Close
 


LUPA NG BAGONG HUKAY NA LIBINGAN | Kwentong Kulam | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
LUPA NG BAGONG HUKAY NA LIBINGAN | Kwentong Kulam | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 22:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga puweto ni Thelmo
00:16.0
Mapagpalang araw Sir Seth
00:19.0
Ito po ang kauna-unahang pagkakataon na magpapadala ako ng sarili kong karanasan
00:25.0
Ikaw na rin po ang bahalang magbigay ng pamagat
00:28.0
Gamit ko yung personal email ko kaya sana itago nyo na lamang po ito
00:39.0
Tawagin nyo na lamang po ako sa pangalang Aya, Tubong Central Visayas
00:46.0
Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ay ang aking karanasan na...
00:51.0
Kailanman ay hindi ko inakala na mangyayari sakin sa totoong buhay
00:59.0
Yung tipong sa wattpad ko lang nababasa tapos sa fiction o fantasy pa
01:06.0
Ako po ay nasa 23 taong gulang palamang
01:10.0
Nagsimula ito, dalawang taon palang ang nakalipas
01:15.0
Bata pa man ako ay kaibigan na ng mama ko itong tawagin na lamang natin sa pangalang Remy
01:24.0
At dahil po best friend ng mama ko ito, naging kababata na rin po namin yung mga anak niya na hindi naman nalalayo din ang edad sa amin
01:33.0
At naging kalaro na namin hanggang sa lumaki kami
01:37.0
Sobrang close po namin ang pamilya nila
01:40.0
At nagsabi pa nga minsan tong si Remy na kapag nauna raw siyang mamatay
01:45.0
Kukunin niya yung mama ko at yung isang kapatid ng mama ko na sobrang close rin nila
01:52.0
Naging kami po nung bunsong anak ni Remy
01:55.0
Parehas kaming bunso at sabi nga ng iba, yung mga spoiled daw yung nakakatuluyan
02:03.0
Though close yung family namin
02:05.0
Ayaw ng parents ko na maging kami kasi medyo hindi po kasi talagang maganday yung reputation nila sa lugar namin
02:13.0
Yung tipong kapag may nangyaring gulo, haasaan mong isa sila sa involved
02:21.0
Nung magpandemia, nagsosyo kami sa isang negosyo ng boyfriend ko na tawagin na lamang nating Jojo
02:29.0
Dito na rin po ako na buntis
02:31.0
Tinago namin yung pagbubuntis ko kasi hindi alam na mga magulang ko na kami na nga ni Jojo noon
02:38.0
At sobrang natakot talaga ako Sir Seth
02:41.0
Pero nung lumaki yung chan ko, nalaman na nila
02:46.0
At sa sobrang galit ng papa ko ay nabangga niya yung sasakyan namin sa poste sa harap ng bahay namin
02:52.0
Nung nag drive siya kinagabihan nang malaman niya
02:54.0
Fast forward, naging okay naman lahat hanggang sa manganak ako taong 2021
03:01.0
Pero itong asawa ko, ugali talaga niya yung magsinungaling
03:07.0
Yung tipong nagsisinungaling siya para hindi siya mapagalitan kahit napaka importanteng bagay
03:13.0
Nagagawa niyang hindi magsabi ng totoo
03:16.0
Sa takot na magalit ako sa kanya
03:18.0
Nung minsan nga nanahuli ko siyang nagsisinungaling, yung pinaka unang major na away namin
03:25.0
Sa sobrang galit ko ay pinalayas ko siya
03:28.0
Umuwi naman siya sa kanila nung gabing yun pero bumalik rin kinabukasan dala yung mga kapatid at mama niya
03:34.0
Para tulungan kaming mag settle ng away namin
03:38.0
At naging okay naman kami pagkatapos
03:42.0
Yung panganay naman natin na si Jojo
03:44.0
Ay nag-chat sakin kung bakit ko rin ginaganoon yung kapatid niya
03:49.0
Ang dali-dali ko daw na palayasin na para daw akong kung sino
