Close
 


LAPID FIRE NI ROY MABASA (FIRST PART) JAN 25, 2023
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 35:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi po mga kaibigan. Ngayon po ay araw ng Merkules, Ika-25 ng Enero, 2023.
00:10.0
Muli pong sumasa inyo ang programang Lapid Fire ni Kapersi Lapid na inyo pong napapakinggan tuwing Lunes hanggang Bernes, ganap na alas 10 hanggang alas 11 ng gabi.
00:20.0
Dito po sa impilang DWBL 1242 sa inyo pong talapigitan.
00:30.0
Dito pong muli si Roy Mabasa na humalili po kay Kapersi upang isulong ang kanyang programang Lapid Fire na tumatalakay po sa mga mahalagang isyo ng bayan na ating pag-uusapan sa kabuoan ng kapersi.
00:50.0
Dito pong muli si Roy Mabasa na humalili po kay Kapersi upang isulong ang kanyang programang Lapid Fire na tumatalakay po sa mga mahalagang isyo ng bayan na ating pag-uusapan sa kabuoan ng ating pagkatanghal.
01:20.0
Mga kaibigan, ang palatuntunang ito ay sa bayan din inyong mapapanood at maririnig sa ating FB Live sa pamamagitan po ng Persi Lapid Fire Facebook account.
01:51.0
Muli ay isang magandang gabi po sa inyong lahat mga kaibigan. Marahil magtataka kayo kung bakit tayo biglang nag-ere.
01:59.0
Kanina nag-anunsyo tayo na tayo hindi makakapag-broadcast sa gabing ito dahil kagagaling ko lang sa isang pagpupulong. Ito partly may kinalaman sa kaso ni Kapersi Lapid sapagkat ako naimbitahan sa isang pagpupulong.
02:20.0
Hindi ko nalang i-detail sa inyo, ang pagpupulong na iyon ay imbitasyon buhat sa isang embahada ng isang bansa sa Europa na dinalohan ng ilang pangunahing bisita rin mga kaibigan bukod sa akin.
02:43.0
Mostly may representatives mula sa human rights, ngos, trade unions, may leaders from the LGBTQ, may leaders from iba-ibang mga sektor ng ngos na ang kanilang pinaglalaban ay nakabasi po.
03:12.0
Napakaganda dahil ang panauhing pandangal ay isang napakataas na opisyal o ministro ng isang bansa sa Europa.
03:31.0
At napakaganda po ng aming mga pag-uusap. Lahat kami ng resource speakers ay binigyan po ng pagkakataon na makapagsalita at sabihin ang mga aming saluobin tungkol sa mga sektor o mga issues na aming nirepresent.
03:52.0
Sa aking panig po kaya po ko naan doon dahil nais malaman ng komunidad at nung bisita ng ministro mula sa Europa kung ano ang kalagayan ng kaso ni Capersino.
04:09.0
So yan po ay mahaba-haba. Kaya ako ay nahuli. Ang inaakala ko ay hindi na ako magb-broadcast. Sabalit naisip-isip ko na tutal may oras pa naman ako ay huminto sa isang lugar para ito ay maihatid sa inyo.
04:27.0
Kahit tayo magkwentuhan na lamang siguro bukas na natin itatalakayin ang mga sustansya ng mga issues na ating hinihanda saan ngayong gabi.
04:39.0
So hindi na-preoccupy tayo doon sa usapan kanina. Napakagandang discussion sapagkat gusto nilang marinig ang buong aspeto ng kinalalagyan ng kaso ni Capersi. At meron silang mga saluobin nila, rekomendasyon na sinabi rin at sila po ang buong komunidad.
04:58.0
Nasa human rights sector, mga kaibigan, ay nagpahatid ng kanilang pakipidala mahati dito sa nangyari kay Capersi. At in-assure ko nga sila na tayo ay maninindigan dito sa ating ipinakikipaglaban na justisya para po sa ating pilakamamahal na radio commentator at kapatid na si Capersi.
05:26.0
At sabi ko nga sa kanila na hindi pa po natatapos ang laban sapagkat amin yung lingkod bilang kapatid ni Capersi ay pumayag na ituloy itong programang ito sa kabila po ng mga pagbabanta na ating kinakaharap.
