos na sitwasyon ng Pilipinas diyan po sa parte ng West Philippines na yan.
25:26.0
Kaya ito po ay mahalagang araw-araw dapat ay tinatalakay sapagkat kung yan ay palalagpasin natin, unti-unti na pong kinakain ang ating katubigan at susunod diyan sa arinawa ay hindi yung atin ng kalupaan mga kaibigan.
25:47.0
So tayo po ay pansamantalang magpapaalam mga kaibigan. Tayo'y magbabalik bukas. Doon po sa ating hindi mga nabati kami po ay babatiin namin kayo bukas.
26:01.0
Pagkat tayo po, napakahaba ng araw na ating dinaanan ngayon at medyo na-depress tayo doon sa kinalabasan ng hearing ni Ka Percy kaninang tanghali, nakakala natin magtutuloy-tuloy na ang daloy ng proseso ng justisya.
26:22.0
Meron pa rin motion de antala na ipinahil itong kampo ni Bantag. Muli po mga kaibigan, tayo'y nagpapasalamat sa inyo at ipapakiusap ko lang po.
26:52.0
Kami po ay nakikiusap sa inyo sa mga nais dumaludyan na unang-una ay magpatala muna kayo dito kay Valerie C. na panganay na anak ni Ka Percy na inyo mapokontakt dito sa Facebook Messenger.
27:10.0
Magpatala muna kayo kung kayo ay nasa Northern o Southern California sapagkat sa susunod na panahon sasabihin po namin sa inyo kung saan gagawin na malapit sa inyo yun pong memorial service.
27:23.0
Hindi po namin kinukuha ang inyong number o inyong address dahil na sa pag-raspeto sa inyong privacy, ang gusto lang namin malaman sa mga nais dumalo ay kung saan kayo located, Northern o Southern.
27:38.0
Pansamantala ay yun lamang ang kailangan namin at ang inyong mga pangalan. Yan po ay ipapadala ninyo kay Valerie C. sa messenger account niya.
28:08.0
Ito po sa ating ginagawang pag-organisa at dito sa ating ginagawang pag-broadcast ng Lapid Fire ni Ka Percy Lapid. Muli po isang magandang gabi at maraming maraming salamat po sa inyong lahat.


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2023. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.