03:54.0
In-explain ko naman yung mali ng kapatid niya sir
03:57.0
Pero sa sobrang galit niya talaga sakin, pinost siya pa ako sa Facebook
04:03.0
Nag-aaway kami sa Facebook hanggang sa inawat siya ng mga magulang nila
04:07.0
At mga kapatid nila kasi ayawin niya sa mga kapatid niya
04:10.0
Pinawat siya ng mga magulang nila at mga kapatid nila kasi
04:14.0
Alam naman talaga nila yung ugaling sinungaling nitong si Jojo
04:20.0
Fast forward ulit
04:22.0
Naging okay ulit yung lahat
04:24.0
Patuloy yung negosyo namin at maisingit ko lang din po na yung ginagamit na sasakyan sa negosyo
04:30.0
Ay yung ate ko yung nagbabayad ng monthly
04:33.0
Nung mga panahon na yun
04:34.0
At yung mama naman ni Jojo ay may manual din na sasakyan ginagamit sa negosyo rin niya
04:42.0
Bandang Abril nun
04:44.0
Medyo naglolo ko yung sasakyan ng mama ni Jojo
04:48.0
At ilang ulit nilang pinagawa sa mekaniko pero
04:51.0
Nasisira ulit hanggang sa tumirik nga ito sir Seth
04:55.0
So yung mama niya ay pumunta sa bahay namin
04:58.0
Nakatira kami sa bahay ng mga magulang ko kasama ng mga kapatid ko
05:01.0
Sinabihan niya si Jojo na ipapakuha niya yung transmission ng sasakyan namin
05:07.0
At ilalagay niya raw sa sasakyan nila
05:11.0
Narinig ito ng ate ko
05:13.0
Tinawag ako
05:15.0
At pinagalitan kasyo
05:17.0
Parang may ari raw na hindi man lamang nagpapaalam
05:20.0
At kung makapagdesisyon ay parang sa kanila yung sasakyan na yun
05:25.0
Otomatic po kasi yung sasakyan namin sir Seth
05:27.0
Tinanggihan ng asawa ko yung mama niya at nagalit ito
05:31.0
Nalaman din ito ng mama at papa ko sir Seth
05:34.0
At pati sila ay nagalit din at huwag na huwag daw namin gagawin yun
05:38.0
Kasi masisira nga yung sasakyan namin
05:42.0
Mula noon ay hindi na kami pinansin ng mama ni Jojo
05:46.0
Buwan ng Agosto
05:48.0
Biglang bagsak yung negosyo namin na kahit
05:51.0
Yung paglalive selling ng ate ko na kumikita ng halos
05:54.0
Labing isang libo sa isang araw
05:57.0
Hindi na makaabot ng isang libo isang araw sir Seth
06:02.0
Biglang nagkasakit yung mga bata nang sabay sabay
06:05.0
Tapos yung panganay sa aming magkapatid
06:08.0
Yung kuya ko na nagtatrabaho bilang driver ay biglang nagkasakit din
06:13.0
Yung tipong akala namin
06:15.0
High blood lang dahil nagsusuka ito
06:17.0
Naihilo
06:19.0
Pero biglang umabot na sa puntong bumabasa
06:22.0
Biglang umabot na sa puntong bumabangon siya ng madaling araw
06:25.0
Dahil hindi talaga siya makahinga
06:29.0
Noong gumaling naman yung mga bata
06:31.0
Biglang kami namang malalaki
06:34.0
Yung mama ko papa ko
06:36.0
Pangalawa sa aming magkakapatid
06:38.0
Si Jojo at yung hipag ko
06:40.0
Nagkasakit din
06:42.0
Nagpa-doktor na kami halos lahat lahat
06:45.0
Wala pa rin
06:46.0
Akala nga namin COVID pero hindi naman daw sabi ng doktor
06:52.0
Ang nakapagtatakalang Sir Seth
06:55.0
Halos lahat kami nagkakasakit na pero
06:58.0
Yung pangatlo sa aming magkapatid na buntis ay sa awa ng Diyos
07:02.0
Hindi tinamaan nun
07:04.0
Siya rin lang po ang kaisa-isa naming lahat na may suot na gintong hikaw
07:11.0
Dahil sa mga nangyari ay naisipan ang asawa ng kuya ko na
07:14.0
Pasekretong kumonsulta sa isang albularyo
07:17.0
Sa kanilang probinsya
07:20.0
Tubong negros din po itong hipag namin
07:23.0