05:52.0
At gayon din po yung logistical issues na ating kinakaharap sa pagbabroadcast o pagtutuloy nitong kanyang programa na kinilala ng napakaraming tao sa buong mundo.
06:08.0
Lalo lalo sa iba't ibang Pilipino communities sa ilang mga bansa sa ating daigdig.
06:38.0
Hanggat sa palagay natin ay may naniniwala sa sinimulan at ipinaglaban ni Capersi Lapid.
07:08.0
Bukod sa ating pananalita, nadinig din natin ang mga concerns ng iba't ibang sektor na dumalo sa napakaliit na pagpupulong subalit, napakasubstansyal, napakasustansya ng mga pinag-uusapan.
07:27.0
Nandun yung pinag-uusapan din namin yung mga karapatan ng mga deprived sectors kagaya ng mga indigenous people. Ito po yung mga ating kapatid sa kumundukan, mga kaibigan at yung iba't ibang kultura na nasa iba't ibang panig ng ating bansa.
07:49.0
Nandyan po sila, nandyan din po yung LGBTQ na kanilang inilabas yung kanilang hinaing dun sa mga batas na dapat ibigay sa kanila na sa loob ng 23 taon ay nabibimbin lamang sa Kongreso pabalik-balik, pabalik-balik na hanggang ngayon ay wala pa pong kinahihinatnan.
08:14.0
So naiintindihan natin kung saan saan ang gagaling itong mga sektor na ito. At yan po ay parte lahat ng tinatawag na karapatang pang tao.
08:28.0
So napakasustansya po pati yung minister nung sinasabi ko sa inyong bansa, siya ay nagpahayag na ang kanilang bansa nga, bagamat may sarili rin silang mga problema, hindi sila natutulog, hindi sila pumipikit at palagi nilang iniintindi kung ano ang hinaharap ng mga human rights defenders dito po sa Pilipinas.
08:57.0
Kaya hindi natatapos yan sa pagbibigay ng kung ano-anong programa, hindi natatapos yan sa pagbibigay ng kung ano-anong ayuda. Ang importante daw po ay matuloy ang pakikipaglaban ng mga sektor na ito.
09:16.0
Tinalakay din dyan ng ilang mga panuuhin ng experience ng Pilipinas sa nakalipas na 6 taon mga kaibigan. Katakot-takot na patayan, ginamit kunyari yung drug war para kunyari palabasin na sila anti-illegal drugs. Pero nasan yung illegal drugs? Hindi ba naglipa na pa rin?
09:40.0
Hindi po ba? Di ba noong nakaraang Oktober ano ang pinakamatibay na katibayan natin? No less than a Master Sergeant of the Philippine National Police ay hinuli nitong administration na ito under kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
09:59.0
At itong polis na ito ay nung pinipit, kinutsurahan at ikinulong ay kumanta. Anong kinanta niya? Hindi po my way. Ang kinanta niya ang mga pangalan ng ilang mga police officials na involved sa illegal drugs.
10:20.0
So ayokong gumawa ng kongklusyon kung kanino malalapit itong mga police officials na ito. Pero huwag na po tayo lumayo sapagkat yung inarestu mismo mga kaibigan na Master Sergeant na iyon, si Master Sergeant Mayo kung di ako nagkakamali, na noong nakaraang taon, Mayo rin po ito ay binigyan ng award o pagkilala ng Duterte administration.
10:49.0
So binigyan nila ng award noong Oktubre nang nag-takeover ang bagong administration ay nahuli itong si Sergeant Mayo na may bit-bit o nahulian siya ng napakaraming siyabuh mga kaibigan.
11:10.0
Kung di ako nagkakamali, ilang daang kilo yan. O ang halaga ay P6B something kung di ako nagkakamali. Nabanggit na natin, napag-usapan na natin yan noong nakaraang mga palaton po ng programa natin.
11:26.0
Inuulit ko lang sapagkat napakaganda ng pagtatalakay namin about dito sa mga issues na ito. At nagkakaisa ang mga dumalo na karamihan sa hinarap nilang problema ay pumasok doon sa administration ni Duterte.
11:47.0
So nililiwanag ko lang yan. Pati kay Kapersi anong pinagsasasabi ng isang senador yan na ano naman ang ganyan-ganyan, wala na sa puwesto yan. Kahit wala kayo sa puwesto, hanggat kayo may kakayahan na manakit o pumatay, dapat pa rin kayong imbestigahan.
12:08.0
Ganyan lang po kasimplihan. At at any rate tayo ay natutuwa sapagkat tayo inaimbitahan doon at nagkaroon tayo ng boses. Unang-una pinasalamatan natin iyong bansa na iyon sapagkat isa po sila sa mga naunang mga bansa at gobyerno sa buong mundo na nagsalita ng pagkondena sa pagkamatay o sa assassination.
12:37.0
Kaya openly sinabi ko sa kanya na kami nagpapasalamat since kayo po ang pinakamataas na opisyal na bumisita dito sa aming bansa, ay pinapaabot namin sa inyo ang taus-puso naming pasasalamat na binigyan niyo ng puwang na ang pagkamatay ni Kapersi ay umabot sa mga tenga at mga mga bansa.
13:06.0
Umabot sa mga tenga at pandinig ng mga bingi sa gobyerno. Kaya kaisa nila ang iba pang mga bansa sa European Union maging ilang mga bansa kagaya ng US, Canada, Japan at iba pa na nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa pagkamatay ni Kapersi.
13:30.0
So sabi ko nga sa kanya na walang ibang pinakamagandang pagkakataon na iparating ang aming pagpapasalamat, hindi lang sa aming pamilya kundi sa lahat ng naniniwala kay Kapersi kasama na po kayong lahat na patuloy na sumusuporta dito sa Lapidfire kung hindi iparating sa inyo in person ang aming taus-pusong pasasalamat.
13:59.0
Alam niyo ang sagot ng minister ako, nabagbag ang ating damdamin na inggit tayo. Sinasabi niya na ginagawa namin yan sapagkat malaki ang pagkilala namin.
14:19.0
Hindi lamang ng mga human rights defenders kung hindi maging ng mga mamamahayag na nagsasalita ng katotohanan. So nabagbag ang ating damdamin. Iniisip ko kailang kaya aabot sa ganyang estado ang ating bansa mga kaibigan.
15:19.0
Hindi ba couple of days ago or more than a week ago ay tinalakay natin itong pagkamatay ng isang napakagandang model na tigadabawo?
15:49.0
At naanggapan mismo ng kanyang tahanan? Nakita niyo ang larawan na na-capture sa CCTV na ang babaeng maganda ay nakatayo sa labas ng kanyang bahay habang siya ay tinututukan ng barel ng riding in tandem?
16:09.0
Hindi po ba? Siguro naman sariwa pa sa inyo. Last week lang natin pinag-uusapan yan. Ano sinabi ko sa inyo last week? Sinabi ko na itong pangalan na nababanggit ng isang Heneral, ang sabi ko dapat yan ay i-relieve kagad ng Armed Forces of the Philippines.
16:36.0
Sinabi natin na i-relieve yan dahil para hindi niya ma-influenciahan ang isinasagawa o isasagawa pa lamang noong time nayon na investigasyon. Hindi po ba?
16:51.0
Kinabukasan nun mga kaibigan nakarinig tayo at nakabasa tayo ng isang pahayag mula sa Philippine Army na sinasabi nila na kanilang irerespeto ang anumang investigasyon o naisasagawa bukol dito sa kasong ito.
17:11.0
Hindi ba kanina tinukoy na mga kaibigan ng mga investigador mula sa Philippine National Police itong tinatawag sa grupo na ito.
17:29.0
Itong SIDG, Special Investigation Task Force na binuo dito sa pagkamatay ni si Yvonnette Plaza.
17:42.0
Kanina sinabi nila, tinukoy na nila na ang mastermind sa pagkamatay ni Plaza ay walang iba kung hindi itong si Brigadier General Jesus Durante III.
18:00.0
So nauna natin tinalakayan, pinangalanan natin, alam niyo naman kung sino po itong si Brigadier General Jesus Durante III.
18:15.0
Itong Special Security Group noong pangulo ba sino po? Yung Tigedabaw, di ba? Si Duterte. Ito yung hepe ng kanyang PSG.