Madagdag ko lamang din po Sir Seth
07:26.0
Na itong mama ni Jojo ay tubong Mindanao
07:30.0
At nasabi rin po nito na minsan daw sumama ito sa mga rebelde
07:35.0
At nasubukan niya rin umano na uminom gamit ang bungo ng tao
07:39.0
Parte daw ito ng ritual para hindi ka makita
07:45.0
Yun ang pagkakaalam ko Sir Seth pero
07:48.0
Baka merong iba dyan na nakakaalam tungkol sa ritual na ito
07:52.0
Siya rin po ay isang hilot
07:55.0
Nangihilot siya pero hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda
08:02.0
Balik tayo sa kwento
08:05.0
Ang sabi ng albularyo
08:06.0
May tumatrabaho raw po sa amin
08:09.0
Kada martes at biyernes, hating gabi
08:13.0
Ay may pumupunta sa amin at nagsasaboy ng asin sa daanan mula kalsada na may poste
08:20.0
Partida
08:22.0
Ni Minsan ay hindi po niya nakita kung saan kami nakatira Sir Seth
08:27.0
Nung nalaman namin ito
08:30.0
Isinekreto muna namin ito kay Jojo dahil
08:32.0
Alam naman namin na yung mama niya lang yung nakaawayin namin nun
08:37.0
At alam din po namin na may kaalaman yung mama niya pero
08:41.0
Yung papa ko na mismo yung nagsabi kay Jojo
08:45.0
Hindi naniniwala si Jojo
08:47.0
Alam niya raw yung kakayaan ng mama niya pero
08:50.0
Alam niya rin umano na hinding hindi magagawa ng mama niya yun
08:55.0
Lalong lalo na at naroroon siya
08:57.0
Ang ginagawa namin, lunes pa lamang ng gabi
09:01.0
Nagmamasid na kami at nakikiramdam kung may hihintong motor sa bahay namin pero
09:07.0
Di pa managkahating gabi
09:10.0
Nakakatulog na yung ibang kasama namin
09:15.0
Nung pasado alauna na
09:17.0
Doon na, kaming mga gising ay may narinig na paparatingin
09:21.0
Alam namin yung tunog ng motor nila kasi simula bata ba naman ako
09:27.0
At saka malakas din yung tunog ng motor nila na kabisadong kabisadon na rin namin
09:35.0
Subali ayun nga, narinig na nga namin yung motor Sir Seth
09:40.0
Inabangan namin kung hihinto ito
09:43.0
Ngunit hindi namin nakikiramdam
09:46.0
Lumagpas lamang ito pero hindi pa man nakakalayo
09:51.0
Bumalik ito kaagad
09:54.0
Yung tipong parang nag-u-turn o dumaan lang
09:59.0
Pinagamot ng hipag ko yung kuya ko sa albularyo na taga-probinsya nila
10:04.0
At nasabi nga ng albularyo na
10:07.0
Nasalag daw nito ang dapat na mangyari sa kuya ko
10:11.0
Kasi grabe talaga, hindi naman kaya
10:13.0
Dalawang linggong halos hindi makabangon kasi nahihilo
10:17.0
Tapos nahihirapang huminga
10:22.0
Ilang linggo pagkatapos nun
10:25.0
Digla namang isinugod sa ospital yung panganay na kapatid ni Jojo
10:31.0
May kwento ko lang pala na hindi pa nag-iisang taon simula ng pagkapanganak nito sa bonsu niya
10:36.0
Inatake raw ito ng high blood, sinuri ito ng doktor sa ospital at sinabing undercoma na po ito
10:45.0
Ilang araw nagstay ito sa ospital hanggang sa napagdesisyonan na iuwi nga sa bahay
10:52.0
Bumili sila ng oxygen para sana magamit pag uwi ng atin nila
10:56.0
Kaso nung pagtransfer na sila sa ambulance,
10:59.0
binauwian ito ng buhay. Habang pinaglalamayan ito ay hindi po talaga ako pumunta doon
11:07.0
Isang gabi, nagpapatulog ako sa baby ko nang may isang paru-paru akong nakita sa loob ng kuwarto
11:16.0
Yung kuwarto namin ay air-conditioned
11:18.0
Sobrang close po talaga kaya nabigla ako nang makakita ng paru-paru sa loob. Paano nakapasok yun diba?