18:30.0
So sinasabi dito kanina sa report nakikinig ako na ito daw si Durante ay nasa custody na ng General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines.
18:46.0
Wala po siya sa custody ng pulis dahil ito ay isang miyembro, di lang basta miyembro, mataas ng miyembro ng militar ng Philippine Army kaya po siya ay nasa custody ng Armed Forces.
19:07.0
Hindi ko alam kung iyan ibibigay nila. Hindi ko alam kung ito ay masama, masamang kalakaran sa pagkat kapag may mga miyembro ng kanilang samahan whether it is Armed Forces or the Philippine National Police mga kaibigan...
19:30.0
... E kanya-kanyang kupkukan yan. Sa maraming pagkakataon nakita natin yan. Pinukostude nila, nilalagay sa ilalim ng kanilang kustudiya ang kabaro nila. Kaya't hindi mahawakan ng pulis yan.
19:50.0
Kung sa susunod na-file na po kasi ang kaso ayon sa pulis siya na narinig natin kanina, hindi ko malaman kung yan ay matatransfer sa kanilang kustudiya. Pero hawak na po ito ng militar.
20:05.0
Ngayon ano daw ang gailan? Nagselos daw po si Durante dito kay Plaza. Siguro nagseselos siya baka maraming...
20:23.0
... Ito sapanta lang natin maraming umaaligid kasi magandang babae mga kaibigan. In fact bakit ba nasabit si Durante dito? Pinag-usapan natin. Kaya siya nasabit dito dahil noong nakaraang taon, noong Abril kung hindi ako nagkakamali noong nakaraang taon...
20:43.0
... Ay nag-post po sa Facebook itong si Namayapang Yvonnette Plaza. Ang sinasabi niya dun sa kanyang pagpo-post sa Pinoost sa Facebook mga kaibigan, sinasabi niya na siya po ay sinasaktan.
21:02.0
At hindi ko nakita ang actual na Pinoost pero ayon dito sa mga nakakalap natin ang itinuturo niyang nanakit sa kanya ay ito pong si Gen. Durante Duterte.
21:18.0
Noong mga panahon na iyon malamang nasa PSG pa ito kasi Abril e. Umalis si Duterte sa puesto mga kaibigan June 30, 2022. So ina-assume ko po na siya ay nasa PSG pa noong siya'y inaakusahan ni Yvonnette na sinasaktan siya.
21:40.0
Hindi po ba? So ayon dito sa investigasyon na sinagawa mga kaibigan, kaya nagtuntun itong si Durante ay nagkaroon ng extrajudicial confession.
21:58.0
So merong nagturo o may umamen na kumpis ka rin daw po mga kaibigan yung baril na ginamit. Pati yung motorcyclo isipin ninyo. Pati yung cellphone ng biktima mga kaibigan na kinuha nila noong ito ay paslangin.
22:20.0
Sabi pa noong polis sa aking pagkakadinig kanina matibay ang resulta ng kanilang investigasyon. Sino ang mga pinangalanan dito sa kasong ito kaya lalong tumibay?
22:37.0
Pitong sundalo, dalawang sibilyan at dalawa pang jandos. Ibig sabihin may dalawang hindi napapagkilanlan na kasama dito sa mga kinasuhan.
22:53.0
So 7 plus 2, 9 plus 2, 11 ang kinasuhan ng iba't ibang kaso na kinabibilangan ng murder, theft at obstruction of justice.
23:23.0
Ito ay preliminary investigation na mga kaibigan kagaya noong ginagawang pasikot-sikot sa kaso ni Ka Percy na 3 buwan nang nasa preliminary investigation dahil meron kong file ng file ng motion, kada motion, kada motion para ma-delay yung kaso.
23:46.0
Karinawa ay huwag sapidhin niyan nitong si Yvonne Plaza mga kaibigan. Sa pagkatalam niyo, tatapatin ko na kayo, napakasakit sa kalooban ng pamilya ng biktima kapag ang kaso ay naantala even for an hour,
24:08.0
lalo na for the whole day at tumahaba pa for the whole week or for the whole month, etc.
24:18.0
Mga kaibigan, ang tawag po diyan injustice. Ginagamit nila lahat ng paraan sa ngalan-umanoh ng punyetang due process para lang magamit nila ito na antalain ang pag-usad ng hustisya.
24:46.0
Di naman din nangyari sa kaso ni Ka Percy. Napakaraming kaso diyan na hanggang ngayon inaamag sa mga korte natin. Ayaw naman natin matulad itong kay Ka Percy doon.
25:05.0
Kaya tayo nagiging mapagbantay, vigilant. Tatawagin natin yan palagi ang mga ganyang pag-aabuso kapag yan ay nangyayari.
25:19.0
Naniniwala tayo na kung ito ang mga taong ito na inaakusahan sa kaso ni Ka Percy ay walang kasalanan. Humarap sila sa hustisya. Pareho nang ginagawa namin na kami paulit-ulit ko sinasabi ay nagpasailalim sa proseso ng batas kahit napakasakit sa amin na nawalan kami ng mahal sa buhay.
25:42.0
Sapagkat yan ang realidad dito sa ating mundo. Dumaan ka sa proseso ng batas, igalang natin ang batas, kilalani natin ang batas sapagkat yan ang realidad.
25:56.0
Kung ako sa kanila, gaya ng sinasabi ko yan si Ginong Bantag, magpasailalim ka sa batas. Huwag yung puro ka na dahilan. Dahilan ang dahilan mga kaibigan.
26:08.0
Kung ako sa iyo, ang pag-isipan mo na ngayon ay yung kinabukasan. Kung meron kang gustong sabihin, baka meron kang gustong ituro, ito na ang pinakamagandang panahon, habang ang kaso ay nandito pa sa preliminary investigation.
26:38.0
Mga kaibigan, alam niyo ba na magpahanggang ngayon, eh kanina lahat ng news na tinitignan natin, sibuyas pa rin namin naguusapan. Ngayon naman lumalabas may kakulangan na naman sa bawang.
27:06.0
Ano ba naman plaseng bansa ito mga kaibigan? Itlog. Lahat halang may problema.
27:14.0
So, ito naalala ko lang sabagkat noong kampanya, last year po ito, mga bandang summer nabanggit ko sa inyo na ako ay dumalaw doon sa mga taniman ng sibuyas. Doon po sa Nueva Ecija at doon sa Occidental Mindoro sa San Jose.
27:43.0
To be exact. At pinuntahan natin ang mga magtatanim ng sibuyas habang sila po ay umiiyak at nakaupo sa gobondok na sibuyas na inuod noong panahon na iyon.
28:04.0
Ito, to be exact, ang mga dates na iyon mga nandun po sa Febrero hanggang Abril mga kaibigan. Para ano, yan ang tansya ko sapagkat last year lang naman yan.
28:19.0
So nandun po ako kasama nila na ako po ay nakatayo sa ibabaw ng tune-tune ladang inuuod na sibuyas dahil sila po ay pineste.
28:34.0
So sa pagkakataon na iyon bumibisita rin si former Sen. Kiko Pangilina. Naalala ko lang ito sapagkat importante na malutas natin itong problema ito, di doon sa pagdadal-dal sa Kongreso, sa Senado.
28:52.0
Ang daming pinagsasasabing itong mga ito na puro mga dapat ganito, dapat ganyan, dapat ganito. Walang realidad.
29:05.0
So nung in fairness dito kay former Sen. Kiko Pangilina, nung nakausap natin siya, nagkataon na kinakausap rin niya ang mga magsasaka na nagtatanim ng sibuyas, ng gulay at kung ano-ano pang pagkain na pakikinabangan ng mga Pilipino.
29:32.0
So nakausap natin siya on the side or pinakinggan natin siya sa kanyang pakikipag-usap sa mga magsasaka.
29:40.0
Sinasabi ni Sen. Kiko sa mga farmers dahil si Sen. Kiko po mismo ay nagtatanim, may lupain, sakahan na nagtatanim siya ng mga gulay.
29:53.0
Mga kaibigan, ako'y naniniwala sapagkat tinitignan ko ang mga pahayag niya, very consistent dun sa mga problema na kinakaharap ng mga magsasaka.
30:05.0
Ang nakita ko lang very striking o kakaiba dun sa kanyang sinasabi ay yung solusyon.
30:13.0
Alam niyo, sabi ni last year pa nung nakita niya yung kinahinatnan ng mga magsisibuyas, ang sabi niya...