11:31.0
Lumilipad-lipad lamang ito kung saan ako pumuesto
11:35.0
Hanggang sa nagsabi ako na pahulay na sa dayon, gipasaylo na tika
11:41.0
Sorry at hindi ko alam kung ano yung Tagalog nyan. Baskit ako makakagiliw, comment naman sa mga nakaintindi ng salitang ito
11:52.0
Eksaktong binuksan ko yung pintuan, pagkatapos nun, at lumabas
11:58.0
Kitang kita ko talaga sir Seth na sumabay sa paglabas ko yung paru-paru
12:02.0
Ilang araw pagkatapos namang mailibing ng kapatid ni Jojo, kumonsulta kami sa isang kilala at subok na namin manggagamot sa may lugar namin
12:12.0
Isinama namin si Jojo para patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi namin nun
12:19.0
Nung kausap na namin ang manggagamot, si Jojo para patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi namin nun
12:27.0
Nung kausap na namin ang manggagamot, totoo nga raw na may tumatrabaho sa amin at hindi na raw asin yung gamit kundi lupa na
12:39.0
Hindi basta-bastang lupa kundi lupa na ginamit sa hukay ng kaliliping palamang at nagpapamisa sa mga patay at nilalagay ang aming mga pangalan
12:54.0
Hindi sinabi ng manggagamot kung sino pero ang sinabi niya kilalang kilala nyo
13:04.0
May pinabilitong kandila, sinabing siya na raw ang bahala at balikan na lamang sa sinabi niya ang araw
13:13.0
Sa mga araw na ginagawa palamang ng manggagamot ang proteksyon, napapanaginipan ang papa ko yung mama niya
13:20.0
Matagal nang patay yung lola ko sir Seth, hindi ko na nga nabutan yun
13:26.0
Sinabi raw ng lola ko na may inilagay umano yung masamang tao sa bahay namin
13:33.0
Nung dumating yung araw na sinabi ng manggagamot na kukunin na namin ng proteksyon, kaming dalawa ni Jojo ang nagpunta
13:41.0
Proteksyon lang ang binigay ng manggagamot para hindi na tumalab ang anumang masamang hangarin ng taong gumagawa sa amin nun
13:51.0
Ayaw niya daw kasing magbalik at masama raw yun
13:55.0
Habang naguusap kami kung anong dapat gawin sa binigay niya, bigla niyang kinausap si Jojo at sinabihang
14:02.0
Kahibaw ko nga na ay kinaadman imong mama, nga na ay nakamahuan imong mama pero pati man nga sa maayo o sa dautan
14:12.0
Na ay panahon mausap ang hangin na masumbalik kini, luy lang sakay na ay bata sa tunga
14:21.0
Alam ko na may alam ang mama mo.
14:23.0
Maalam ang mama mo pero sana't tandaan niya na sa mabuti man o masama, darating ang panahon na mag-iiba ang ihip ng hangin at babalikan ka nito.
14:36.0
Kawawa lang dahil may bata sa gitna
14:41.0
Sa puntong yun sir Sam,
14:43.0
ay alam ko na yung ibig niyang sabihin at ang batang tinutukoy niya ay yung anak namin ni Jojo.
14:55.0
Hindi umimik si Jojo sa sinabi ng manggagamot.
14:59.0
Umuwi na kami pagkatapos nun at sa paglubog na paglubog ng araw ay ginawa namin niyo ng mga bata.
15:05.0
Hindi na namin pinakita at ipinalam kung saan at ano ang ginawa namin dahil kahit anuman ang gawin namin na kahit siya mismo ay nagkasakit din ng ilang araw,
15:16.0
ay ayaw at ayaw niya po talagang maniwala sir Seth.
15:22.0
Inindindi lang din namin yun, kasi si Jojo ang mga bata.
15:26.0
Ayayaw at ayaw niya po talagang maniwala sir Seth. Inindindi lang din namin yun, kasi baka hindi lang po niya matanggap na magagawa ng mama niya yun.
15:40.0
At pagbaliktarin man natin ang mundo, mama niya pa rin yun diba?