30:43.0
... So ito ang sabi ni Sen. Kiko sa mga magsasaka. Alam niyo ba na ang gobyerno kung gustong tulungan kayo, kaya kayong tulungan?
31:07.0
Sapagkat meron ng mga batas talaga na nandyan lang ang problema hindi ginagamit. So natanong ko siya anong batas ba yun?
31:18.0
Sabi niya yung RA 11321. Ito po ay isang batas na nagbibigay ng mga solusyon dun sa problema na kinakaharap ng mga magsasaka.
31:35.0
Sabi ko, paano mo bang isosolve ang problema ng mga magsasaka? Huwag lang yan magsisibuyas.
31:41.0
Sabi niya, simple lang yan. Kasi yung batas na yun, siya pala ang author ng 11321.
31:47.0
Sabi niya, yung batas na yan nandyan lang. Ipinasa namin, ginastusan namin yan sa pagpapasanan.
31:55.0
Hindi lang ng salapi kung hindi ng oras, ng talino at lahat ng klaseng resources para matulungan lang yung mga magsasaka.
32:05.0
Subalit hindi na fully utilize yung batas na yan.
32:10.0
Sabi niya, simple lang naman ang gagawin natin para maiaho natin sa kairapan itong mga magsasaka.
32:16.0
Sabi ko, ano? Sabi niya, meron naman pera ang gobyerno. So itong mga magsasaka, binibiktima ng mga middleman.
32:31.0
Sabi niya, tanggalin natin ang mga middleman na yan. Matatanggal yan dito sa sasabihin ko sa iyo.
32:36.0
Sabi ko, papano ba? Eh ganito ang gawin natin. May pera ang gobyerno.
32:41.0
Direkta tayong bibili sa mga farmers. Ako ang gobyerno, tanggal ang middleman, bibili natin ang lahat ng ani ng mga farmers na nagpuproduce ng pagkain natin sa araw-araw.
32:53.0
Pag sinabi ng farmers, kasama na rin po diyan ang mga fisherfolks o yung mga mangingisda.
32:59.0
Kung ano ang produkto na pinuproduce nila, bibili ng gobyerno yan. Bakit?
33:04.0
Sabi niya, alam mo ba na ang gobyerno ay nagpapakain ng maraming tao. So anong mga involved na agencies niya?
33:14.0
Sabi niya, barangay. Kapag sinabi nating LGUs, kung di kasama sa LGUs ang barangay. So nandyan rin ang mga national agencies. Ano ang mga national agencies na nagpapakain?
33:36.0
Ang DOH. Di ba po may mga public hospitals sa ilalim ng DOH na nagpapakain? Nandyan ang DILG dahil nandyan ang kulungan, mga under ng Bureau of Jail Management and Penology.
33:51.0
Nandyan rin ang DOJ sapagkat sa ilalim nila ang Bureau of Corrections, yung mga national penitentiaries. So ilan lang yan sa mga ahensya na nagpapakain, nagbibigay ng pagkain sa publiko.
34:08.0
So ang mandato ng batas na ito na RA11321, paulit-ulit ang sinasabi ni Kiko Pangilinan, mga kaibigan, ay bilhin natin ang mga produkto ng mga farmers natin sa halaga na hindi sila binabarat.
34:25.0
Kagaya nung nangyayari ngayon na binibili ang mga sibuyas 8 pesos tapos ibebenta sa merkado ng P250, hindi po ba malaking katarantaduhan yan? So tama si Kiko Pangilinan, mga kaibigan, hindi ito ni-utilize ng gobyerno. May batas e.
34:44.0
Sabi niya sige, bibigyan ko ito ng example. Napilitan silang gamitin ang batas na yan noong pandemic. Dahil wala, sarado lahat. Napilitan silang paunti-unti bumili sa mga farmers.
34:57.0
Salamat naman sapagkat may mga farmers na nakinabang, may mga mawing isdang nakinabang pero ang kailangan natin dito ay consistency sa sistema. Yan ang sinasabi ni Kiko. Sayang kesa toothbrush sana ito na lang si Kiko ang naging vice presidente baka ngayon busog lahat ang mga hapagkainan ng mga Pilipino.