15:47.0
Ilang buwan ang lumipas at wala ng masamang nangyari sa amin.
15:50.0
Bata pa lamang dinaysadyang masakitin na yung anak ko, lalo na pag tumutubo yung ipin.
15:58.0
Unang linggo ng Pebrero, sumusuka at dumudumi yung anak ko.
16:04.0
Nagpunta na kami ng doktor at hilot pero hindi talaga tumigil hanggang siya gumabi na at nanghina na talaga yung anak ko na yun.
16:13.0
Ipapa-admit na sana namin kaso kulang yung pera namin pang down payment.
16:18.0
Nagmamadaling kinuha ni Jojo ang motor at nagpunta sa kanila.
16:23.0
Umiiyak na nakiusap na punta nila yung anak niya.
16:28.0
Diba po kasi kilalang hilot din yung mama niya.
16:33.0
Naawa naman sa apo niya yung mama niya at sumama nga papunta sa bahay namin.
16:38.0
Sa loob ng halos isang taon, noon lang ulit po siya pumunta sa bahay at noon lang nagkabalik.
16:45.0
Sobrang siglapan ng mama ni Jojo noon na yung tipong alam mo na wala talagang sakit.
16:51.0
Hinilot na nga ng mama ni Jojo yung anak namin at sa awa ng Diyos,
16:56.0
unti-unting bumalik ang kulay sa muka ni baby at nakatulog ito.
17:03.0
Nalagi yung mama ni Jojo hanggang sa mag-umaga na at papasikat na yung araw.
17:09.0
Doon namang siya pumunta sa kanila.
17:11.0
At noong magtanghali ay bumalik ulit at kinamusta nga si baby.
17:16.0
Naging okay na si baby pagkatapos noon dahil magaling talagang hilot itong binan ko.
17:24.0
Huling linggo ng Pebrero, nagulat ako nang sinabihan ako ni Jojo na yung mama niya raw
17:31.0
hindi makapagsalita at ayaw bumangon.
17:34.0
Yun rin ang unang beses pagkatapos na nga si Jojo.
17:37.0
Yun rin ang unang beses pagkatapos na isang taon na pumunta ko sa kanila.
17:42.0
Noong pumunta kami doon ay medyo umoke yung mama niya at nakipaglaro sa kamay ng apo niya.
17:49.0
Chinek namin yung blood pressure, oxygen level at kung ano pa pero normal ang lahat.
17:57.0
Kinabukasan ay maaga pa lang, nagpunta na ulit kami sa bahay nila dahil dadalhin na yung mama niya sa ospital.
18:03.0
dahil dadalhin na yung mama niya sa ospital.
18:07.0
Yung mama at papa ko, pumunta din.
18:11.0
Habang nagaantay sa isang ate nila
18:13.0
nasasama sa kanila sa ospital noon,
18:16.0
bumubuka ang bibig ng mama niya na
18:18.0
may gustong sabihin pero
18:20.0
hindi namin maintindihan.
18:23.0
Dahil parang may kung ano sa dila niya
18:26.0
at yung kamay naman niya ay tinuturo na
18:29.0
umalis na nga sila.
18:33.0
Sa puntong yun, medyo okay na okay pa yung mama niya.
18:38.0
Nakakalakad pa.
18:40.0
Pero kailangan ng may kaagapay.
18:44.0
Nakipag-usap yung mama ko sa binan ko
18:46.0
na kung anumang pinagdadaanan niya
18:48.0
ay kayang kaya niya yun.
18:50.0
Dahil sobrang tapang po talagang tao ng binan ko.
18:54.0
Parang hindi natatakot sa kung anuman.
18:56.0
Tumulo ang luha ng binan ko
18:58.0
kaya napaiyak rin yung mama ko.
19:01.0
Duda po kasi nila.
19:03.0
Baka raw dahil noong nakaraang taon
19:06.0
nahulog sa motor yung binan ko
19:08.0
at nabagok yung ulo niya.
19:10.0
Baka raw may blood clot.
19:13.0
Nagpa-citiescan na rin sila
19:15.0
pero wala namang nakita sa resulta
19:17.0
kaya inuwi na lamang nila yung mama nila.
19:22.0
Lumipas ang ilang araw,
19:24.0
mas lumala ang mama nila
19:27.0
na hindi na kumikilos
19:29.0
at parang wala na talagang lakas
19:31.0
kaya nag-desisyon na sila
19:33.0
na i-confine sa ospital.
19:36.0
Pagdating sa ospital,
19:38.0
chinek yung responses at vital signs
19:41.0
at posible raw na inatake ito ng high blood
19:43.0
kasi parang wala na raw response
19:46.0
yung isang bahagi ng katawan niya.
19:50.0
Nakonfine ng ilang linggo ang binan ko
19:53.0
at chinek ulit yung ulo niya
19:55.0
at doon na nga nakita na may namuong dugo
19:59.0
at sa sobrang daming nangyari
20:01.0
ay may bukol na raw na kanseros sa lungs niya.
20:05.0
Pinagtherapy yung mama ni Jojo.
20:08.0
Nagbaba kasakaling bumalik yung mga responses
20:11.0
sa isang bahagi ng katawan niya
20:13.0
at unti-unting umayos naman ito.
20:16.0
Nag-vidicall pa nga sila ni Jojo
20:18.0
at nung makita ng mama niya yung anak namin
20:20.0
kumaway ito at nag-flying kiss pa.
20:24.0
Nung nasa isang buwan na sa ospital yung binan ko
20:27.0
napag-desisyonan ng mga anak niya na
20:29.0
iuwi na lamang siya
20:31.0
at doon na magpagaling sa bahay.
20:34.0
Bumili na rin sila ng oxygen
20:35.0
kasi kailangang mag-oxygen yung mama niya
20:37.0
at naka-NGT pa ito.
20:41.0
Ilang beses ding pabalik-balik sa ospital yung binan ko
20:45.0
hanggang sa isang gabi
20:47.0
katapusan ng buwan ng Abril.
20:50.0
Kinising ako ng mama ko dahil
20:52.0
nagpunta raw yung pamangki ni Jojo
20:55.0
para ipaalam na wala na yung lola niya.
20:58.0
Wala na yung binan ko.
21:02.0
Nung mga panahon na yun kasi
21:03.0
nasa ospital si Jojo kasama yung papa niya.
21:07.0
Sobrang awang-awa ko sir siya.
21:10.0
Hindi ko halos alam kung ano yung gagawin
21:12.0
at mararamdaman ko.
21:14.0
Nung umuwi si Jojo ay umiyak ito ng sobra.
21:18.0
Napaiyak na rin ako
21:20.0
at damang-dama ko yung sakit na nararamdaman niya.
21:24.0
Hindi niya paraw kayang mawala ng ina.
21:28.0
Umiiyak lamang si Jojo hanggang sa makatulog siya.
21:32.0
Sa awa ng Panginoon
21:34.0
ay nairaos naman nila yung libing ng binan ko.
21:39.0
Napakalaking palaisipan na rin sa amin
21:41.0
at minsan ay nakukonsensya ako
21:44.0
dahil naisip ko na baka
21:46.0
dahil sa pagmamahal niya sa apo niya
21:49.0
kaya nangyari yun sa kanya.
21:52.0
Nasabi minsan sa amin ng manggagamot
21:54.0
na kapag ikaw ay nagtanim sa isang lugar ng masama
21:59.0
sa oras natatapa ka sa lugar na yun
22:02.0
maibabalik sayo ang anumang masamang hangarin mo.
22:06.0
At lalong lalo na sir Seth
22:08.0
natapakan niya ang lugar na pinaglagyan namin ng aming proteksyon.
22:15.0
Ganun man ang nangyari
22:17.0
nagpapasalamat pa rin ako sa kanya
22:20.0
dahil sa loob ng ilang buwan
22:21.0
mula paglabas ng anak ko sa sinapupunan ko.
22:24.0
Alam kong mahal na mahal niya yung apo niya.
22:27.0
Damangdam ako at kitang kita ko noong nabubuhay pa siya
22:30.0
na sobrang mahal na mahal niya ito.
22:34.0
Hanggang dito na lamang po sir Seth
22:36.0
Salamat
22:37.0
kung sakali mang maibahagi mo itong karanasan ko.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.